GRAY DUSTIN TSUJIMA POV:
time check 2:30 am
Hindi ko alam kung bakit gising pa ako siguro dahil Hindi ako sanay dito at ang ingay ng kasama ko.
bakit ba sya umiiyak??
hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya pero naririnig ko syang umiiyak.
nilabas ko nalang ang cellphone ko at nag open ng facebook.i saw the story of my queen on ig. she video her self while putting a make up on her face and she's so f*****g gorgeous as fvck.
syempre I love her so I send her a heart.
then i sleep....
Nagising ako ng may marinig akong kumakatok sa pintuan bumangon ako at binuksan ang pintuan.
Nakita kong nanlaki ang mata ni jade ng mapatingin sakin at bigla syang tumalikod sakin..
napagtanto ko na naka boxer lang pala ako.. FVCCKKKK!!!!???agad kong sinarado ang pintuan at kumuha sa bag ko ng short .
fvck!babae yung kasama mo sa bahay dustin di kaba nahihiya?.
sorry..
naghilamos na din ako at nag ayos.
nakita ko si jade na nakatakip ang kamay sa muka at may sinasabi.nilapitan ko sya at narinig ko ang mga sinasabi nya....
"okay tiffany wala kang nakita ah wala.... walang... wala hoooooo"sinasabi nya yan habang nagpapay pay ng muka nya.
"AY BIRD!!"
"anong bird?"naguguluhang tanong ko sa kanya matapos sya kalabitin sa balikat...
bird????
WTF!?
"wala... wala... d-doon may bird don"jade said while pointing on the window.
tsss weirdo...
pumunta na ako sa kusina nila para Kumain na at makaalis na dito kase di ko na matagalan na kasama sya...
Tapos na akong kumaim at maligo nang tawagin ako ni jade....
haysss.....
"papasok ka na?"tanong nya habang nagsusuklay ng buhok nya naka uniform na din sya.
"obviously?"bobo amp halatang halata na nga eh naka uniform na ako at paalis na. tskkk bobo.
Ayoko talaga sa kanya, she's so annoying.
stupid.
"ay hhehehehe sorry"ani jade.
I ignore her and walk towards to the door.
FVCK!! wala nga pala akong car kase pinag grab lang ako ni dad..
"Uurrggghhh"sigaw ko out of frustration..
"Hoy hulk magtatransform ka na ba dyan?"ugh nadagdagan pa!
"Tara na lakad na tayo dustin"aya ni jade naglalakad na sya at nakatayo pa din ako sa labas ng gate nila.
"Hoy statue of liberty. arat na!"ani jade.
kanina hulk ngayon statue of liberty?? really?? so annoying nya talaga.
Wala akong magawa kase di ko naman alam daan dito papuntang school kaya I followed her nalang.. since I don't have my car...
tahimik lang ako dito sa likodan nya at sya naman ay panay ang dada
tsk..
"Alam mo bang araw araw nilalakad ko to papasok at pauwi?. ang saya kaya maglakad lalo na pag pauwi na mga bandang hapos kase nakikita ko yung sunset tapos naka earphone pa ako non kaya nakaka relax diba.Ikaw ba? naka kotse ka siguro papasok ng school no? "di ko pinansin yung tanong nya.
Tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin kaya napatigil din ako ."Ang snob mo ano!?"tinignan ko lang sya at hindi nagsalita.
"Takte ang sungit mo din eh no!?"di pa din ako kumibo.
"Psh.. bahala ka nga dyan"inis nyang sabi at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa school at makapasok sa room.Dumiretso na ako sa upuan ko at naupo nandito na din si Nathan nakaupo sa armrest ng upuan nya.
"gray, bat kasabay mo pumasok yong pangit na tiffany na yon?"tanong ni nathan habang nakataas ang kilay.
"tss. nauna syang pumasok diba? so di kami sabay."alam kong tutuksuin nya ako pag nalaman nya na totoong kasabay ko si jade pumasok.
"Okay,sabi mo eh."
Dumating na ang prof. namin kaya umayos na din si Nathan ng upo.
JADE POV:
Kanina pa ako kinukulit ni mheng kung ano daw ang mga pinaggagawa namin ni dustine sa bahay kase na-kwento ko sa kanya na si dustine ang nakasama ko sa bahay kase nga wala si mama at kien sa bahay kaya ayon eto si mheng nangungulit.
"Wala nga sabi!takte ang kulit mo ah"inis na bulong ko kay mheng kase oras na malakasan ko ang boses ko lalabas kami ng klase neto.
