CHAPTER 22
**************
Everything is coming to an end, I can feel it. No matter what happens to me that someone needs to be safe. Even if the whole world will hate me as long as that someone will be alright then I'll be okay.
W.W.
************
Kanina pa kaming madaling araw nandito at kanina parin namin pinagmamasdan ang mga guards na nakabantay sa mga tube.
Nang umalis sila, sinamahan kami ni Autumn nila Rain at ni Wynter tapos tinanggal namin ang laman ng dalawang tube at pumasok kami doon.
Pag katapos ay bumalik na sila kaila Wynd na nasa di kalayuan lang at inaayos na ang mga gagamitin nilang Dolphin.May nakakabit sa’min na listening device at micky kaya naririnig namin sila. "Ano, ayos lang kayo diyan?" tanong ni Rain.
"Yes."
"Dala niyo ang water niyo?"
"Yup-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong kaluskos sa listening device ni Autumn, parang tunog ng... balat ng candy.
"Nag dala ka ng candy?"
"Sort of, nakuha ko ‘to sa bag ni Cyclone kanina. Marshmallows ‘to. Hmm sarap!" Narinig kong nagreact si Wynd. "IBALIK MO YAN!"
"Bleh, ayoko nga!”
Konting tiis lang Sophie, makikita mo na si Warren at may ka-loving loving ka na rin kaya wag ka ng mainggit sa mga hamak na tagalupa na mga yan.Tama! Kapag nakita ko na si Warren matutuloy ang naudlot naming loving loving, napahagikhik ako.
"Napaghahalataan ka kapag may naiisip kang ka-maniacan, France."pagputol ni Autumn sa imagination ko
"Tse!"
Bahagya akong napasigaw ng bigla umandar yung boat, eto na.
"Halika na Cyclone at Glaze!" Tinatawag na ni Hurricane si Ice at Wynd.
"Waaaah! Yung shark!"
"O kaya piranha?!"
"Isa, bababa ba kayo dito o iiwan namin kayo? Bahala kayong maligaw diyan at mapunta sa place ng sharks." Pananakot ni Hurricane sa dalawa
May narinig akong mga pag talon sa tubig, takot lang nang dalawang ‘yon.
Naririnig namin sila dahil sa Oxygen Water diving helmet kaya makakapag usap pa rin kami, meaning walang tigil na bakbakan na naman ang dalawang ‘to.
Tinignan ko yung neclace na suot ko. Sa mother ko daw ‘to. Pumit na ako.Mag se-save na lang ako ng energy at saka ayoko ng nakamulat kasi parang aatakihin ako sa sikip ng kinalalagyan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas basta ang alam ko may naririnig akong tumatawag sakin tapos tumitili. "Aray!" Ang sakit sa tenga.
"Psh, buti naman nagising ka na kailangan ko pa talagang tumili para marinig mo eh no?"
"Istorbo ka, bakit ba?"
"Haller, earth to France!? Nandito na po tayo kaya kung ako sayo mag sisimula na akong mag trabaho para makaalis na tayo dito and take note nabuksan ko na yung tube yun nga lang hindi ako makakaalis dahil magugulat ka sa laser alarm dito, visible sila."
Napabuntong hininga ako tapos kinuha ko yung Clone na naka lagay sa suit ko at kinabit ‘yon sa taas ng tube at katulad ng ginagawa namin sa training I just c***k the codes and follow the right commands. It's pretty easy dahil ilang beses na namin na practice.
Nang mag click yon ay ibinalik ko n ang Clone sa loob at iniangat ko yung takip ng tube ng dahan dahan, nasilip ko pa si Autumn na nakalabas na ang kalahati ng ulo at ngumunguya parin ng marshmallows.
Inilibot ko yung paningin ko. Salabit salabit ang mga laser. Ang positive side lang eh walang camera sa loob ng white room na ‘to but another negative side is pati yung floor may laser kaya hindi kami pwedeng umapak doon.
"Ipasok mo kaya yang ulo mo mamaya ikaw pa maka sagi ng alarm."
"Di na ‘ko makahinga eh di bale hindi naman ako gagalaw."
Pinag aralan ko yung mga laser ‘cause one wrong move can trigger the alarm. Mabuti na lang naka tali ng mabuti ang buhok ko kaya hindi sasabit at saka petite din ako kaya mas madali sa’kin to kesa kung si Autumn ang gagawa. Huminga ako ng malalim at nag simula na.
