CHAPTER 13
Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa mga elite agents na siyang kasalukuyang nag te-training ngayon. Ako pa lang ang hindi dahil nagbunutan kami at last ako. Hindi ako nato-trouble dahil last ako.
Iniisip ko lang kung bakit lagi akong nasa lower mission kahit na wala naman akong ginawa na dahilan para ma-ban ako. Depende nalang kung nang ti-trip lang ang Warren ko. Which is not impossible.
Speaking of that handsome man, mainit ang ulo noon sa’kin kahapon dahil pagkatapos naming manggaling sa missio ay tumuloy kami sa bahay nila Mommy and Daddy. Bahay nila dahil may sariling bahay si Warren at meron din ako. Anyway ayun nga, pumunta kami doon. Naabutan namin si White Widow na kasalukuyang hinahabol ang mga nakakawala na si Tweety at Sylvestre.
Nasa bahay kasi nila Mommy at Daddy ang mga ‘yon para mas may mag-aalaga sa kanila. Wala naman kasi kaming maid sa bahay namin nila Summer dahil nagpapa-cleaning lang kami every saturday. Ayun nga, hindi naman kinain ni White Widow ang mga hamsters ni Warren. Pinagtripan niya lang.
Napabuntong hininga na naman ako. "HOY!" Nilingon ko ang nang gulat. Si Autumn.
"Anong ginagawa mo diyan? ‘Di ba dapat nandon ka?" Tanong ko sa kanya.
"Nauuhaw ako eh, problema mo? Bakit kanina ka pa buntong hininga nang buntong hininga diyan?"
"Wala, trip ko lang."
"Astig naman ng trip mo."
"Alam ko, ‘cause I'm so cool kasi." Tinignan ako ni Autumn na parang may ginawa akong nakakadiri. Pagkatapos ay nag 'ewwww' pa siya.
"Bakit?"
"Nahahawa ka na sa mahangin na Wynd na ‘yon. Diyan ka na nga! Contagious pala ‘yan, mamaya mabahiran ang pure na kaluluwa ko."
Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga allergic si Autumn kay Wynd. Ayaw pa umamin eh mga may HD naman sa isa’t isa. Katulad ngayon na napatingin si Autumn kay Wynd na kasalukuyang nag pu-push ups. At si Wynd na nakatingin sa legs ni Autumn na natatakpan ng leggings na bahagi ng training uniform namin.
Maniac talaga ang mga to— s**t na malagkit! Ang sarap i-ulam! "Yummy..." Nakatingin ako kay Warren na ngayon ay nasa threadmill na walang suot na t-shirt. Kahit pawis na pawis na siya, parang ang sarap paring yumakap sa kaniya. Abs palang ulam na! Saka parang ang sarap pindutin ng muscles niya. Tapos hahawakan ko ‘yung abs niya pababa nang pababa...
"NAKAKAINIS KA, AUTUMN!"
Napatingin sa’kin si Autumn na kasalukuyang nakikipag sparring kay Summer. "Late reaction."
Napasimangot ako. Hindi naman ‘yon ang sinasabi ko eh. Nahahawa ako sa ka maniacan nila. Promise! Hindi ako maniac. Sila ‘yon.
"Sophie, next."
Tumayo na ako at nag-inat inat. Ginalaw galaw ko ang shoulders ko. Naglakad na ako hanggang makarating ako sa gitna ng mat. Kasalukuyan namang may ginagawa si Rain sa tablet niya at nagra-random pick ng kalaban ko.
"Opponent, Warren."
Psh. Wala na naman akong pag-asang manalo. Kapag si Warren ang kalaban ko, 30 percent chance lang ang meron ako na manalo. Well, para sakin ganoon. Pero kung ako may 30 percent chance, sa iba naman wala na talaga. Kaya nga kahit hindi mag-random pick, ako talaga ang ilalaban kay Warren. Dahil wala talagang nananalo kay Warren.
Inintay ko siya dahil uminom muna siya ng tubig at nagpunas ng pawis. Sana ako na lang ‘ang towel.
"Maniac." Nilingon ko ‘yung bumulong. Binelatan ko si Autumn.Umayos na ako nang tumayo na si Warren sa harapan ko.
"Start."
Nagpakawala ako ng suntok, and of course naiwasan lang ni Warren ‘yon at sinasalag niya bawat suntok ko.He tried to restrain my left hand pero mabilis akong nakawala at nagpatuloy ako sa pagsuntok.
Dati kapag kami ang nagkakalaban, kadalasan mabagal akong kumilos. Calculated. Pero lagi akong nauunahan ni Warren. He knows me too well. Pero ngayon iniba ko ang nakasanayan kong technique.
Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya. Ginagaya ko lang naman ang technique ni Ice. Sunod-sunod kung sumugod si Ice dahilan para mawalan ang kalaban niya ng oras na makailag.
"Go ate, go ate!" Pagchi-cheer ni Autumn.
"Go kuya, go kuya!" Cheer naman ni Hurricane.
"O, sinong gustong pumusta? 1000 isang pusta. Dali!"sigaw ni Autumn. Ang mga baliw na mga agents, ayon, nagbayad nga kay Autumn na naniningil.
