[ENRIQUE MORALES' P.O.V.] Agad akong napatigil sa paglalakad namin papasok sa loob ng MOA Arena nang makita ko na agad sa entrance kung ano ang event na panonoorin ngayon ni Jamshed. "Akala ko ba ay concert ang papanoorin natin? Bakit fashion show ang nakita ko?" nagtataka naman na tanong ko kay Jamshed. "Bukas pa 'yon. Ayan oh, may nakalagay naman na date," turo pa niya sa akin. Tiningnan ko naman ang nasa ibaba ng banner at bukas pa nga ang date na nakalagay doon. Napahinga naman ako ng maluwag. Kahit naman hindi ko alam kung kasali ba siya sa fashion show na magaganap dito, kinakabahan pa rin ako. "E nasaan ang banner para sa concert na magaganap ngayong gabi rito?" tanong ko pang muli kay Jamshed. Puro kasi tungkol sa Fashion Show ang nakikita ko. "Makikita mo rin naman 'yon mam

