CHAPTER 21
*****************
I don't know how I'm gonna do it but I'll find a way; I'll surely find a way.
W.W
****************
SOPHIE'S POV
Nandito kami sa conference room. Ipinatawag lahat ng Elite agents kanina at naabutan namin sa loob lahat ng Original Elite agents.
Nag kanya-kanya na kami ng upo. I can’t help but look sa place kung saan laging naka upo si Warren kapag nagkakaron kami ng mga conference.
"Pinatawag namin kayo dahil na finalize na ang plano at base sa report lahat naman kayo kinaya ang mga training na ipinagawa sa inyo."
"Lahat ng training na ‘yon ay may connection sa pag sagip niyo kay Warren."
May ginawa si tita Kat sa laptop niya pag katapos ay lumabas sa malaking screen na nasa harap namin ang mga gadgets na gagamitin namin.
"Clone, Water Chameleon Black Suit, Vision, Sticky, Micky, listening device, Mermaid, Strike gun, Motion, rapel cord, Innocence and the new invention of experiment department, Dolphin"
Iyong Mermaid, yun yung ginamit ni tita Mishy noon at mga 8 hours iyon na pwedeng gamitin as Oxygen. Motion ang baril para sa tubig. Obviously, ang water chameleon black suit ay parang ang Chameleon Black Suit na ginagamit namin noon. But this time sa tubig naman siya.
"Anong gamit ng Dolphin, momma?" tanong ni Wynter kay tita Kat.
"It's like a diver propulsion vehicle pero ang pag kakaiba lang ay may 1 inch na strap na naka kabit sa mga kamay niyo na nakakabit din sa vehicle , meron din sa paa niyo. It's the partner of the Water Chameleon Black Suit kaya kapag ginamit niyo-"
"Magiging invisible kami?"
"Yes at pati ang vehicle."
"Cool!"
Napangiti ako. "Lahit kami gagamitin yan, tita?"
"Nope." Nag-angalan na kami at nakangiting nagpatuloy lang siya. "Ang mga gagamit lang niyan ay sila Reese, Rain, Wynd, Ice, Summer, Hurricane, at Wynter sa pag pabalik pwede kayong umangkas sa isang Dolphin pero pag papunta bukod kayo Autumn and Sophie."
"Why?"
"Pag papunta papasok kayo sa isang tube. Kinakailangan niyon mapasok ang mismong lugar na iyon upang mapapasok niyo ang ibang mga agents."
Nag katinginan kami niAutumn, ang hirap ng gagawin namin.
"San ba kami pupunta? Bakit may tubig?" tanong ni Wynter.
"It's an island. Tatlong oras ang byahe gamit ang Dolphin. Makakasabay niyong makarating sila Sophie. Isasabay namin sila Sophie sa mga tube na dadalhin doon na naglalaman ng mga drugs."
Nilingon kami ni tita Kat. "Ilalagay kayo sa isang room at sa labas non may daanan, a water tunnel na may malaking bakal na rehas. Bago iyon ay kinakailangan niyong makaalis sa tube. May alarm ang paligid."
"Offensive or defensive?" tanong ko.
"Defensive, pero mag a-alarm iyon and I suggest na ikaw Sophie ang mag off ng alarm na nasa upper part ng room."
Great.
"Dad, bakit hindi na lang gamitin nila Hurricane yung sticky papasok? Kesa dumaan sila sa ilalim?" suhestiyon ni Summer.
"Hindi e-epekto ang sticky."
Tumingin kami kela Ice at Wynd ng mag taas sila ng kamay habang naka yakap sa momma nila. "Yes?"
"May shark ba dun, Tito?" nanginginig na tanong ni Ice
"Or piranha?"sunod na tanong ni Wynd
Napangiti si daddy. "Wala but I'm not sure."
"Tito!"sabay pang sabi ni Ice at Wynd
"*Anyway you can use Motion incase na may shark nga but I don’t think na meron." nanghihilakbot na nakatingin sila Ice at Wynd kay Daddy pagkatapos ay yumakap sila sa momma nila. "Ang duwag niyo talaga." pang iinis ni Wynter.
"Bakit ikaw hindi ka natatakot?"
"No, kasama ko kasi ang darling Rain ko."
Kinindatan pa ni Wynter si Rain na napapangiti na lang kay Wynter.
"Ikaw honey, natatakot ka ba?" tanong ni Reese kay Hurricane.
"No."
"Kasi nandito naman ako no?"
"Not really, takot lang sakin ng shark na ‘yon baka gawin ko siyang siomai." Imbis na maoffend ay tumawa lang si Reese at hinalikan si Hurricane.
Anak ng tokwa! Sige ako na walang love life. "Kailan ‘to, Dad?"
"Tommorow."
"WHAT?! Agad agad?!” sigaw ni Autumn.
"Grabe naman Dad, ano ‘to pop quiz?" nakasimangot na sabi ko.