Chapter 14

1170 Words
CHAPTER 14 WARREN'S POV Binuksan ko ang pinto.   "Sophie!"   Dali-dali akong lumapit sa kaniya. Kung titingin lang ako sa salamin ngayon sa tingin ko pulang pula na ang mukha ko. Kasi kitang kita ang...STOP! Kailangan munang madala sa clinic si Sophie.   Inabot ko ang t-shirt niya na nasa cubicle pa at dali-dali kong isusuot na sana kay Sophie ang kaso hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan.   "AHHH!"   Napalingon ako doon sa pinto at namutla. Kasalukuyang nandoon si Autumn at nanglalaki ang mga mata. Nagsisunuran narin sila Hurricane at Wynter na pinapaalis at hinaharangan ang mga asawa nilang titingin sana kung anong nangyari.   "Hindi pwede, honey. Kapag sumilip ka sa loob tatanggalin ko ‘yang mga mata mo."Panakot ni Hurricane kay Reese.   "Honey naman eh."   "Anong meron?" Usisa ni Rain.   "May live show." Sagot naman ni Wynter.   "Ahh. No thanks." Walang ganang sagot ni Rain.   "Anong meron honey?" tanong ulit ni Reese.   "Nire-r**e ni Warren si Sophie." Sagot ni Hurricane.   "Cool!"   Natataranta parin ako sa pag su-suot ng t-shirt. Maya-maya may lumapit sakin at siya ng nag suot kay Sophie.   "Your an angel Summer, Sis."   "Whatever. Isusumbong kita kay Daddy. Ni-r**e mo si Ate."   "HINDI AKO NANG r**e!" Paliwanag ko. Napasimangot ako nang lahat sila nag 'weh?'   Nang mabihisan na ni Summer si Sophie ay agad agad na binuhat ko si Sophie at inilabas ng shower room. Tutulungan sana ako ni Rain pero iniwas ko sa kaniya si Sophie.   "Cool lang, pre." Hindi na ako sumagot at nag tuloy-tuloy na ako sa clinic.   Nakahinga ako ng maluwag nang maabutan ko doon si Mommy na kasalukuyang ginagamitan ng stethoscope si Daddy sa heart.   "Wala naman problema, Poseidon. Maayos ang heart mo."   "Check mo ulit. Parang may sakit ako sa puso eh." Pangungulit ni Daddy kay Mommy.   "Wala nga."   "Eh bakit kapag nakikita kita...bumibilis ang t***k ng heart ko?"Napangiwi ako nang biglang binatukan ni Mommy si Daddy.   "Mom." Lumingon sa’kin si mommy. nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ayos ni Sophie. Si Daddy naman ay napatayo at kinuha si Sophie sa’kin at inilagay sa isang gurney.   "Anong nangyari?” Tanong ni Mommy.   "Nadulas siya sa shower room." Sagot ko naman. Nakatingin ako kay Mommy habang chine-check niya si Sophie. May mga ginamit siya na kung ano-ano na ipinang check niya sa ulo ni Sophie. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Daddy naman nasa kabilang gilid.   "WAAAAH! SOPHIA! WAAAAH!" Pagwawala ng tatay ko. Nakita kong napapatingin sa kaniya si Mommy then pinagpatuloy niya zng ginagawa. Pero unti-unti kumukunot ng noo ni Mommy nang hindi parin tumitigil si Daddy sa kakangawa.   "SOPHIA CARIN—aray!" Ayun napatigil siya. Pinalo siya ni Mommy ng clip board. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok doon si Summer na lumapit kay Daddy at kumandong. Nakatingin siya kay Sophie na nananatiling walang malay.   "Daddy," pagtawanag niya kay Daddy.   "Yes baby?"   "Si Kuya ni r**e si Ate Sophie."   "WHAT?!" Sigaw ni Daddy dahil sa pagkabigla. Inabot ko iyong tissue sa gilid ko at ibinato kay Summer na agad naman nakailag. Tinignan ko si Mommy na nakataas na ang kilay ngayon sa akin.   "Wala akong ginawa, Mom. Imagination lang ni Summer ‘yon. May narinig akong sigaw kaya pumunta ako sa shower room ng girls at tinignan kung sino ang sumigaw dahil parang si Sophie, tapos nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at walang malay kaya dinala ko siya dito—"   "Defensive nito. Joke lang eh"Putol ni Summer sa paliwanag ko. Asar! Nantrip pa o. Binigyan ko sya ng matalim na tingin pero sumiksik lang siya kay Daddy.   "Kapag naabutan kita sa labas Summer ipi-prito kita.” Banta ko.   "Daddy si kuya o!"   "Warren, wag mong takutin ang kapatid mo." Saway naman sa’kin ni Dad.   "Sus,malaki na ‘yan, Poseidon. Sige lang Warren, i-prito mo yan." Dagdag naman ni Mommy. Napangiti ako. Binelatan ko si Summer na kasalukuyang nakasiksik parin kay Daddy. Binelatan niya din ako pabalik.   Lumapit ako kay Mommy at umakbay. "Kampi kami ni Mommy." Pang aasar ko.   "Kampi kami ni Daddy!"Sagot naman pabalik ni Summer.  Napailing na lang si Mommy sa’min.   "Ang laki mo na Warren. Parang ang liit ko tignan."   "Okay lang yan, mommy. Pinaka maganda ka parin sa lahat." tumawa lang siya.   Napalapit ako kay Sophie bigla nang bigla siyang umubo. Pagkatapos ay hinihilot niya ang likod ng ulo niya   "Sophie?"   "MY LOVES!" Biglang yumakap sakin si Sophie.   Naiilang na tumingin ako kila Daddy at Summer na nakatingin sa’min ni Sophie. Nang tumingin ako kay Mommy ay agad na hiniwalay ko si Sophie sakin. "Ano na naman ang ginawa mo?"   "Sungit nito. Para namang sinadya ko ‘yon. FYI, hindi ko ginusto na mag-skating sa shower room, ‘no! Basa kasi ‘yung sahig kaya nadulas ako."   "Malamang. shower ‘yun eh." Sasagot pa sana si Sophie pero inalalayan na siya ni Daddy tumayo. "Kailangan mong kumain. Mamaya magka-cancer ka niyan."   "Anong konek, daddy?"   "Basta."   Lumabas na sila Summer at Daddy kasama si Sophie na ayaw pa sanang lumabas. Ako naman ay umiiling na inayos ang gurney na hinigaan ni Sophie.   "Warren,"   "Yes mom?" tumingin ako sa kaniya. Seyosong seyoso ang anyo niya.   "I don't want you to get hurt, son. Tell me that you know what you're doing.”   "I know Mom. Malaki na ako."   "You’re still my baby."   Natawa ako." I know." niyakap ako ni Mommy.   Everything will be alright. I hope.   ********************************** SOPHIE'S POV   Sunod-sunod ang kain ko. Pero parang hindi parin nauubos ‘ang laman ng plato ko. Paano, si Daddy panay ang lagay ng pagkain.   "Dad, I'm full."   "Okay, ubusin mo nalang ‘yan, and drink this milk. Ikaw din Summer." Sabay kaming napabuntong hininga ni Summer. Ang kulit talaga ni Daddy. "Dad?"   "Yes?"   "Bakit puro lower mission ang ibinibigay sa’kin?" Nakita kong napatigil si Daddy. "Para safe ka."   "Wala namang mangyayari saking masama, Dad. Na bo-bored na ako. Saka wala naman akong ginawa para ma-ban sa upper mission."   "Basta. Sa lower ka muna ngayon."   "Fine. Basta dapat sunod-sunod. Lower misison na nga tapos ang dalang pa."Reklamo ko.   "No. Hindi ka pwedeng lumabas palagi." Nangunot ang noo ko. Bakit ba ang paranoid ng mga tao ngayon?   "Astig!" Napatingin ako kay Summer. Kasalukuyan siyang may binabasa sa cellphone niya.   "Anong meron?" Tanong ko.   "Nagbabasa ako sa wattpad."   "Ha? anong w*****d?"   "Basta."   "Anong meron?"   "Wala naman. Kasi about dito sa girl. Tinatago siya ng kinilala niyang magulang dahil sa hinahanap na ng hindi niya nakilalang tunay na tatay ang anak nito na siya nga. Pinagpanggap ng kinilala niyang magulang ang hero sa story bilang siya upang mailigtas siya sa panganib. "   Napatango-tango ako. Sabay pa kaming napalingon kay Daddy ng bigla siyang nabulunan habang nakatingin sa cellphone ni Summer.   "Ayos ka lang, Dad?"   "Yeh... wait lang, pupunta muna ako sa Mommy niyo." Tumango ako.   Napatingin ako sa tabi ko nang biglang umupo doon si Warren. "LOVES!" Bati ko.   "Kailangang sumigaw?"   "Syempre. Parang puso ko lang yan eh...sinisigaw ang pangalan mo."   Namula si Warren habang si Summer naman ay gumagawa ng gagging sound. Hindi ko pinansin si Summer at kinuha ko ang phone ko at may kinalikot.   "Warren."   "O?"   "Sabihin mo nga feather 5 times."   "Feather feather feather feather feather."   "Galing! Eh sabihin mo nga ang I love you 5 times."   "I love you, I love you, I love you, I love you, I love you—"   "I LOVE YOU TOO! Grabe loves, ha. 5 times pa ‘yon. Love na love mo talaga ako."   "Ha? Ano?" Mukhang hindi naman na-gets ni Warren ‘yung sinasabi ko. Natatawang may kinalikot na naman ako sa phone ko, tapos ni-replay ko ang part na nag-I love you siya. Pulang pula na ang mukha ni Warren.   "Ipapakita ko ‘to kay Mommy, toodles!” Tumayo na ako at tumakbo paalis.   "SOPHIA!"   Another point for Sophie!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD