Nagwagi kami sa unang round ng cheerdance kahapon. Ngayong araw ay walang laban ang Cashland University basketball team, kaya naman ay pahinga din kaming cheerdance ngayon. Manonood daw sa mga games si Enrique dahil makakalaban din daw nila ang mga maglalaro sa araw na ‘to. Magaganap ang mga laro sa ibang university. Hindi na ako sumama sa kaniya dahil gusto ko rin na magpahinga ng buong isang araw. Bukas kasi ay may laban ulit sina Enrique. Kaya naman ay kailangan kong ihanda ang boses at katawan ko para sa pagsayaw muli namin bukas. Kasama rin naman ni Enrique ngayon ang kaniyang mga basketball team na manonood. Nang sa gano’n daw ay malaman nila kung paano ang magiging laro ng kanilang mga kalaban. Ibig sabihin ay pag-aaralan na nila ang kanilang mga kilos. Kaya hinayaan ko na lang mu

