uwian na at lahat siguro ng subject teachers namin ay nag pa baon ng assignments samin kase bukas ay wala nanaman kaming pasok kaya binigyan nila kami para daw hindi kami tumunganga pag walang pasok.
habang naglalakad kami ni mheng palabas ng school nakita ko si dustin meron sana akong itatanong sa kanya kung kaano ano nya yung si Mr.alvin tsujima nalaman ko yung buong pangalan nya kay mama kaya nalaaman ko kaya baka mag kamaganak sila diba edi bang yaman pala netong dustin na to.
"uy"tawag ko sakanya habang papalapit ako sa tabi nya para sabayan syang maglakad.
"uy"tawag ko ulit pero di sya tumingin.
"oi"tawag ko ulit pero parang wala syang narinig pero katabi nya na ako sa paglalakad mahina ba boses ko?hindi naman ah!?.
"dustin!"pagtawag ko sa pangalan nya tinignan nya ako ng walang emosyon sa mata at parang boring sya.
"what?"lalaking lalaki ang boses nya lalong pumogi.ngayon ko lang natitigan ang muka nya mas gwapo pa pala sya pag malapitan,oo nakita ko na sya nung unang araw ng pasukan napagkamalan ko pa ngang anghel diba pero di naman sya ganyan ka gwapo noong una at di ko din sya nakita ng malapitan kasi naglakad na ako non paalis kase nga nag bell na. mas gwapo pa sya kay nathan mi luvs ko. yung tipong pag nakita mo tong lalaking to mapapatitig ka talaga malakas ang karisma netong isang to pero mukang masungit.
"i said what?what do you want?"englishero pala to ngayon ko lang nalaman kasi nung nakaraan grabe syang manglait at staight tagalog pa at lalo syang gumagwapo pag nag eenglish sya hayyyyssssss....
mukang may bagong crush na ako ah.
"ah-eh ano kase am..ano...ano"bat ako nagkakaganito takte nawala lahat ng sasabihin ko ngayon lang ako nagka ganito ah pag kaharap ko naman si nathan hindi ako ganito magsalita oo minsan lang pala hahahha.
potpot umayos ka..
"what!?get straight to the point and make it fast sinasayang mo ang oras ko"wala pa ring emosyong sabi nya. pero parang tono ng pananalita nya eh naiirita na sya.ganito ba talaga to parang walang kwentang bagay yung tinignan nya na walang pakinabang.
"ano kasi may itatanong l-lang a-ako s-sana"pahina ng pahina na yung boses ko kase mukang super serious nya.
utal utal pa more..
"ano yon?"bored nyang sagot.
"ah a-am ki-kilala mo ba s-si mr.alvin tsujima p-parehas k-ksae kayo ng a-a-apelido ta-ta-tanong lang"medyo nakakatakot syang tignan tangkad eh baka dagulan ako netong lalaking to,oo nakatingin sya sakin pero wala pa ring emosyon at parang pinagaaralan nya na ako hindi ko naman alam takbo ng utak neto.
"yes"sagot nya tapos bigla nalang akong tinalikudan at sumakay sa kotse
wow!ang ganda ng kotse vintage style ang ganda diba parang mas mahal na yung mga vintage car kase bibihira nalang yung mga ganon?minsan nga yata sa ibang bansa lang yan nabibili eh
yayamanin...
rich kid ka boi...
hahabulin ko sana kaso pinaharurot nya na yung kotse nya.
kaano ano nya kaya yun?baka naman tatay nya!?
"ah ewan ang g**o nyo"inis na sabi ko di kase nasagot yung tanong sa utak ko.
"huh!? sinong magulo?"
"AY PUTANGINES!"potakte ayoko talaga sa lahat yung ginugulat ako eh.siguro kung may sakit lang ako sa puso baka pinaglalamayan na ako at baka mawalan ng magandang anak ang mudra ko.
"makasigaw ka naman!malapit lang ako ghorl! oh eto lang oh!"sabi nya habang tinuturo pa ang sarili nya.
"baket ba kase nang gugulat ka dyan!wala walang magulo bwiset to!"pasigaw ko na sabi sakanya nakaka badtrip talaga eh
"uyyyy..bat mo nilapitan si dustin kanina ikaw ah magkaibigan pa talaga pinagsabay mo ah malantod ka din pala ah"pota ako malantod? ma issue talaga tong babaeng to eh.
"bahala ka dyan ang issue mo!"ako,sabay talikod sakanya at lakad ng mabilis..
pagdating sa gate namen nakapodlock ito lumapit sakin yung isang kapit bahay namin at ibinigay ang susi.
"sabi ng mama mo ibigay ko daw sayo yan pag kauwi mo"sabi ng kapit bahay namen.kinuha ko sakanya yung susi at binuksan na ang gate.
saan kaya pumunta yun?
pag pasok ko sa bahay may naabutan akong note na naka dikit sa TV namen.
anak....
magpapakabait ka dyan iniwan ka na namin ni kien at di na kami babalik.........charot lang..
umalis kami ni kien kase biglang tumawag si mr.tsujima pinagsisimula na ako kase dumating daw ang mama at papa nya kaya kailangan talaga ng katulong sa kanila kaya andito kame ngayon.sa susunod nalang kita dadalin dito okay.
motherearth..
takteng yan umalis di man lang nagiwan ng pera tsskkkkk...itatapon ko sana yung papel kaso may napansin ako sa likod ng papel.
siguro nak mga isang linggo pa kita makukuha dyan kaya nagiwan ako ng pera doon sa cabinet natin sa lagayan ng mga medyas nyo.sobra na yan para sa isang linggo kaya magpaka busog ka ane!? bye bye na talaga.
motherearth..
yowwwnnn may iniwan naman pala makuha na nga....
habang naglalakad biglang tumunog ang cellphone ko.tinignan ko ito at nakita ko na may isang text si mama,lagi daw akong mag iingat kase babae nga daw ako at baka pasukin nalang daw ako dito sa bahay.nag reply ako kay mama na gagawin ko yung binilin nya.
nakuha ko na ang pera at bumili na ako ng makakain ko.
habang kumakain tumunog ulit ang phone ko may text ulit si mama sakin.
from:motherearth