I hoisted myself up and at the same time inapak ko ang mga paa ko sa gilid ng tube then binend ko ang kalahati ng katawan ko tapos kumapit ako doon sa kabilang tube, gripping on it tightly. Nang makakapit na ako ng mahigpit, itinaas ko ang kalahati ng katawan ko. Para akong tumatayo gamit ang mga kamay ko. Ipinasok ko ‘yon ng dahan dahan sa pwesto ko then umayos ako ng upo at nag fetal position.
Nakita ko si Autumn, "What are you doing?" kasalukuyan kasi siyang may hawak na maliit na lens at nakatapat sakin.
"Pinilit ko talaga sila tito Poseidon na dalhin ko ‘to kasi ivi-video ko yang ginagawa mo."
Napapalatak ako at tinuloy ko na ang ginagawa ko ipinasok ko yung kanan kong paa sa loob ng isang salabit na laser then tumungo ako at isinunod ko ang kalahati ng katawan ko hanggang sa makapasok ako ng buo.
Paulit - ulit ko ‘yong ginawa hanggang makarating ako sa dulo ng wall tapos idinikit ko ang kamay ko at pinagana ang sticky.
Luckily, iba ang type ng wall na to kesa doon sa outer wall ng island kaso ang problema ko lang hindi ako pwedeng umakyat ng tuloy tuloy dahil may mga naka harang na laser sa ibang part.
Ang nangyari kanan ng paa ko at kanan ng kamay ko lang ang naipang aakyat ko and it is so not easy.
"Galing!"
Sinulyapan ko lang siya saglit, kasalukuyan niyang inuubos yung marshmallows habang pinapanood ako. Aba, ginawa pa kong sine.
Nang medyo nakaangat na ako, inihagis ko yung rapel cord na nakiayon naman at umikot doon sa bakal na nasa taas ng room. Dahan dahan akong umakyat dahil hindi ko pwedeng biglain. If I fall, then we're all dead.
Pinagpapawisan na ako ng malamig habang umaakyat at dahil na rin sa sobrang ngalay na yung mga kamay ko mula pa sa pagkakaipit ko sa tube kaya lalo akong nahirapan.
"Shit." Mabuti na lang at nakakapit ako ng bigla akong dumulas. Nag mamadaling kinuha ko ang Innocence , a small bob, at kinabit don sa main alarm ng room na ‘to sa taas.
"Tita Book?"
"Yes?"
For the first time nagsalita na rin si tita Kat, siya kasi ang eyes namin ngayon since lahat kami kasama.
"Baba muna po ako so I need a few more minutes bago paganahin yung Innocence."
"Copy."
Bumaba na ako and mas mahirap pababa dahil kailangan kong kontrolin ang bilis ng pagbaba ko dahil hindi nga pwedeng mag madali. Nakahinga ako ng maluwag then nag fetal position ako ulit habang naka upo.
"Okay na Tita."
"Activated, lowest level"
Ang galing talagang mga Original Elites ng experiment department, ang bilis. Mahinang pagsabog lang ang nangyari. Just enough to destroy the main alarm.
Umayos na ako ng upo ng mawala ang mga laser at si Autumn naman ay excited na lumabas ng tube niya at ang jumping jack. Nakakangalay kasi sa loob. Lumabas na kami at inikot namin ang paligid, no cameras and that’s good. Lumabas kami ng maliit na kwarto na kinaroroonan namin.
Tumalon kami sa tubig ni Autumn at lumangoy kami pababa, naabutan namin sila Hurricane na nandoon na at mukhang kami na lang ang iniintay.
Sina Wynd at Ice naman ay sumesenyas na mag madali kami tapos nilagay pa nila yung dalawang kamay sa ulo nila, shark.
Duwag talaga tong mga ‘to. Teka! Pierce... dapat nagdala kami ng Pierce.Napatingin ako kay Autumn ng mag pogi pose siya pagkatapos ay may nilabas na maliit na gadget. Pierce, it's for cutting hard objects.
Anyway pwede naman kaming gumamit ng Innocence ang kaso baka mag likha pa ng kung ano iyon. Pinanood ko si Autumn habang kina-cut niya yung bakal na harang. Tinulungan ko siya na i-bend yung bakal ng matapos na siya, nang sa wakas makapasok na sila. Idinikit nila yung Dolphin sa wall sa ilalim ng tubig then umahon na kami.
