Hindi ko na lang ni-replayan pa si Lance. Something’s off about him. Hindi ko lang ma-point out kung ano ‘yon. Para bang masiyado na agad siyang feeling close sa akin. Kung pagtripan pa niya ako kanina kay Enrique ay akala mo natutuwa ako sa kaniya. Nakinig na lang ako sa klase namin nang dumating ang aming professor. “Class, may gusto ba ritong mag-participate sa cheerleading for the basketball team? Masiyadong busy ang ibang course sa mga activities nila. And since ang Fashion Modeling pa lang ang walang activity, inaalok ko kayo kung sino ang pwedeng sumali sa cheerdance,” sambit ng aming professor. Agad naman na itinaas ni Edlyn ang kamay ko. Nagulat pa ako dahil sa ginawa niya! “Professor, Apple wants to participate on it! She’s also a good dancer and good in cheering!” sambit p

