Chapter 20

1287 Words
CHAPTER 20  ****************** Finally, the pieces are falling back to their places...konti na lang, konting konti na lang, magkikita na tayo. W.W. *****************   "Hey, ate Sophie."   Napalingon ako sa tumawag sakin. Kanina pa ako nandito sa rooftop. Mag gagabi na. Kailangan kong mag-isip. No, let me rephrase that I need to plan, period. I don’t have that much time.   "Summer?"   Lumapit sa’kin si Summer at tahimik na umupo sa tabi ko. Actually ngayon pa lang siya lalapit sa’kin after 2 weeks na hindi niya ako kinakausap. Ang palagay ko sinisisi niya ako sa nangyari. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako nagagalit din sa sarili ko.   Kasalanan ko naman kasi talaga. Dapat ako na lang."What is it?"   "Ate, kahit anong mangyari please promise me na ibabalik mo si Kuya. Pag punta natin don kapag nag fail kami, ipangako mo na ibabalik mo si Kuya dito."   "Alam mo kung gaano ko ka-mahal si Warren at lahat gagawin ko para mabalik siya Summer kung sana nga lang kasi ako na lang ang nawala eh...dapat ako na lang-"   "Stop it! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ate? Kung sakaling ganon ang nangyari, nandito nga si Kuya pero wala ka naman sa tingin mo sasaya kami?"   "Alam kong sinisisi mo ako Summer na dapat lang naman-"   "Hindi kita sinisisi, hindi lang kita kinakausap kasi alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon at alam ko na gusto mong mapag-isa. Kapatid din kita Ate, hindi man tayo mag ka-dugo, hindi ibig sabihin non na hindi kita mahal. Paano kita sisisihin? Alam kong nahihirapan ka din cause one way or the other you will still hurt your own blood, your father...for us...for Kuya."   "Hindi ko siya kilala, hindi ko siya tatay, iniwan niya kami ng mama ko or rather itinakas ako ng mama ko para mailayo sa kanya kasi masama siya."   "Would you fight your own father, for us?"   "Yes. Sa inyo ko lang naranasan mag ka-pamilya. Siya nga ang totoo kong magulang pero kung gan’to lang ang sakit na ibibigay niya sakin then I don’t care about him and all I care about is this family... our family."   Napaiyak na ako ng bigla akong niyakap ni Summer. Kahit na anong mangyari tutuparin ko ang pangako ko sa kanya, ibabalik ko si Warren. No matter what happens, ibabalik ko siya dito.   "Oy tama na ang drama, kain muna tayo."   Nilingon namin ang nag salita, sila Hurricane. Sa tingin ko kanina pa sila nakikinig dhil maluha-luha pa ang iba sa kanila. Nakangiting sumunod na kami sa kanila.   Pumunta kami sa dining hall, nagkuhanan na kami ng mga pagkain at pwesto sa isang lamesa sa gilid. Sila Rain, Reese, Wynd at Ice ay kasalukuyang may dala-dalang scrabble... mag lalaro daw sila.   "Uy, sarap ng happy birthday ngayon ah." sabi ni Wynd.   "Special daw yan ngayon eh, maraming meat balls." sabi naman ni Ice.   Maya-maya nakisali na rin kami kaila Rain, ako ang tumutulong kay Ice dahil ayaw siyang tulungan ni Summer.   Tumira si Wynd ng 'Sim’, si Rain naman 'Reserve' na idinugtong niya sa seen ni Wynd habang si Reese ay 'Eden'.   "Pwede ba yan?"   "Pwede yan, galing ng honey ko!"   Nagpass kanina si Ice kaya medyo nahihirapan kami ngayon."Hala! Ano sa’tin?"   Tinignan ko yung tiles niya. Kinuha ko yung letter niya na S A R I F I C tapos nilagay ko sa baard, bahagya akong natigilan tapos nakangiting nagpatuloy ako. "Apir!" sigaw ko kay Ice na tuwang-tuwa na nakipag-appear sa akin. Scrabble kami! SACRIFICE.   Nag simula na naman kaming mag laro, nag tatawanan lang kami dahil nag ka’ron ng pustahan or mas tamang sabihin, 'dare'.   Tumira si Wynd ng 'Yuck' sabay tingin kay autumn at taas ng kilay, si Rain 'Love' sabay tingin kay Wynter at kumindat tapos si Reese naman 'Honey' tapos sabay halik kay Hurricane tapos kami ni Ice 'Betray' sabay apir  sa akin dahil naubos na naman namin ang naitirang 6 tiles namin. Si Wynd ulit, ang word niya 's*x'   "Woo! Titingin na kay Autumn yan!"pagkakantyaw ko   "Never."   "Mamaya kainin mo yang sinasabi mo."   "Never, hindi kami talo no! Diba pare?"   "Hindi kita pare no. Excuse me, kung lalaki man ako ikaw naman lalaki ang gusto, bleh!" Napahagalpak kami ng tawa sa itsura ni Wynd kasi parang kakainin niya ng buo si Autumn.   "Buti na lang tayo magkasundo, perfect match ata tayo. Ikaw na lang kaya maging girlfriend ko?"   Nanglalaki ang mga mata ko na nilingon ko si Ice. "Ako kausap mo?"     "Yup."   "Mawalang galang lang ah ayan ang perfect match mo sa tabi mo."   "Hindi naman ako pinapansin eh at least ikaw nakikipag laro pa sa’kin ng scrabble."   Nagpout pa siya kaya natatawang tinapik ko siya sa braso. "Easy lang boy! Mas matanda ako sayo ng apat na taon, remember. Don’t worry madadaan sa santong dasalan yang si Summer."   "Ayaw nga eh! Dasal na akong dasal ayaw pa rin!"   "Eh di daanin mo sa santong paspasan."   Napatawa ako ng biglang kuminang ang mga mata niya na parang binigyan ko siya ng magandang idea.   "Basta ingat lang ah? Mamaya niyan eh mabaril ka ni Daddy."   "I love you na!" Napatawa ako ng bigla niya akong niyakap. Parang bata talaga kahit kailan.   Napangiti kami nila Hurricane ng biglang hinila ni Summer si Ice na ngayon ay sigaw na ng sigaw dahil sa tenga siya hinila ni Summer.   "Aray, aray! Summer, baby!"   "Walangya ka talaga, Ice! Ilalagay kita sa freezer!"   Napatawa ako, mukhang pinagselosan pa ko. Ice is a very attractive guy pero hanggang pag tinging kapatid lang ang maibibigay ko sa kanya at alam kong ganun lang din siya sa’kin, pinagseselos niya lang talaga si Summer.   Pero hindi naman kailangan, may secret kami niyan ni Summer.Ako kasi ang naka discover sa kanya noon ng mga panahong iniiyakan niya si Ice.   "Sa tingin mo re-reypin ni Summer si Ice?"tanong ni Wynd sa akin   "Bakit inggit ka?"   "No!"   "Eh di hilahin mo din si Autumn."   Natatawang tumakbo na ako palayo ng pinagbabato ako ni Autumn at Wynd ng mga gulay na nasa plato nila.   Nginitian ko lahat ng tao na nakakasalubong ko paakyat sa rooftop pero habang paunti ng paunti ang mga tao ay unti unti narin nawawala ang ngiti ko.   At last, I already have a plan. **************************   WARREN'S POV   "Hanggang kailan mo ako balak ikulong dito? Gusto ko ng bumalik sa bahay ko-"   "Hindi ka na babalik doon dahil dito ka na titira hanggang sa matuto ka sa pasikot sikot sa negosyo natin and of course para mag ready na rin sa kasal niyo ni Carrisse." Nangasim ang mukha ko, unang kita ko palang sa babaeng ‘yon parang gusto ko ng tumakbo paalis. I don’t like her.    Nang una hindi niya gustong pumayag sa kasunduan at naririnig ko siyang nagwawala pero ng makita niya ako ng pinapasok ako ni Soferino ay biglang pumayag. I don’t like her and I will never like her. Iisang babae lang ang gusto ko, iisa lang ang babaeng mahal ko.   "At paano kung hindi ako pumayag?"   "Then I will kill you."   "Kahit na anak mo ko?"   Tumawa siya. "We only shared blood and flesh but that's it, I don’t feel you... I just don’t feel any affection for you. The only purpose you have to me ay ang pakasalan si Carrisse."   I don’t expect him to have any affection to me ‘cause after all hindi niya ako anak.   Kung bakit niya ako gustong ipakasal? Gusto niya kasing bilin ang negosyo nila Carrisse pero hindi gusto ng pamilya ni Carrisse na ipagbili iyon, pero kung pakakasalan ko siya, mapupunta sa kanya lahat.   Pero kahit na pakasalan ko ang babaeng iyon, hindi parin mapapasakamay ni Soferino ang negosyo na iyon dahil hindi naman ako totoo na Moreau. Gareth Moreau is just a fictional person created by me and my parents. The wedding will be null and void.   "Masama ka."   "Matagal na." binalingan niya ang alalay niya at sumenyas siya na ialis na ako.   Hinila ako ni Rey at dinala sa isang kwarto at ini-lock yon, merong bintana doon pero mga bato ang babagsakan ko kung sakali pero wala rin naman akong balak tumakas. Kailangan kong hintayin sila Daddy and maybe...si Sophie.   Hindi ako nagsisisi na eto ang ginawa ko kasi hindi ko kakayanin kung sakaling si Sophie ang makukulong dito. Hindi ko din alam kung ano ang maaring magawa sa kaniya ni Soferino. Tama ang desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD