“P-Paano mo nalaman na nagtatrabaho ako sa bar?” medyo utal na tanong niya sa akin. Nasapo ko naman ang noo ko. Sa totoo lang ay ayoko naman talaga siyang tanungin ng gano’n. Hangga’t maari kanina ay pinipigilan ko talaga na sabihin ‘yon sa kaniya. I respect his privacy… Pero parang nawawalan kasi ako ng karapatan na pakialaman siya bilang girlfriend niya. Kahit na ito naman ang unang beses na ginawa ko ‘to sa kaniya. “May nakapagsabi lang sa akin na nakita kang nagtatrabaho sa bar. Hindi sinabi kung anong klaseng trabaho. Wala naman akong balak na pakialaman ka talaga sa trabaho mo na ‘yon. Pero bilang girlfriend mo, gusto rin kita na matulungan. Kilala mo ako. May tiwala ako sa ‘yo, Enrique,” sagot ko naman sa kaniya. Nagsinungaling pa ako sa kaniya na lately ko lang nalaman na nag

