Nagpatuloy ang bakasyon namin dito sa Palawan, pero lumipat na kami sa Puerto Princesa. Hindi na masiyadong sumasama sa amin ni Rico si Enrique. Sinabihan ko siya na dumistansiya muna sa amin. Nagkakasama lang si Rico at Enrique kapag sa hotel room na namin. Magkatapat kasi ulit ang rooms namin. Binibigyan ko na lang sila ng oras dalawa. Wala naman nang spy sa amin. Nagkaroon din ako ng guards dito at nakabantay mula sa malayo. Sila ang nagmamasid sa paligid kung may nanonood ba sa bawat kilos ko o kumukuha ng litrato ko. Para rin safe si Rico. Bukas ay pauwi na muli kami sa Manila. Simula na talaga ang pagiging abala ko. So far ay tahimik naman na sa social media. Pero alam ko naman na usapan na ‘yon ng mga tao ngayon. Naba-blocked lang agad kapag may sumusubok na i-post ulit ang issue

