CHAPTER 19
*****************
For the first time susubukan ko na mag sulat. Dahil sa tingin ko wala na akong ibang masasabihan, sino pa nga ba? I don’t know how dangerous this situation I'm in pero if it's for that someone, that I really love then I would even fight hell to do everything for that someone.
W.W.
*****************
Walang umiimik sa mga kasama ko. Paminsan minsan tumitingin sila sa’kin pero wala silang sinasabi.
"Stop looking at me."
Lahat sila nag iwasan ng tingin. Kasalukuyan kaming nasa dining hall ngayon, gloomy ang aura ng lahat ng tao dito sa dining hall. Alam na nila ang nangyari.
Ngayon si Daddy muna ang umaasikaso sa lahat. Lahat kami na Elite Agents ay hawak ang mission na ‘to, okay lang naman sa mga junior at newbie agents na sila ang sasalo sa hindi namin magagawa na mission. Alam naman nila kung gaano ka importante ang mission na ‘to.
"I said stop it."
Narinig ko na bumuntong hininga sila, tumayo si Hurricane at lumipat ng upuan; nasa dulo kasi siya. Ngayon ay nasa harapan ko na siya, I wonder what took her so long. Feeling ko kanina pa nangangati ang dila niya na mag tanong.
"Ano bang nangyari talaga Sophie? Ayaw i-explain sa’min basta sinabi samin na mag training muna kami ng Special Training mo. Anyway ano bang nangyari? Bakit nawawala daw si kuya Warren- Honey stop nudging me! Nag tatanong lang ako."
Nakatingin siya ngayon kay Reese na sinusundot siya sa tagiliran para patigiling mag tanong.
"It's okay, Reese." sabi ko.
Tinaasan ako ng kilau ni Hurricane. "So, ano na nga?"
"Kasi.."
"Kasi?" singit ni Wynter.
Nakijoin na rin si Wynter, hindi siya sinaway ni Rain dahil mukang gusto din malaman ni Rain kung anong nangyari. Hindi pa kasi ine-explain nang maayos nila daddy. Sinabi lang nila na may kumuha kay Warren and that we all need to go on training, the Sophie's Training, yung pinagawa sa’kin nila Warren noon.
"Kasi kinuha si Warren ng tatay ko."
Lahat sila nanlaki ang mga mata, pakiramdam ko lahat nanahimik at parang lahat sila nakikinig.
"Ow bakit daw? May gusto siya kay Warren?"
"Ang weird mo Hurricane, baka naman binablack mail lang ng tatay ni Sophie si Warren para pakasalan niya si Sophie.” sabi ni Wynter.
"Utak niyo basag, psh! Baka naman inaayos na nila ang wedding." singit naman ni Autumn.
Kakaiba talaga ang mga BHO agents kahit seryosong topic hindi parin maiiwasan na hindi mag lokohan. That's the reason why I love them.
"Pag salitain muna kaya natin si Sophie, pwede?" nakanguso na sabi ni Wynter.
"Bat’ ang serious mo?" nakasimangot naman na tanong ni Hurricane.
"So?"
"So ka din."
Wynd rolled his eyes pagkatapos ay tumingin sakin. Humugot ako ng malalim na hininga, "My father, Soferino, kinuha niya si Warren who's using the name Gareth. Hindi ko din alam na yon pala ang lumalabas sa records ni Warren at lahat ng tungko; sa kanya,"
"Who is Gareth?" tanong ni Ice
"Si kuya Warren nga!” sigaw ni Summer.
"Okay! Ang hot nito!"
"I know right?"
Bumuntong-hininga ako at kinuwento ko sa kanila ang lahat ng alam ko. Nang matapos ako ay nakanganga lang silang naktingin sakin na parang inaabsorb lahat ng sinabi ko. Hindi na ako magtataka kung mag oveload sila bigla.
"Holy bubbles!"
"Pak cracker!"
"Oh my feet!"
Nagsitayuan na kami ng makita namin na alas dos na ng hapon tapos dumiretso na kami sa training room kung saan inaayos na ang mga gagamitin namin. May mga na dagdag sa Sophie's Training. Nag simula na kaming mag team up.
Hurricane and Reese
Autumn and Wynd
Summer and Ice
Rain and Wynter
and me.
Salitan kami ni Rain sa pag mo -monitor sa mga moves ng bawat agents. We need to be very careful dahil kailangan naming ma perfect lahat, kokonting oras lang ang meron sa’min. That's what we dont have, time.
Nakikita ko na nahihirapan sila sa mga training na pinapagawa. Kahit ako ng na try ko ang mga yon ay nahirapan ako ng todo.
Sila Ice at Wynd naman ngayon ay nasa ibang station habang nasa field training sila Hurricane at Reese. Napatingin kami kaila Wynter at Rain na kasalukuyang nasa second level training.
Mag katabi sila habang nakatali sa pole. Bahagya akong napangiti ng makita kong inuna pa ni Rain na tanggalin ang pagkakatali ni Wynter ng lumubog sila kesa ang sa kaniya. Pinapaalis na niya si Wynter ng makalas na ang tali pero hindi siya umalis at tinulungan niya din si Rain na mag kalag ng tali.
"Next, Autumn level 4 and Wynd level 2."
Sa level 4, ilalagay si Autumn sa isang tube na nakalagay sa tubig. Katulad ng ginawa ko noon ay kailangan niyang makaalis sa tube ng hindi nasasagi ang alarm pero ang mahirap lang kasi, nasa tubig ang tube.
Kung mahirap na ngang makahinga sa loob, paano pa kapag lumabas sya?
Nasa level two pa lang si Wynd na mukhang hindi mapakali. Ptingin-tingin siya sa kinabagskan ng tube na kinaroroonan ni Autumn.
"Go." pagbibigay hudyat ni Rain..
"Ang sikip naman dito." Rinig ang boses ni Autumn dahil may suo siyang mic.
Makikita sa hawak namin na tablet ni Rain na nagsisimula ng mag enter ng codes si Autumn sa Clone na siyang ginagamit para sa level na ‘to at sa level 3. Ang kaso mukhang natataranta siya dahil ilang beses na siyang nag kakamali.
I'm waiting for her na mag signal na iangat na siya kung hindi na niya kaya pero katulad ng lahat ng agents ng BHO, wala sa’min ang gustong basta-bastang sumuko. Puro reklamo lang kami pero mapride pa rin kami and we don’t like giving up.
Nakaalis na si Wynd sa level niya, paahon na siya ngayon pero lahat kami nagulat ng bigla siyang lumangoy pabalik.
"Wynd, bumalik ka dito. You shouldn’t help her!"
Nag tuloy tuloy lang si Wynd pero hindi siya dapat tumulong kasi hindi pa nag si-signal si Autumn-
"I-I can’t breathe."
Pinabayaan na namin si Wynd sa ginagawa niya, nag release na rin ng codes si Rain para bumukas ang tube at nang maiakyat na si Autumn; kung bakit ba kasi hindi agad nag salita.
Lahat kami nanglalaki ang mga mata na napatingin kela Autumn at Wynd ng umahon sila na... na... nag hahalikan.
Lahat kami nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanila, lalo na kay Autumn na ngayon ay pulang pula na habang nakatingin kay Wynd na namumula na din. At mukhang parehong hindi makatingin sa amin. Binaba niya si Autumn then sinipa niya si Wynd.
"Bakit ka ba nanghahalik!?"
"Eh halos himatayin ka na dahil hindi ka makahin-"
"HINDI KA DAPAT NANGHAHALIK!"
"PARA NAMANG GUSTO KITANG HALIKAN!"
"Sophie..."
Tumingin ako kay Rain, "What?"
"Next ka na."
Nag kibit balikat ako at gumitna na sa mat, I wonder kung anong level ang mapupunta sakin.
"Sophie, level 5."
Napatingin ako ng lumapit sa’kin ang dalawang agents, hindi na tali kundi hand cuffs ang ginamit nila sa’kin para ikabit ako sa pole at sa pinakataas ng pole may kalakihan na square, a bomb. And may time doon na nakalagay, exactly 5 minutes.
"Kapag natanggal mo na ang handcuffs mo, hindi ka pwedeng basta basta umalis kasi kailangan mong i-istop ang bomb. It's a fake one, I know but you need to think it’s the real one."
Tumango ako. Humugot ako ng malalim na hininga ng binaba na nila ako. Nang mailagay na ako sa ilalim dali-dali kong ginawan ng paraan ang hand cuffs. Kung magtatagal akong nakatali dito, mauubos ang time na nakalagay sa bomb. Tumingin ako sa mga paa ko hindi nakatali yon.
Although mahirap ang gagawin ko, sinubukan ko na ibaliktad ang sarili ko habang naka handcuffs pa rin. Inangat koaung paa ko hanggang maabot ko yung itaas ng pole kung saan may white na flag akong nakita kanina. Kinuha ko yon gamit ang paa ko.
Ginamit ko ang alambre kung saan nakakabit ang flag para matanggal ang handcuffs which worked. Nagmamadali na lumapit ako sa bomb na 2 minutes na lang ang natitira. I didn’t tilt the bomb dahil baka may tilt switch iyon na malamang ay posible na nilagyan nila Rain.
Usually in a normal bomb mayroong dalawang wires na nag le-lead sa detonator but since ang experiment department ang gumawa nito at gusto nila akong pahirapan kaya ginawa nilang multiple wires. Maaring ang isa don ay mag snap and that would mean that I fail.
Kaming mga agents, we don’t really believe about the colors on the wires of a bomb kasi what if pare-pareho ang kulay? Walang kasiguruduhan iyon. Ang ginawa ko ay hinila ko ang bomb at lumangoy ako ng mabilis pa-akyat at pagkatapos ay tinapon ko sa direksyon ni Rain.
"That's a really wise move. Score, 10 for Sophie."
Ngumiti lang ako. I need to perfect everything. There's not a room for mistakes.