“Stop it, Vaughn. I’m not hurt, okay?” sambit ko agad kay Vaughn. Hinila ko na agad siya palayo kay Enrique. Para na rin hindi niya makita na kasama ko si Enrique ngayon. Tiyak na kukulitin niya ako ng husto sa oras na makita niya na lalaki ang kasama kong kumakain, at hindi ang mga kaibigan ko. Baka isipin pa niya na may gusto ako kay Enrique. As much as possible ay hindi ko muna ipinapahalata sa kahit na kanino na may gusto ako sa kaniya.
Sinenyasan ko na lang si Enrique na aalis na ako. Tutal naman ay tapos na kaming kumain. Tinanguan na lang niya ako. Siguro naman ay kilala niya ang kakambal ko.
“What do you mean that you’re not hurt? Narinig ko na agad ang balita sa room na may umaway at nanakit sa ‘yo kanina. Sino ang babae na ‘yon at bakit ka sinaktan?” usisa pa sa akin ni Vaughn habang naglalakad kami palayo sa cafeteria.
“Oo nga, Apple. Sabihin mo na kung sino ang nanakit sa ‘yo, para magantihan namin,” dagdag pa ni Zane. Si Zane ay kaibigan ni Vaughn. Kasama pa ngayon sina Razen, Deyl, at Francis na mga kaibigan din ng kakambal ko.
“Just chill, okay? I’m obviously fine. Hindi naman ako bata,” sagot ko sa kanila. Protective rin kasi sa akin miski ang mga kaibigan ni Vaughn. Dahil matagal na rin naman nila akong kilala. Except kay Deyl na ngayong college lang naman nila naging kaibigan. Pero madali lang din kami na naging close dahil mabait naman siya. Ang bawal lang ay ang magkagusto sila sa akin. That’s part of their so-called ‘bro codes.’
“Hindi ka nga bata, kaya ayos lang na makipag-away ka na ngayon?” seryoso pa na tanong sa akin ni Vaughn.
“Vaughn, that’s not what I meant. Besides, hindi ako literally nakipag-away. Well, I mean… Inaway ako, yes. Sinugod ako ng babae na ‘yon, pero hindi ko naman ginusto na magkaroon ako ng kaaway. I bet she will voluntarily kick her ass out of this university. Kaya hayaan niyo na ‘yon. Sinugod niya lang ako dahil inggit siya sa akin. Ni hindi ko nga siya kilala. Hindi niya rin alam kanina na anak ako ng may-ari nitong C.U,” kwento ko pa sa kanila.
Hindi ko na sinabi pa na tungkol sa lalaki kung bakit ako inaway ng babae na ‘yon. Ayoko na malaman ni Vaughn ang tungkol kay Enrique. Mabuti na lang at na-delete na ang mga videos kanina.
“Just make sure to stay away from mess. We need to manage our images here.”
“Coming from you na may issue na kumalat noong nakaraan about checking in a hotel with Jeneive Laura?” mataray na sagot ko sa kaniya. Tinaasan ko pa siya ng kilay, kaya napalunok siya. Akala niya yata ay nakakalimutan ko na kung paano siya nagkaroon ng issue ngayon. Although naipaliwanag naman niya sa akin na hindi raw totoo ang issue na ‘yon at inihatid niya lang ang Jeneive na ‘yon sa isang hotel, dahil lasing. Pero nagkukunwari na sila ngayon na magkasintahan, para hindi raw siya masabihan na f**k boy o mahilig sa one night stand.
“Magkaibang bagay ‘yon. Anyways, stay out on any mess. Or else…”
Magbabanta pa sana siya sa akin pero tinulak ko na lang siya palayo. “Oo na! Lalayo na ako sa kahit na anong gulo!”
Nang makapasok na ako sa room ko ay inayos ko na lang muli ang sarili ko. Pinagtitinginan ako ngayon ng mga kaklase ko, pero hindi ko na lang sila pinansin pa. Alam ko naman na concern lang sa akin si Vaughn at ayaw niya ako na nasasaktan. Mabait ako sa mabait. Maya-maya ay may lumapit sa akin na dalawang magagandang babae. Mukha naman silang mabait. Natatandaan ko na ang ilang mga mukha at pangalan ng mga kaklase ko. Ang dalawang ‘to ay mga matatalino rin. Mga madalas silang sumagot sa bawat tanong ng professors. Well, magpapatalo ba naman ako? Syempre, hindi!
“Hey, are you okay?” nag-aalala na tanong sa akin ng isang babae na may golden hair. Siya si Jessamin. Napangiti naman ako. “I’m okay. Nakita ninyo siguro kung ano ang nangyari kanina,” sagot ko.
