CHAPTER 18
Hindi ko alam kung paano ako nakapagdrive pabalik sa BHO basta ang alam ko paulit ulit na nagre-replay sakin ang pagkuha nila kay Warren. I tried to use my BHO Phone and my normal phone to call Mommy and Daddy, even Summer pero naka lock ang system and I can’t reach them.
Hindi ko alam kung bakit ngayon pa nila naisipang i-lock ang system pero wala na akong pakialam. Ang gusto kong malaman ay kung bakit kinuha si Warren, bakit hindi siya lumaban at bakit pakiramdam ko nag paparamdam na siya na mag kakahiwalay kami... na mawawala siya sakin. o ako ang mawawala sa kaniya.
Napatingin ako sa bintana ko ng may kumatok don, nasa labas si Autumn. Nanghihina na lumabas ako, "Buti dumating ka na, kanina pa namin kayo iniintay. Nagkaron ng lock up."
Tumango lang ako at nag lakad papasok. Patuloy siya sa pagsasalita. "Hindi ko nga alam kung bakit nag kakagulo ang mga Original Elites. Ayaw nilang sabihin sa‘min pero they kept on asking kung nasaan ka na. Oo nga pala, nasan si kuya Warren?"
"He's gone."
Hindi ko na pinansin ang pag katulala ni Autumn at nag tuloy tuloy ako sa lab kung saan nasa labas ang nagtatakang si Rain at Kael, pipigilan nila sana akong pumasok pero nag tuloy tuloy na ako.
Nang makita ako ni daddy ay nilingon niya ang tatlo. "May pag-uusapan lang kami."
Tahimik na lumabas sila habang ako ay nakatayo lang doon. May pagkabahala sa mga mukha nila pero walang pag kabigla. So tama ako, alam nila kung anong nangyayari.
"May kumuha kay Warren."
"Yes, nag send siya ng signal sa BHO Bracelet. Saglit lang tumagal ang signal bago biglang nawala. Nahanap ni Reese at Hurricane kanina ang bracelet." sagot ni daddy.
"And his tracker?"
"Sa ngayon bukas pa at alam namin kung saan sila pupunta."
"What do we do now?"
"We need to wait-"
"What the hell is going on, dad? Bakit wala akong alam at bakit ayaw niyong mag explain? Don’t you care a bit about Warren? Do you want him to die?" Napahagulhol na ako at naramdaman ko na may yumakap sakin, si mommy.
"He's my son." saad ni daddy.
"It doesn’t look like it dad!"
"Listen Sophie, matagal na namin alam na mangyayari ang oras na ‘to. We can’t hide from it forever so we decided to make a plan, this is Warren's mission.
"I-I don't understand."
"Makinig kang mabuti and please Sophie, don’t waste Warren's effort. Dapat mong malaman kung bakit namin to ginawa."
"I'm listening, Daddy."
Tumingin si daddy kay mommy. "When life offers you a life with no identity, no parents and all, kung sakaling makita mo ang nagiisa mong magulang ano bang gagawin mo? Hindi ba magpapakita ka sa kanya?"
Kumunot ang noo ko. "What do you mean-"
"Hindi mo iyon pwedeng gawin Sophie. Kaya nagdesisyon si Warren na itago sa iyo ang lahat. Itago sa iyo ang katotohanan na hinahanap ka ng totoo mong ama. Soferino Moreau."
Hinawakan ni mommy ang kamay ko at nagsalita. "Gumawa kami ng bagong identity. Si Gareth Moreau. Pinalabas namin na inampon namin siya. Pinalabas namin na siya ang anak ni Carina Cole, your mother."
"W-Why mommy? I can handle it. Hindi niyo kailangang ilagay sa panganib ang buhay ng anak ninyo."
Masuyong hinaplos ni mommy ang pisngi ko. "You're my daughter too, Sophie. Alam kong kakayanin ni Warren, at alam kong kakayanin mo siyang iligtas. Sophie, I know you like I know the back of my hand. Kailangan ka naming ilayo sa ama mo dahil isa siyang mapanganib na tao. Pero alam ko din na kapag nalaman mo, magboboluntaryo ka para makilala siya. At hindi iyon mapapayagan ni Warren."
"D-dapat pinabayaan niyo na lang ako, Mom."
"Sophia!"
"Eh di sana... hindi ka na nahihirapan dapat ako na lang eh. Ako na lang."
Lumapit samin si Daddy, "Sophie, please sinabi ko na sayo lahat and you must follow what Warren wants."
"Pero Daddy."
"Be patient, sa ngayon mag training ka muna-"
"I need to save Warren."
"Hindi mo alam ang susuungin mo Sophie, hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon kay Warren pero hindi lang ikaw ang mag liligtas sa kanya. Hindi mo pwedeng sabihin ang tungkol sayo, hindi mo pwedeng sabihin kay Soferino dahil hindi niya pwedeng malaman na ikaw ang anak niya. Not now, na naka set na lahat. It's too late Sophie, Warren decided to do this and we need to follow it."
Hindi ko mapapatawad ang kahit na sino... kahit na sarili ko kapag may nangyaring masama kay Warren.
I have a plan in mind, my own plan. And I vow that the only person who will be at risk is me.