Binalik ko ang tingin ko kay Warren na nagpakawala ng suntok at tumama sakin. Though nasalag ko ‘yon, ikinatumba ko ang impact non. Dahil ayokong magpatalo ay umikot ako at sinipa ko siya habang nakaupo. Tumayo ako at nagpakawala ako ng sipa at suntok. Hindi na niya na nasalag ang iba.
"Bakit parang bad trip ka sa mundo?"Puna ni Warren.
"Don't distract me." Nagpakawala na naman ako ng isang suntok. Mas malakas na kesa sa iba. Lahat ng sumunod na mga sipa ko kasing lakas ng suntok ko.
When Warren throw a punch, yumuko ako at siniko siya. Then I grab his arms at binalibag ko siya.
Nagpalakpakan ang mga agents. Pero hindi pa tapos. Kailangan makalabas ng mat si Warren. Kaya patayo palang siya ay sinipa ko na siya. Dahilan para mapausog siya nang mapausog. Then...HOORAY! SOPHIA CARINA COLE!
"O, ano kayo? Kami lang ni Wynter ang pumusta kay Sophie! Paano ba ‘yan? Hati kami dito. Oy Wynter, kain tayong Jolibee!" Masayang sigaw ni Autumn.
"Tara!"Sagot naman ni Wynter. Napailing nalang ako. Tiningnan ko si Warren na ngayon ay tumayo na.
Naglakad ako papunta sa pwesto ko kanina at nagpuna at uminom ng tubig. Bahagya akong napatigil nang maramdaman kong may tumayo sa tabi ko.
"Congrats." Bati ni Warren.
"Sincere ba yan?" Paninigurado ko.
"Of course. Kung may gusto man ako na makatalo sakin, it would be my sister."
"Si Summer?"
"And you."
Napasimangot ako. Anak naman ng leche plan ‘tong si Warren. Lagi nalang nasisingit ‘yang sister sister na ‘yan. Naiinis na ako! Parang gusto ko na siyang kagatin.
Pero syempre joke lang. "May next mission ba tayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala."
Napabuntong hininga nalang ako. "Ang boring eh. Bakit kaya nagtatago pa ang BHO at secret parin ng government? Bakit hindi pwedeng lahat nalang ng tao alam ang BHO para marami tayong mission?"
"Dahil hindi lang mga gustong ng tulong ang pwedeng pumunta dito. Pwedeng ‘yung mga gusto din tayong pabagsakin."
"Weird."
"Not really. Parang sa tao lang ‘yan eh. Sometimes we need to stay away para hindi ma-attract ang attention ng iba, ganoon din ang BHO. We need to stay hidden para narin sa safety natin."
Nagkibit balikat ako. Sabagay may point. Ewan ko ba. Basta hindi ako makali. Ilang araw na akong parang troubled. Parang may gusto akong alamin? Kaasar!
"Warren."
"O?"
"Sorry about your daga, ah? Hindi naman talaga sila kakainin ni White Widow."
"Hindi sila daga, hamsters sila. Basta ilayo mo lang ang monster mong alaga, wala tayong problema— aray!" Kinurot ko siya.
Monster daw? Ang cute-cute ng White Widow ko. Mas cute ‘yon kesa sa daga niya na wheel lang nang wheel tapos kain nang kain. Tapos para pang mga bola. Ang White Widow ko sosy yon.
Umalis na ako dala ang pouch ko at paper bag na may damit at nag lakad sa shower room para mag hot shower dahil naiinitan na ako. Naramdaman ko na nakasunod si Warren dahil magkatabi lang ang shower room ng boys sa girls.
"See yah, my loves!" Paalam ko sa kanya.
"Pasaway." Tinawanan ko lang siya at pumasok na ako. Iniwan ko ang pouch ko sa lababo. Dinala ko ang damit ko papunta sa isang cubicle at pagkatapos ay nagsimula na akong mag shower.
"Whoo! Sarap!"
Napatigil ako nang maalala kong hindi ko dala ang facial wash na lagi kong dala at lagi kong ginagamit everytime na maliligo ako. At dahil wala namang ibang tao dahil nasa labas pa silang lahat ay pinunasan ko lang yang katawan ko at sinuot ko ‘yung underwear ko. Hindi na muna ako nag suot ng brassiere. Lumabas ako at naglakad papunta sa pouch ko.
"Nasan na kaya ‘yon?" Hinalungkat ko ang pouch ko hanggang sa makita ko iyon. Nakangiting naglakad na ako pabalik. Kaso...
"AHHHHH!” nadulas ako. That's the last thing I remember.
*************************************
WARREN'S POV
Kasalukuyan na akong nagbibihis. May narinig lang ako bigla na sumigaw. Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa girls shower room.
"Damn! papasok ba ‘ko?" Tanong ko sa sarili ko. Pero kasi sabi ni Daddy bawal daw pumasok sa pangbabae na—pero... parang narinig ko ang boses ni Sophie.
Bahala na nga! Binuksan ko ang pinto at...
"Sophie!"