[ENRIQUE MORALES’ P.O.V.] Nang nasa labas na ako ng Arena ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nakalimutan ko kung saan nga ba ang daan papunta sa hotel namin. Naalala ko kasi na naka-kotse nga pala kami ni Jamshed nang magpunta kami rito kanina. Tapos ngayon ay kailangan ko nang mag-commute dahil tinakasan ko na si Jam. Hindi pa naman ako sobrang nakakalabas. Kaya hindi ko pa nakikita kung nasaan ang mga taxi. Hindi ko rin alam kung ano ang pangalan ng hotel namin, kaya hinahanap ko na ngayon sa phone ko. Mukha tuloy akong guwardiya rito na nagbabantay at nakatayo lang. Nang mahanap ko na ang pangalan ng hotel namin ay naglakad na ako palabas sa mismong MOA Arena. Ngunit bago pa ako makalabas ay may nakita akong bata na nananakbo. Nagtaka ako dahil pamilyar ang suot ng bata na

