"Ah! My hair!" sigaw ko nang bigla na lang akong sabunutan ng bruhang ex girlfriend ni Enrique!
Hinila naman niya ako palayo kay Enrique. Kaya agad siya na napatayo at sumunod sa amin. Hawak naman ng dalawang alipores niya ang magkabilang mga kamay ko, kaya hindi ko magawang maalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko.
This stupid motherfucking b***h! How dare her to drag me?! f*****g low class s**t!
Gusto ko na siyang murahin. Lahat ng mura ay gusto ko nang isigaw sa mga bruha na 'to, pero hindi ko magawa. Dahil tumatatak sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Enrique kanina. Isa raw akong elegante at maayos na babae. Ayokong sirain ang tingin niya sa akin, dahil lang sa mga hinamungkal na 'to!
"Stop it, Kim! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?!" galit na sigaw ni Enrique. Napigilan na niya ang babae ngayon na hilahin ako. Nakaagaw na kami ng atensyon ng mga estudyante.
"Oh my gosh. Who's that ugly girl?"
"Ang lakas naman ng loob niya na sabunutan at hilahin si Apple!"
"I bet she's new here. Mukhang hindi niya kilala si Apple."
"Hindi ko alam na pwede na pa lang makapasok ang mga squatters dito sa C.U.? Mukha pa naman silang mga squammy!"
"And look at their hair styles... it' so ew!"
Narinig ko na ang mga kumento ng mga estudyante sa paligid namin ngayon. Nilalait na nila ng husto ang tatlong mga babae na 'to. Miski naman ako ay kanina ko pa sila gustong laitin sa isipan ko. Totoo naman na mukha silang mga dugyutin. Walang ka class-class sa katawan. Miski ang pagsusuot ng uniporme ng Cashland University ay hindi nila magawang madala ng ayos. Hindi bagay sa kanila. Tapos ang mga buhok nila ay pare-parehas pang mga nakatali at sobrang taas ng buhok. Daig pa ang mga jejemon sa kanto. Ang mga itsura nila ay halatang mga basagulera talaga.
Hindi nga ako makapaniwala na pinatulan ni Enrique ang pagmumukha niya na 'yon!
Ang laki ng mga mata niya na parang luluwa na, nakakatakot. Tapos ang mga ngipin niya ay ang lalaki. Kailangan pa nga niya ng braces para lang umurong ang ngipin niya paloob. Dahil mukhang hindi na niya masara pa ang bibig niya ng maayos. Samantalang hindi siya gaano kaputian. Hindi rin morena kung matatawag. Parang nasunog ang balat sa sobrang init ng sikat ng araw, tapos wala man lang siyang mailagay na kahit anong cream o lotion sa balat niya, halatang dry na dry. Ang makeup pa na gamit niya ay halatang ang cheap! Hindi gaanong mamahalin. Mukhang anytime ay pwede nang mag-fade away. Hindi rin kinaya ng makeup niya na pagandahin ang pagmumukha niya. Seriously? Ex girlfriend ba talaga 'to ni Enrique?
"Hoy, manahimik nga kayo! Ako ang ex girlfriend ni Enrique Morales. Ako lang ang pwedeng magmay-ari sa kaniya!" sigaw pa niya sa lahat.
Nagtawanan at nagbulungan naman ang mga estudyante sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon. Proud na proud siya na ex boyfriend niya si Enrique. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi magiging proud kung ganito kagwapo ang naging ex boyfriend?
"Hindi kaya ginayuma mo lang siya noon, kaya pinatulan niya ang isang katulad mo?" maarte naman na sagot ko sa kaniya. Pinapahiya ko na rin siya ngayon at binabara. Hindi pa rin dapat ako magpatalo.
"Excuse me?! Sa ganda kong 'to, hindi ko siya kailangang gayumahin. Dahil kusa siyang nagkagusto sa akin!"
"Kim, tigilan mo na! Hindi ko alam kung paano mo pa ako nasundan hanggang dito. Pwede ba na tigilan mo na ang pagpapakalat ng balita na hindi naman totoo?" sagot naman ni Enrique sa kaniya.
Nagkunwari naman ako na nagulat. Napatakip pa ako sa bibig ko. "OMG. I knew it. Hindi rin naman talaga kapani-paniwala ang mukha ng isang 'to. Are you hallucinating na naging boyfriend mo si Enrique? I pity you naman," maarte pa na sambit ko.