“Oo, eh. Gusto ka nga sana naming tulungan kanina. But you handled it very well already,” sagot naman ng isang babae na may suot na salamin. Kahit nakasalamin siya ay sobrang ganda pa rin niya. Bagay naman ang bilog niyang eyeglasses. Siya si Edlyn.
“Oh, really? Thank you for your concerns.”
Mukha naman talaga silang sincere at hindi plastik. Medyo mapili rin talaga ako sa kaibigan. Kaya nga kahit famous ako rito sa C.U. ay dadalawa lang ang mga kaibigan ko, sina April at Divine. Pero dahil nga hindi ko naman sila kaklase ngayong college, wala pa akong kaibigan ngayon dito sa kurso ko. Ang iba kasi ay mukhang mga plastikada at hindi mapagkakatiwalaan. May iba naman na estudyante na gusto lang akong kaibiganin dahil anak ako ng isang sikat na bilyonaryo.
Naglahad ng kamay sa harapan ko si Jessamin. “Hi, I’m Jessamin. We want to be friends with you. Is that okay?” alok niya sa akin. Naglahad na rin ng kamay sa akin si Edlyn. “And I’m Edlyn.”
“It’s nice to meet you, Jessamin and Edlyn. Although I already know your names. Sure, we can be friends naman!” masayang sagot ko sa kanila.
Naupo na sila sa tabi ko at sinimulan na akong daldalin. Pwede naman kaming umupo sa kahit na saan, walang permanent seats. Kaya naman ay masaya ako dahil may makakadaldalan na ako rito sa room namin. Hindi na ako loner tingnan.
“So tell us, do you also love shopping?”
“Yes, of course! Sino ba naman ang hindi mai-in love mag-shopping? Lalo na at sobrang daming magagandang damit sa malls!” excited na sambit ko.
Hindi ko na gaanong makasama sina April at Divine sa pagsha-shopping, dahil madalas ay kasama nila ang kanilang mga boyfriend at nakikipag-date. Kung minsan ay nakakapagtampo na rin dahil hindi ko na sila nakakasama sa mga gano’ng gala. I really feel so single. Pero iniintindi ko na lang dahil gano’n siguro talaga kapag nagmahal. Mas marami ang oras sa taong mahal mo kaysa sa mga kaibigan mo. Gano’n din siguro ako soon kapag naging kami na ni Enrique.
Kahit 24/7 pa ‘yan na magkasama kami ay ayos lang sa akin!
Pero hanggang imagination na lang muna ako ngayon. “We love shopping too! Kapag free time mo ay mag-shopping tayo. Gagawa ako ng group chat nating tatlo!” excited din na sagot sa akin ni Edlyn.
Marami pa kami ang napagkwentuhan dahil medyo male-late ng pasok ang professor namin ngayon.
“Magkasama kayo kanina ni Enrique Morales, ang sikat na basketball player dito sa Cashland University. Boyfriend mo ba siya?” usisa sa akin bigla ni Jessamin. Nagulat pa ako nang bahagya ng itanong niya ‘yon sa akin.
“Oh, no. Hindi ko siya boyfriend. We’re just friends,” sagot ko. But how I wish na boyfriend ko nga siya.
“Talaga? I thought you guys have something earlier. You looked so sweet.”
“Hindi, ah. Kumakain lang naman kami kanina. Classmates na kasi kami ever since first year high school. Ngayon college lang hindi. Kaya medyo close kami,” sagot ko naman sa kaniya. Tutal naman ay hindi sila rito nag-high school, kaya hindi naman nila malalaman na sobrang tahimik ni Enrique noon.
“Gano’n ba? Sayang naman. Mukhang bagay pa naman kayo. Right, Jess?” sagot din sa akin ni Edlyn. Medyo kinilig naman ako dahil doon, pero siyempre ay hindi ko ipinahalata na kinilig ako. Baka mapansin pa nila na head over heels ako kay Enrique!
“We are really just friends. Nothing more and nothing less,” sagot ko pa. Pero sa isip-isip ko, bagay pala kaming dalawa? Paano ba ‘yan, dalawang tao na ang nagsabi sa akin no’n? Paano pa kaya ang iniisip ng ibang tao kapag nakikita na magkasama kami ni Enrique? Naiisip din kaya nila na bagay kaming dalawa?
Maya-maya ay may nag-text sa akin, kaya kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ‘yon.
From: Enrique Morales
Just got back to our room. Mukhang wala pa kayong klase kaya napa-text ako.
“OMG! Ganiyan ba ang friends lang? I’m sorry kung nabasa ko. Kasi kitang-kita talaga namin,” reaksyon agad ni Jessamin!
Nagulat pa ako na nabasa nila ang text sa akin nj Enrique. Pero mas nagulat ako sa naging text sa akin ni Enrique! Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa kilig. Sumilip ba siya rito sa room namin? Nakita kaya niya ako? Nag-update pa siya sa akin ng gano’n, para lang malaman ko na nasa room na ulit siya!
