Hindi na nawala sa isipan ko ang huling sinabi sa akin ni Enrique. Hindi ko na rin naman siya kinulit pa na sabihin sa akin ang tungkol sa buhay o pagkatao niya. Wala rin naman akong karapatan na malaman. Sino ba naman ako sa buhay niya? Isang hamak na kakilala niya lang ako. I can’t call him a friend of mine, dahil may gusto ako sa kaniya. Pero siya, mukhang kaibigan lang naman talaga ang tingin sa akin. Naisip ko na kung gusto niya talaga ako, e ‘di sana ay handa siyang ipaalam sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya. Pero dahil sa sinagot niya sa akin noong araw na tinanong ko siya, doon pa lang ay alam ko nang wala siyang gusto sa akin. “Himala at hindi mo na masiyadong nakakasama si Enrique nitong mga nakaraan na araw?” tanong sa akin ni Jessamin. May activity kami ngayon at parang w