Nagtawanan muli ang mga nasa paligid. Malamang ay may nagvi-video na ngayon. Pero ipapabura ko rin 'yon mamaya dahil ayoko na nagkakaroon ako ng ganoong mga klass ng video. I want to keep my dignity. Hindi maganda na kumakalat ang video ko na nakikipag-away sa babaeng katulad ng kaharap ko ngayon.
"W-What do you mean, Enrique? We had a thing before! Gustong-gusto mo nga ako noon," sambit pa ng babae. Ipinipilit talaga niya na ex girlfriend siya ni Enrique ngayon. Mas pinapahiya niya lang ang sarili niya.
"Kim, sa tingin ko ay kailangan na nating umalis ngayon. Ang dami nang nanonood sa atin," narinig ko pa na bulong ng isang alipores niya.
"Dude, Enrique! Totoo ba na ex girlfriend mo ang isang 'yan?!" sigaw naman ng isang lalaki mula sa crowd. Napatingin din ako para makita kung sino 'yon. Isang grupo ng mga kalalakihan. Pamilyar sa akin ang mukha ng ibang mga lalaki roon, mukhang mga players sa basketball team namin. Ibig sabihin ay mga ka-teammates ni Enrique.
"No, she's not. I am not considering her as my ex girlfriend. We were just friends before, noong mga bata pa kami. I did told her that I like her when I was six. She' cute... back then," kwento naman ni Enrique.
Nagtawanan muli ang mga tao nang marinig ang huling sinabi ni Enrique. Miski ako ay hindi na napigilan ang sarili at natawa na rin nang marinig 'yon. Back then? Ibig sabihin ay noon lang siya cute at hindi na ngayon.
"Hindi totoo 'yan!"
"It was the truth. Noong nag-high school ay iyak ka na ng iyak dahil hindi mo na ako kaklase. Hindi mo ako magawang sundan dito dahil hindi mo kaya ang tuition dito. Hindi naman na tayo nagkakausap pa simula noong nag-high school. You were just a person that I used to know before. But that's it. Wala tayong naging kahit na anong relasyon noon. Kaya pwede ba, tigilan mo na ako. Nagulat pa ako nang makita kita rito ngayon at hindi na nga kita natatandaan. Nagpakilala ka lang talaga sa akin," sagot pa sa kaniya ni Enrique.
"I still believe that we had a thing before! Kahit mga bata pa tayo noon, alam ko na may gusto ka sa akin!" umiiyak nang sigaw ni Kim. Nahihibang na ang isang 'to. Sino nga ba naman ang hindi mababaliw, kung ganito kagwapo ang naging itsura ng bata na nakilala niya noon? Pero hindi naman ako ganiyan kabaliw katulad niya. Tsaka inaayon ko sa ganda ang paghahabol at pag-iinarte ko. Hindi katulad ng babae na 'to ngayon.
"Kim, tara na. Nakakahiya na at pinagtatawanan ka na ng mga tao."
"I used my father's savings and insurance para lang makapag-aral sa eskwelahan na ‘to at masundan ka!” sigaw bigla ni Kim. Nagulat naman ako roon, pati na rin ang ibang mga estudyante.
“How ungrateful. She’s poor naman pala.”
“No wonder, her styles with her friends. Oh, God.”
“Kadiri naman.”
“Dapat inisip mo man lang ang ama mo na nagpakahirap para sa insurance at savings na ‘yon. Na ginamit mo lang para sa pansarili mong kagustuhan. If you can’t afford to study here, dapat hindi ka na rito pumasok. And oh, hindi naman pala mag-aaral ang puntirya mo rito. Dahil ang gusto mo lang ay sundan si Enrique,” sambit ko naman sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.
“Wala kang pakialam! Sino ka ba? May gusto ka ba kay Enrique at balak mo siya na agawin sa akin?!”
“Oh my gosh! You don’t know who she is? Siya lang naman ang anak ng may-ari ng pinapasukan mo ngayon. I can’t believe you don’t know her,” sabat ng isang estudyante na hindi ko naman kakilala.
“Tapos ang kapal pa ng face na saktan si Apple. You’ve messed up with the wrong person,” dagdag pa ng isa.