“Ohhh! Nakangiti ang ate mo girl! So it means, may gusto ka sa kaniya? Hindi lang friends ang tingin mo sa kaniya?” tanong pa sa akin ni Edlyn.
Mukhang napansin na rin naman nila, kaya hindi na ako nag-deny pa. “Well, secret lang ‘to ha. I like him… Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kaniya, right? I mean… He’s perfect!” kinikilig pa na sagot ko sa kanila.
“Hindi ako na-attract sa kaniya, but I admit na gwapo nga siya. What if may gusto rin siya sa ‘yo? Tapos hindi pa niya inaamin?” sagot naman sa akin ni Edlyn.
“Hey, don’t assume like that. Tsaka ayoko rin naman na umasa.”
Nalaman ko na may boyfriend na rin pala si Jessamin. Komportable ako na kausap sila, kaya naman ay nagawa kong aminin sa kanila na may gusto ako kay Enrique. Pero hindi ko na binanggit pa na matagal na akong may gusto sa kaniya. Baka kung ano pa ang isipin nila tungkol sa akin. Ayoko rin na ma-judge ako or what. Itatago ko na lang ‘yon sa sarili ko.
“May posibilidad din naman talaga na may gusto siya sa ‘yo. Look, oh. Nag-update pa siya sa ‘yo kahit na friends lang naman kayo. And besides, sa ganda mo na ‘yan? Asa naman na hindi siya ma-fall sa ‘yo!” kumento pa ni Jessamin. Kinilig naman kaming tatlo at bahagyang napatili, kaya agad ko rin sila na sinenyasan na tumahimik. Dahil napapatingin na ang iba naming mga kaklase sa amin.
“Sshh… Baka marinig tayo ng iba nating mga kaklase. Basta secret lang ‘to ha? Even my two best friends ay hindi alam ang tungkol dito. Nahihiya kasi ako na sabihin sa kanila.”
“Sure, you can trust us. We’re friends. Support ka rin namin sa crush mo na ‘yan.”
Napangiti naman ako. Nagkaroon ako ng new friends na mababait, tapos ganito pa ang ipinapakita sa akin ngayon ni Enrique. Pero hindi pa rin dapat ako umasa. Baka masaktan pa ako. Sa ngayon ay ie-enjoy ko lang muna ang mga ipinapakita sa akin ni Enrique. Hangga’t hindi siya umaamin kung may gusto man siya sa akin, hindi ako mag-aassume ng kahit na ano mula sa kaniya.
From: Enrique Morales
You’ve seen my text. Start na ba ang class ninyo kaya hindi ka naka-reply?
“Nag-text ulit siya sa ‘yo. Ibig sabihin ay inaabangan din niya ang reply mo sa kaniya,” kinikilig na sambit ni Jessamin.
“Wait, replayan ko lang siya.”
To: Enrique Morales
I’m sorry for the late reply. Inayos ko lang ang gamit ko. Wala pa ang professor namin. Kayo ba ay wala pa ring klase?
From: Enrique Morales
Meron na kaming klase ngayon.
To; Enrique Morales
Huh? Start na pala ang klase ninyo. Bakit ka pa nakaka-reply sa akin? Baka mahuli ka pa na nagamit ka ng phone.
From: Enrique Morales
I just want to talk to you. Nakatago naman ang phone ko, kaya hindi ako mahuhuli.
“GRABE! ‘YONG PUSO KO!” sigaw ko bigla. Napatingin na sa akin ang mga kaklase namin. Nagtatatalon din sa kilig ang mga kaibigan ko, dahil nakikibasa rin sila sa conversation namin ni Enrique.
Kinalma ko naman ang sarili ko at umupo na muli kaming magkakaibigan. “Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Para tuloy akong high school student na sobra kung kiligin,” sambit ko.
“Ano ka ba, that’s normal! Besides, hindi ka pa naman nag-eighteen years old. Teenager pa tayo.”
“Pero grabe, ang lakas nga magpakilig ni Enrique. Kahit hindi niya sa akin sinabi ay nakakatuwa dahil gumagawa siya ng paraan para lang makausap ka ngayon. Go for it, girl! I really think na may gusto rin siya sa ‘yo,” kumento pa ni Edlyn. Mas lalo tuloy akong napapangiti ngayon. Mapupunit na yata ang mukha ko sa sobrang pag-ngiti ko.
No, Apple! Huwag ka pa ring aasa! Mas masakit kapag umasa ka, tapos wala ka naman pa lang mapapala.
Nag-text muli sa akin si Enrique, kaya naman ay sabay-sabay naming binasa kung ano ‘yon.
From: Enrique Morales
Let’s meet again later after classes. See you.