"Sige.mamaya nalang break time i-kwento mo sakin sa canteen ah"pabulong nya din sabi.tumango nalang ako para matahimik na sya at para makapag focus na din ako sa dicussion ng prof. namin
Natapos na ang tatlo pang subject namin ay break time na namin kaya eto nanaman si mheng paulit ulit.......
"Bilis na tiff ! ikwento mo na sakin kase dali na !"
"psshhh!wala nga okay"
"tsk! talkshit ka naman eh!"pagmamaktol ni mheng.
Nauna na syang mag lakad kaya natawa nalang ako habang sumusunod sa kanya.
Naabutan ko na si mheng na nakaupo na sa table na malapit lang sa bintana at mukang nagtatampo pa din.nilapitan ko sya at naupo sa katapat ng inuupuan nya.
"uyyy,mamansin ka naman dyan"ako habang tinutusok yung pisngi nyang mataba.
"............"hay,bilis naman neto magtampo takteng yan.
"wala naman kase akong maikwe-kwento sayo kase wala namang ganap sa bahay nung nandoon si dustine eh , hindi naman kami nagsama sa iisang kwarto,hindi naman sya mukang mangrarape ,sa pangit kong to kala mo magaaksaya sakin ng panahon yon?,maganda lang type non!"mahabang sabi ko kay mheng,effective naman kase napalingon sya sakin.
tinitigan nya muna ako ng masama at tsaka nagsalita."pinagshashabu mo gurl!?,gaga ka ba!?tinatanong ko kung bakit sya ang pinapunta ng daddy nya hindi kung narape ka ba o kung nag anuhan ba kayo! tinatanong ko kung ano mga pinagkaabalahan nyong dalawa! haayyysssttttt exaggerated ka masyado dyan eh! tskk"putek exagge nga talaga ako masyado takteng yan .
potek san galing yung rape.... kinginames.
"eh kasi naman eh!di mo ako pinapansin eh!alam mo naman na ikaw lang nakakausap ko dito sa school tapos di ka pa mamamansin dyan!"naiinis kunwaring sagot ko aa kanya.nakakahiya talaga yung r**e pota.
"masyadong pilengera kase ayan nararating ng imagination mo sobrang layo! ang layo layo di mo na maabot!"anak ng teteng to ah! ang sama sakin ah!takte pigilan nyo ako masasapak ko na to!!
psh mapanaket!!!
"gagang to!mapanaket masyado!"parang sinampal ako doon ng katotohanan ah na hanggang imagination lang ako.
"that's a real talk bitsh! wake up!"poooooottttttaaaaaaaa talaga tong babaeng to.
ah gusto mo pala sakitan ah..(evil smile).
"ikaw nga hanggang tingin lang eh! eh ako nakasama ko na sa iisang bubong.bleee"nagyayabang kong sabi.
"luh! ulol ka!"
nasaakin ang huling halak hak
whhaaaaaahahhhhahaha........(tawang demonyo)
"oh ano! atleast ako nakausap ko na yan sa bahay namin! tapos-------"di na nya pinatapos ang sasabihin ko at nag walk out nanaman ang gaga.
azarrrrrr hhahahahah
sakto naman na nag bell na at kailangan ko ng bumalik sa classroom namin.pagkapasok ko ay nakita ko na doon si mheng na nakikipag chikahan na kay nathan.Nanlaki ang mata ko ng tumingin saakin si mheng na naka ngisi kaya kinabahan ako bigla.Dali dali akong naupo sa tabi nya at pinanlakihan sya ng mata pero ang gaga ay mas lalong lumawak ang ngisi sa mga labi.
"alam mo ba nathan si tiffany at dustin ay parehong natutulog------"tinakpan ko na ang bunganga ni mheng dahil alam ko na ang sasabihin netong gagang to!
"Parehong natulog saan?"kunot noong tanong ni nathan kay mheng.
Ang gagang mheng ay pinilit na alisin ang kamay ko sa bunganga nya at nagtagumpay sya!!
tumingin saakin si mheng ng naka ngisi nanaman habang sinasagot ang tanong ni natahan.
"Pareho silang......"mas malawak na ngisi.
"sa........."
"Kama syempre!! alangan namang sa sahig diba mayaman si dustine kaya paniguradong may kwarto sya at may kama,si tiffany naman ay may sarili ring kama,kaya pareho silang natutulog sa kama.ikaw nga din eh natutulog sa kama pati ako! diba!?"
woooohhhhhh....