Tinaasan ko naman ng isang kilay ang babae na nagtataka nang nakatingin sa akin ngayon. Natakot na ang dalawa niyang mga kaibigan kaya agad nang nanakbo palayo at iniwan itong si Kim. Nilapitan ko naman siya ng dahan-dahan. Saka ko mabilis na hinila rin ang kaniyang buhok, bilang ganti sa nagawa niya sa akin kanina. Mas ibinaba ko pa siya para lalo siyang masaktan, kaya naman ay napasigaw siya sa sakit.
“This is for what you’ve done to me earlier. If I were you, I will drop out of this university immediately. Ibabalik ko rin sa ‘yo ang ibinayad mo. Make sure na ibabalik mo ‘yon sa tatay mo, ha? Think of it as a free experience to study here in Cashland University,” sambit ko pa sa kaniya. Saka ko binitawan ang kaniyang buhok.
Sinamaan pa niya ako ng tingin, saka siya nanakbo na rin palayo habang umiiyak. Inilingan ko na lang siya. Nilapitan ko naman ang bag ko at kinuha ang alcohol ko. Saka ko binuhusan ang mga kamay ko na inihawak ko sa babae na ‘yon.
“Sa lahat ng nag-video, delete it immediately. Kung ayaw ninyo na madamay kayo sa init ng ulo ko. Don’t you dare to leave it on your phones. Ipapa-detect ko ‘yan at kapag nahuli kayo, may parusa kayo na matatanggap,” banta ko pa sa mga tao na narito ngayon. Nakita ko naman na dali-dali silang nagsipindutan sa mga phones nila.
Nilingon ko naman si Enrique at bumalik na kami sa pwesto namin. Kinuha ko ang aking suklay at inayos na ang buhok ko na sinabunutan ng bruha na ‘yon kanina. Kung wala lang si Enrique sa harapan ko kanina, tiyak na hindi lang isang sabunot ang mapapala sa akin ng babae na ‘yon.
“Apple, I’m sorry for what happened. Hindi ko inaasahan na gano’n ang gagawin niya sa ‘yo. But believe me, hindi ko talaga siya ka-close or what. We just knew each other back then. That was a decade ago,” paliwanag pa agad sa akin ni Enrique.
Nang maayos na muli ang itsura ko ay nginitian ko siya. “It’s okay. Hindi mo rin naman ‘yon kasalanan. So don’t be sorry,” sagot ko naman kay Enrique.
“Are you okay? Wala naman bang masakit sa ‘yo? How about your head?” nag-aalala pa na tanong niya sa akin. Chine-check pa niya ako ngayon. Nginitian ko naman siya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. Nakakatuwa at nakakakilig dahil nag-aalala siya sa akin ngayon.
“I’m fine. Hindi naman masakit ang sabunot niya sa akin. I’m sorry for the attitude na nakita mo kanina. I know it’s not appropriate.”
Nakakahiya pa rin na nakita niya akong nakipag-away ngayon, for the first time! Gusto ko pa naman sana na puro good sides ko lang ang nakikita sa akin ni Enrique. Nako, sana naman ay hindi mabawasan ang points ko sa kaniya. Para lang kaming nasa isang laro na may puntos pa ako na naiisip ngayon.
“You did the right thing. Dapat lang talaga na labanan mo siya. Hindi naman tama ang ginawa niya sa ‘yo na bigla ka niyang sinugod at sinaktan. Hindi ko inaasahan na gano’n ang gagawin niya sa ‘yo, kaya nagulat ako.”
“Mukhang patay na patay talaga sa ‘yo ang babae na ‘yon. Baka naman ikaw ang naggayuma sa kaniya?” biro ko pa sa kaniya. Hindi naman niya napigilan na matawa dahil sa sinabi ko na ‘yon.
“Just kidding. Anyways, malapit na ulit mag-start ang klase ko. Ikaw ba?”
“Vivianna Apple!”
Hindi nagawang sumagot sa akin ni Enrique nang marinig ang pamilyar na boses na sumigaw ng pangalan ko. Napatingin naman ako kay Vaughn na galit nang papalapit sa kinaroroonan namin ngayon.
“Vaughn, hi,” sagot ko. Malamang ay alam na niya ngayon kung ano ang nangyari sa akin kanina rito sa cafeteria! Mukhang galit na galit pa siya ngayon.
“Sino ang walanghiya na nanakit sa ‘yo? Sino?!” sigaw pa niya sa akin. Saka siya tumingin sa paligid.
“Kung sino man ang may balak pa na manakit kay Apple, mapalalaki man o babae, ay malalagot sa akin!”