“Are you sober now?” tanong sa akin ni Vaughn nang makababa ako. Hawak ko pa rin ang ulo ko dahil masakit hanggang ngayon. Akala ko pa naman ay magiging ayos na ako kapag nagising, pero parang mas lalong sumakit ang ulo ko ngayon. Alas-dos na ako ng hapon nagising ngayon. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagising na ako. Damn, hangover! “I want some hot milk or coffee,” sagot ko. Sinundan ko naman si Vaughn papunta sa dining area namin. “Kumain ka na. Pinaghanda na kita ng makakain mo pati hangover soup.” Natuwa naman ako nang marinig ang sinabi niya, saka ko nakita ang mga nakahanda na sa lamesa. Agad akong lumapit doon at unang pinuntirya ang sabaw. Vaughn’s also a good cook. Tamad lang ako magluto, kaya hindi ako nagluluto. Pero si Vaughn ang nakamana ng cooking skills nina Mom at