Pota muntikan ko ng makatay tong si mheng kung sinabi nya na magkasama kami ni dustine kagabi sa iisang bubong.
kinabatutan ako doon ah.
"Psh! nonsense!"inis na sabi ni nathan at umayos na ng pagakakaupo.Wala pa si dustine sa room kaya pala malakas ang loob netong gagang to na kausapin si nathan..
"ligtas ka ngauon sakin gurl pero isa pang di mo pagkwe-kwento sakin ng mga ganap mo sa buhay sasabihin ko na talaga kay nathan yung mga ibinulgar mo sakin kanina."pabulong na ani ni mheng habang naka ngisi saakin.
"tssk..Oo na magkwe-kwento na!pero alam kong di na ulit mangyayari iyon kaya malas mo!"pabulong ko ding ani.
uwian....
"Gurl.una na ako ah anjan na si daddy eh"
"sige,sige bye!bye!"
"Sige!bukas nalang ulet"
naglalakad na ako pauwi ng may biglang tumabi saakin at inakbayan pa ako.
"Hi miss! magisa ka lang ba!?"tanong ng lalaking nakaakbay saakin!!!
FUCK!!!
Hindi ko to kilala!?
inalis ko ang kamay nyang naka akbay saakin at tinulak sya pero dahil sa lalake sya ay mas malakas sya saakin nagawa nya paring hablutin ang braso ko at hilahin ako para lalong lumapit sa kanya!
"KUYA ANO BA !? TIGILAN MO NA PO AKO!"sigaw ko sa lalaking ito.
"Miss tara na alam ko namang gusto mo din to"sabi ng lalaki habang hinihila pa din ang braso ko.
pilit na akong pumipiglas ngunit sadyang mas malakas talaga sya kesa saakin.nasasaktan na ako sa paghila nya kase sobrang higpit ng kapit nya sa braso ko.Hindi na ako naka palag ng hawakan nya ang dalawang braso ko.unti unti nyang nilapit ang muka nya sa leeg ko pero natigil iyon ng bigla syang natumba.
Nakita ko sya sa kalsada na naka handusay at merong dugo sa labi at parang na knock-out na.
Hinila ako ni dustin at itinago sa likod nya.hindi pa din mabawasan ang kaba ko kanina pero ngayong nasa likod nya na ako ay parang ligtas na ligtas na ako sa mga gustong manakit saakin gaya ngayon.
Inilabas ni dustine ang cellphone nya at may tinawagan.
"Uncle jun,we need your team here"hindi ko alam kung anong sinasabi nyang team ng umcle jun nya basta nakatitig lang ako sa kanya at walang pake-alam sa nangyayari sa paligid basta alam ko ligtas ako.
Maya maya ay may mga dumating na pulis at itinayo ang lalaking sinuntok ni dustine kanina ay pinosasan nila.Lumapit saamin ang matabang pulis at inakbayan si dustine.
"Sup young man!"sabi ng matabang pulis.
"Uncle jun"pagtawag ni dustin sa pangalang ng matabang pulis.na si uncle jun nya yung kanina nyang tinawagan.
"Ilang suntok?"tanong ni pulis na jun.
"just one"ani ni dustine habang naka ngisi.
tsk mayabang amp.
"Una na ako,ikukulong ko pa ang bumastos sa girlfriend mo."sabi ng uncle jun nya with matching kindat saakin.
girlfriend wtf.!!!????
tinignan ko si dustine at nahuli ko syang nakatingin din saakin dali dali syang umiwas ng tingin at kunwaring nagpapag-pag ng uniform nya.
"Ah dustin,sa bahay ka pa rin ba uuwi?"tanong ko sa kanya.
"yes"maikling sagot nya at nauna nang maglakad pero bigla din syang tumigil.
"Mauna ka,nakalimutan ko ang daan."ani nya na parang nahihiya pa.
Napangit ako sa sinabi nya,ang angas ng lakad tapos di pala alam kung saan pupunta.
Nauna na akong maglakad at binilisan ko na din dahil malapit ng mag gabi.
"dustin okay na pala yung kwarto doon sa kabila pwede ka na doon matulog ngayon"pwede na sya don kase nalaban ko na ang lahat ng kailangan at malinis na din doon sa kwarto ayos na ang mga gamit nila mama doon at makakabalik na din ako sa kwarto namin ni kien. takteng yan ayoko na doon sa sala namin may lumilipad na ipis amp.feeling butterfly.
