[ENRIQUE MORALES' P.O.V.] "Hindi ako mag-aaral ngayong college. Maghahanap na ako ng trabaho," malamig na sambit ko kay Mom. Isang buwan na ang nakalipas at tinakbuhan na lang bigla kami ni Dad. Hindi ko na siya matawag pa na ama ko. Mas gusto ko na lang na tawagin siya sa pangalan niya na Harold. "Enrique, you don't have to do that. May natira pa namang pera sa 'yo, hindi ba? Gastusin mo na lang 'yon para sa pag-aaral mo. Alam ko na malayo ang mararating mo sa oras na makapagtapos ka na." Inamin ko na kay Mom noong nakaraan na ang pera na nasa bank account ko ay hindi nawala. Pero dalawang milyon lang 'yon. Ako kasi mismo ang nag-iipon noon ng pera galing sa mga allowances na binibigay nila sa akin noon. Dalawang milyon pa lang ang naiipon ko. "Hindi naman sapat ang dalawang milyon na