"Wew! Ang layo nang nilakbay namin."
"Psh, kami nangangalay na."
Pumunta kami sa isang gilid, "So Blaze, Bullet, Thunder and Frost kayo ang magkakasama para pasabugin yung west side na may mga nakalagay na drugs.."
Tumango sila.
"Cyclone, Flame, Glaze and Fall kayo naman you need to get all the documents that you can get tat ilagay niyo sa waterproof bag, nasa east part ‘yon at ako naman pupuntahan ko na ang my loves ko."
Tumango sila at napangiti tapos tumakbo na kami at nag hiwalay-hiwalay. Tuloy-tuloy ako sa isang pintuan doon at pumasok sa loob ng mahabang corridor.. May nakita akong pintuan. Tuloy tuloy ako at binuksan ko ‘yong pinto.
"Sino ka?"
Babae. Actually yung babae ang una kong nakita dahil halos takpan niya na si Warren. She's half naked.
Anak ng palaka! Mapapatay ko ‘tong babaeng ito pero syempre dahil hindi ako trigger happy ay lumapit ako sa kanya at sinuntok ko siya ng malakas.Bulagta siya sa sahig ng walang malay. Binalingan ko si Warren.
"France, I missed you-"
Umiwas ako sa kanya. "Walangya kang taksil ka! Iiwan kita dito kung hindi lang iiyak si Mommy eh! I HATE YOU! Halika na, suotin mo ‘to."
Kinuha ko yung suit na nakatali sakin at inabot kay Warren ‘yon.
"Love-"
"Wag mo kong kausapin!"
Tumalikod ako at inintay ko siyang matapos. Napapitlag ako ng bigla niya akong yakapin. "Sorry na, hindi ko naman gusto ang babaeng yon. Promise, hindi siya nakakuha kahit isang halik sakin at wala akong interes sa kanya."
"Yeah right, don’t take me for a fool ‘cause a man's libido-"
"I'm not like them. Ikaw lang ang gusto ko."
"Talaga?"
"Kung hindi lang tayo kapos sa oras, patutunayan ko na sayo."
"Amm excuse me, bago po kayo gumawa ng restricted na kalaswaan baka pwedeng tapusin muna natin to mga kababayan?" Nagsalita sa listening device si Autumn. Istorbo talaga.
Tumakbo na kami palabas ni Warren. Nagkatinginan kami ng biglang may narinig kaming pagsabog. s**t.
"What happened Blaze?" tanong ko kay Hurricane.
"Nagkaroon ng problem, na activate kaagad ang mga Innocence. Maling Innocence ang nasa amin, this one is currently on the upgrading team pero nasama ata kaya sumabog kaagad. We need to get away from here kasi may mga humahabol na sa amin."
Sasagot pa sana ako ang kaso may humarang na sa’min bago kami makababa. "Hating kapatid." sabi ni Warren
"Hating mag couple."
Sinipa ko ang pinaka malapit sa’kin at dinaklot ko sa batok at inumpog ko sa pader and at the same time umigkas yung paa ko at sinipa ko ang pasugod na isa pang lalaki.
"Done." sabi ko.
"Me too."
Mag kahawak kamay kami na papunta na sa water tunnel. Mabilis ang nging pangyayari. May lalaking biglang lumitaw na walang iba ay kundi si Soferino. He pulled the trigger of the gun that is directed to me. Pero hinarangan ako ni Warren.
Napatili ako at dinaluhan ko si Warren, I looked at Soferino and he's looking at Warren too. Hindi kababakaan ng pag-alala ang mukha niya.
Ngunit ng magtama ang mga mata namin ay nakita kong natigilan siya. Totoo parin pala ang lukso ng dugo. Nice to se you, father."
"What the hell are you talking about? You’re not-"
Inihagis ko sa kanya ang necklace ko."Kilala mo ba yan?"
"Carina..."
"Yes, that's my mother's necklace meaning I'm your daughter. Sorry about that. It looks like naisahan ka namin."
"I don’t want a daughter."
"Unfortunate isn’t it?"
Tinutok niya sakin ang baril."You want a deal?"
"No."
"Then you two will die."
Tinignan ko si Warren. I don't know what will happen to us. But all I know is that on this day, this exact time and in this place... this is where I died.