Tumango lang sya at dumeretso na doon ako naman dumeretso na rin sa kwarto namin ni kien.Nakasuot ako ngayon ng jogging pants at oversize shirt.Dumeretso na ako sa kusina namin para maghanda na ng kakainin namin ni dustine nagluto lang ako ng adobo para sa hapunan namen at naghain na din ako para uupo nalang ang mahal na hari sa hapagkainan.
char..
Mayamaya lang ay pumunta na si dustine sa kusina.
"Dustin kakain na" tawag ko kay dustine kase bigla nalang sya dumeretso sa lababo at naghugas ng kamay.pagkatapps nya maghugas ng kamay ay umupo na din sya.
Tahimik lang syang kumakain at nakatinhin lang sa plato nya.
"A dustin"pagkuha ko sa atensyon ni dustine.at nakuha ko naman kase tumingin sya sakin ng blanko ang ekspresyon ng kanyang muka.
"Thank you nga pala kanina, kase dumating ka at iniligtas mo ako.siguro kung wala ka kanina baka kung ano na ang mangyari saakin"sinsero kong sabi kay dustine laking pasalamat ko talaga sa kanya kanina kase kung hindi sya dumating kanina baka nabastos na ako doon ng sobra.
"Okay"what the heck!?yun lang wala bang welcome dyan iba pa naman naiimagine ko pasheneya.
imagination:
" Thank you nga pala kanina,kase dumating ka at iniligtas mo ako.siguro kung wala ka kanina baka kung ano na ang nangyari saakin"
"Wala yun jade ,I am your knight and shining armor always"sabay kindat.
ako kinilig......
end of imagination.
Diba ang ganda ng imagination ko bongga.
so back to reality na tayo ano..??
"sige"yan nalang ang nasabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.
Tinulungan ako ni dustine magligpit ng pinagkainan namin at nagpresinta na din syang maghugas ng mga pinggan.
"Marunong ka ba nyan?"curious na tanong ko kase nga diba mayaman sila at may mga maid edi hindi sya kumikilos sa bahay nila kaya nacurious ako.
"yes"maikli nyang sagot.
weehhh gagi masipag pala to!?
"eh may maid kayo diba kaya señiorito ka sainyo?hayahay buhay ganern?"
"sa japan wala kaming maid kaya natuto ako ng mga gawaing bahay"wow.
Pagkatapos nya ay dumeretso na sya sa kwarto nya ako naman mag hihilamos lang sagit at matutulog na.
binuksan ko na ang gripo nang may biglang pumasok sa isip ko na kalaokohan.hmmm pwede pala syang katulong dito sa bahay...
imagination again.
DAY 01
"dustin"
"yes jade?"
"paki kuskos ng sahig,gusto ko yung sobrang kintab,gusto ko makikita ko yung muka ko sa sahig namen."
"at your service jade."
DAY 02
"gray laban mo lahat ng marurumi kong damit."
"at your service jade."
DAY 03
"dustine linisin mo ang bakuran namen gusto ko pati mga uuod sa lupa matatanggal"
"at your service jade."
end of imagination.........
"hey!"
"ay putanginamogagomamataykana!"
"offf"
"wag ka kase manggugulat"
"bat ka kase nakatulala dyan!tigana mo yung tubig sa lababo umapaw na"
BWISET kaya pala nabasa na ako takteng yan!!!! kabobohan mo talaga jade..
"Takte kasalanan mo to eh!"inis na sabi ko habang tinatanggal ang harang sa butas ng lababo.
"what the hell!?Me? u okay!? bakit ako ha!ako ba ang gumagamit ng lababo ngayon!?"inis ring sabi nya.
"kasi eh bakit kasi sinabi mong marunong ka ng gawaing bahay ayan tuloy kung ano ano na ang naisip ko! kaya ayan umapaw na ang lababo--"
hala gaga ka jade bat mo nasabi yun diba dapat sa isip mo lang yan!! kinginesss.
"So ako pala ang iniisip mo?"
"Hindi no!yung mga gawaing bahay ang iniisip ko hindi ikaw!wag ka ngang assuming dyan!"nahihiyang sabi ko at tumalikod na sa kanya. wala narin namang tubig sa lababo at hindi naman bumaha sa sahig kase nasalo lahat ng damit ko kaya aalis na ako wala na akong gagawin doon SKL.
Tumakbo na ako papuntang kwarto at nilock iyon.Napasandal ako sa pintuan ng kwarto at napahawak sa muka ko.
"Nakakahiya ka jade!"pagkausap ko sa sarili ko.
"ay teka bat ako mahihiya eh nagsabi lang naman ako ng totoo diba?"
"Oo tama..tama .. ojay jade naging honest ka lang okay wala yun di yon nakakahiya kaya kalma self kalma!"
Dumiretso nalang ako sa kama at nagtalukbong ng kumot para makatulog na.
Kinabukasan ay wala na si gray sa bahay siguro ay maagang pumasok.maaga pa naman kaya magluluto muna ako ng almusal ko.
Dederetso na sana ako sa kalan namin ng madaanan ko ang isang note sa ref.
"Nasa school na ako
-dustin."
Ayan yung nakalagay sa may note.so maaga nga sya pumasok sa school hmmmm ano kayang meron?3:30 am palang nama.? eh lagi naman yung late? hmmmm.
balakadyan.
Habang nagluluto ako ng almusal ko biglang tumawag si mama.
"Nak,okay ka lang ba dyan?"
"okay ma,miss ko na kayo ni kien."sagot ko
"hayaan mo uuwi na kami ni kien dyan sa linggo, malapit na. "
"Sige ma, dalawang araw nalang naman diba"friday kase ngayon.
"sige nak,ingat ka dyan ah,ingatan mo din yung anak ng boss ko ah"
ako nga iningatan non eh choss.
oo ma iingatan ko na yun crush ko yun eh.
"Oo na ma"ayoko na talaga kay nathan gusto ko na kay dustin.nagsimula lang naman na maging crush ko sya nung niligtas nya ako eh, kase once na mapabilib mo ako hahangaan na kita parang crush ganon. SKL.
Binaba na ni mama ang tawag at sakto naman na tapos na akong magluto.
Nag tricycle na ako kase malalate na ako sa klase namin.
time check: 4:40 am
so may 20 minutes pa ako para makarating sa school malapit lang naman eh.
Pagpasok ko sa room namin ang konti palang ng nasa loob wala pa si gella mae kaya naupo na ako. nilibot ko ang mata ko at nakita ko si gray na may kausap na babae sa loob ng room sa pinaka dulong row ng nga upuan.si gray ay tawa ng tawa habang ang babae ay nakasimangot.
Ang cute nila tignan.pero wala akong pake sakanila kaya naglabas nalang ako ng notebook at ballpen.Binuksan ko ang notebook sa pinaka-huling pahina at doon nag sulat ng kung ano-ano katulad ng pinag FLAMES ko ang pangalan namin ni nathan,Nag drawing din ako ng flowers at kung ano ano pa hanggang sa dumating si gella mae.
"Aga mo teh ah"Bungad saakin ni gella mae na kakaupo palang sa tabi ko dumating na din si nathan at himala tahimik ang monggoloyd.charr
"Maaga naman ako lagi ah late ka lang talaga"ani ko habang nagsusulat pa din sa likod ng notebook,gumagawa din ako ng mga pirma kahit meron na ako.
"Oi teh kamusta kayo sa bahay nyo?kamusta kasama si gray my loves?"bulong sakin ni gella mae.pabulong nalang kase nasa likod na din namin si gray kakaupo lang pagka alis ng babae.
"yuck!? my loves amputa!? baduy mo gagi"pabulong ko ding ani.
"bakit ba walang pakeelamananan"
"Oppss its pake-elamanan not pakeelamananan"
"heh perfect ka ghorl!?"
"Nah!"
"Daming knows eh,may pa correct correct ka pa dyan----"
"Miss Bohol pwede mong ishare samin yang sinasabi mo dyan"ani ng prof. namin .paktay ka gella mae.
"Ah prof. wala po yun he-he-he "ani ni gella mae habang kumakamot kunwari sa batok.
"dont talk again okay? ang lakas pa ng bunganga mo kakapasok ko palang bunganga mo na agad nadidinig ko."ani ng prof. at nagpatuloy na sa kanyang table at naupo.
"Yes prof. sorry po."napapahiyang ani ni gella mae.
Bigla akong tinignan ng masama ni gella mae,siguro ay napapansin nya na kanina ko pa pinipigilang na matawa at totoo naman kanina ko pa gusto tumawa kaso baka madamay pa ako at mapagalitan din ng prof namin kaya pigil muna at salamat naman ay nakayanan kong pigilan.
Nag peace sign nalang ako kay gella mae at nakinig na sa tinuturo ng prof.
TO BE CONTINUED.....
_________________________________________
...................................
SORRY PO SA MGA ERRORS :
HAVE A NICE DAY ;>