Chapter 15

1171 Words
CHAPTER 15 Napapahagikgik ako habang napapatingin sa’kin lahat ng tao sa BHO kapag tumutunog ang cellphone ko. Actually naka-full volume talaga ang cellphone ko at si Autumn ang nag te-text sa’kin na nasa harapan ko lang ng puro blank message.   "Sayang load ko sayo." sabi niya.   "Wala ka din namang textmate."   "Ikaw meron?"   "Oo si warren."   "Psh. Ikaw lang naman ang nag te-text. Tamad magreply ang lalaking ‘yon." Pinandilatan ko siya ng mata. "Tinetext mo si warren?!”   "Chill! Oo, minsan kapag may pinapatanong si Papa. And duh! Pinsan ko ‘yon, haler?" Sabagay.   Napalingon ako nang biglang umupo sa tabi ko si Warren. Sa tapat ko naman ay si Wynd at Ice na nakaparehong blue pajama pa na may teddy bears design. Todo isod si Autumn palayo kay Wynd na katabi na niya. ‘Pag ganyan ang ayos nila talagang ang hirap malaman kung sino si Wynd at kung sino si Ice. Sumunod na dumating ay si Summer, na kasunod sila Hurricane at Wynter.   "Nasaan ang babies?" Tanong ko.   "Ewan."   "Somewhere."   Binato ko sila ng broccoli na nasa plato ko. Ang kaso naagaw na ng atensyon ko nila Reese at Rain na kapapasok palang na tulak tulak ang stroller ng babies nila.   Si Reese karga niya si Skylee sa isang kamay na mukhang kapapatahan niya palang dahil kasalukuyan siyang nakatitig sa tatay niya. Si Rain naman ay tulak tulak ang stroller habang inaalog ang hawak na feeding bottle.   Tinignan ko sila Hurricane at Wynter na nakangiti lang at nag pa-flying kiss sa mga under nilang asawa.   "Minsan parang gusto kong maawa sa dalawang ‘yan." sabi ni Warren.   "Ganyan talaga ang pag ibig."   "Kaya nakakatamad ma-in love eh." Bigla akong humarap kay Warren at niyugyog siya.   "Wag kang tamarin! Kailangan sipagin ka! Atsaka nandito lang naman ako o! Ang so close ko na nga eh. Kaya hindi nakakapagod. Like this, o." Dumikit pa ako sa kaniya ng todo na kulang na lang ay kumandong ako sa kaniya.   "SOPHIA!"   "Yes, loves?"   "Umayos ka ng upo."   "Why?" Nakangiting umayos na nga ako ng upo. Pero inangat ko ‘yung dalawang paa ko at ipinatong sa kaniya.   "SOPHIA!" Naka pout na ibanababa ko ‘yon.   "Ay oo nga pala! May date ako ngayon."   "WHAT?! ANONG DATE?  SINO? MAPAGKAKATIWALAAN BA YAN? MAY TRABAHO? ANONG ORAS KA SUSUNDUIN? ANONG ORAS KAYO BABALIK?—"   "Oo, may date sana ako kung..."   "Kung?"   "May date sana ako kung, aayain mo ‘ko."   Napangiti na naman ako nang mamula ang mukha ni Warren.   "Grabe, ang lakas talaga ng fighting spirit mo. Itaas ang bandera!" SIgaw ni Wynter na may kasama pang kembot. Oo nga pala, ganon din si Wynter dati kay Rain.   Nakapout na tinignan ko sila nang hinalikan ni Rain si Wynter. Kakainggit!   "Ligawan mo kasi nang maayos. Bigyan mo ng roses." Suhestiyon ni Hurricane.   "Ginawa ko na ‘yan long time ago." sagot ko.   "Bigyan mo ng chocolate." Suhestiyon naman ni Wynter.   "Nagawa ko na rin."   "Sayawan mo. Sing and dance pa."Singit naman ni Summer.   "Tapos na."   "Maghubad ka." Binato ko ng natirang broccoli si Autumn na tatawa-tawa lang. "Nagawa ko na."   Now it’s my turn to laugh nang sila naman ang napatunganga sa’kin. "Konti lang naman." Dagdag ko.   "Eh di pikutin mo."   "Na try ko na. Hindi effective." napailing nalang sila.   I know. Mahirap ang situation ko. Ang dapat kay Warren biglaan eh. ‘Yung hindi niya inaasahan. Parang shotgun wedding. Why not?   Tinignan ko si Warren na kasalukuyang isusubo palang ang kanin mula sa plato niya. Napatingin siya sa’kin at nagtatakang tinaasan ako ng kilay. "What?"   Seryosong seryoso kasi ang ekspresyon ko. "What?" Ulit niya.   "Pakasalan mo ‘ko."   "WHAT?!"   "Buntis ako at ikaw ang ama."   Pinigilan kong matawa nang halos himatayin siya sa sobrang putla. "H-ha? Wala naman akong ginawa noong ano... t-talagang bibihisan lang kita noon.” Nauutal na paliwanag niya.   "Ha?" Ano daw? Anung biBihisan—   Shit! Oo nga! Nakalimutan ko na nakahubad pala ako noon. Nakalimutan ko lang dahil nang magising ako sa clinic, nakabihis na ako noon.   "Nakita mo?!"   "H-ha? O-Oo."   "PAKASALAN MO ‘KO!"   "Ha?! Bakit? Hindi ko naman hinawakan."   "NAHAWAKAN MO KAYA NUNG—" napatigil ako nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Lahat ng kasama namin sa lamesa ay nagtatakang nakatingin sa’min.   "W-wala ‘yon." sabi ni Warren.   "Ows?" hindi naniniwalang sabi ni Hurricane.   "Oo nga!"   Hindi na ako makapagsalita dahil nakatakip parin sa bibig ko ang kamay ni Warren. Hindi ko naman siya pwedeng kagatin dahil hindi ko kayang saktan ang loves ko. Nang bitawan niya ako ay nginitian ko lang siya.   "Ano? Kelan ang kasal?"   "I won’t and will never marry you, ever." Ngumiti lang ako. Pero masakit ‘yon. Promise.   "Mamaya kainin mo ‘yang sinabi mo, Warren my loves. Mahuhulog ka din sa mga palad."   "Pustahan na yan!" Sigaw ni Autumn.   Tumingin ulit ako kay Warren, "Ganto my loves, kapag pinakasalan mo na ako someday, sasayaw ka ng teach me how to dougie sa harap ng buong BHO agents." Hamon ko sa kaniya.   "At kapag ako ang nanalo?"   "Eh di, hindi na kita guguluhin."   "Deal."   "But remember my loves. Ang sabi ko 'kapag pinakasalan mo na ako someday',meaning walang deadline ang contract natin. Kaya kahit uugod ugod na tayo, on going parin ang pustahan." napatulala siya. Another point for Sophie again!   Nang matapos na kaming kumain ay nagkaniya-kaniya na kami ng alis. Ako naman ay umakyat na sa rooftop kahit na umagang umaga. Hindi naman kasi mainit. Makulimlim.   Umupo ako sa lamesa doon at tumingala sa langit.   "Sa tingin mo Papa God, mabait naman ako ‘di ba? Thanks nga pala sa reward ko noong isang araw. May libre akong hug. Pwede pahingi ulit? Anyway po, ang ganda ko naman, ang sexy, ‘di ba? Ayaw parin sa’kin ng kolokoy na ‘yon. Pakisesante na po ‘yang Kupido Niyo. Ang weird mag-matchmake. Pero okay narin. Ang gwapo naman ng loves ko. Pakipot nga lang."   Oo sobra. Sobrang hard to get. Nakakaloka narin minsan, parang ang sarap nang sumuko. Parang ang sarap na maghanap na lang ng iba. Pero just by thinking of it, parang hindi ko na kayang gawin. Kasi kahit pilitin ko ang sarili ko, I I just don’t see myself with another man. Kahit anong pilit ko, wala eh. Lintik na puso ‘to. Si Warren lang talaga ang gusto.   Kasi kung kaya ko lang, ililipat ko na lang sa iba. Pero kasi, hindi naman ganoon ‘yon eh. Hindi naman parang candy lang ‘to na pwede kong ibigay sa iba ‘pag hindi ko gusto...kapag ayoko na. Try mo kayang ibigay sa iba ang candy na nginuya-nguya mo na, tatanggapin ba nila? Hindi din ‘di ba? Kasi kahit sino namang lalaki, kahit na gusto man nila ako, kapag nakita nilang hindi ako masaya, iiwan din nila ako.   Kaya kay Warren nalang ako. Kahit mahirap. Kahit masakit na minsan. Walang akong pakialam! Mahal ko eh. angal kayo?   "Sophie," nilingon ko ang tumawag sa’kin. "O? Bat ka nandito?"tanong ko.   "Wala lang." Si Warren.   Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin parin ako sa kaniya. Tinignan niya ako. "Problem?"   Oo, ikaw. "Wala." Sagot ko nalang.   "Hmm."   "Ikaw meron?" Pagbabalik tanong ko sa kanya.   "Oo."   "Ano naman?"   "Just things.”   "And?"   Ngumiti siya. "Wala naman."   Double damn! Bigla lang naman po niya akong niyakap. "Let's just stay like this for awhile... just for awhile please." Ang aga ng reward ko! May libre na naman akong hug.   Thank you, Papa God! "Okay!"   "I love you, Sis."   "Yeh, yeh. I know." .   I love you, Warren. Not as a brother. I love you, as you. But you already know that ‘di ba? Kung sana mahalin mo ako katulad ng pagmamahal ko sa’yo. Kung sana pwede lang... kung sana kaya mo lang.   "I love you." bulong ko.   "I know."   "You know the difference?"   "Yes."   "I won’t get tired telling you that, Warren."   "I hope so, Sophie."   Anong ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD