Chapter 11

1120 Words
CHAPTER 11 Kunot na kunot ang noo ko habang nandito kami ni Autumn, Wynd at Warren sa loob ng bahay ng bago naming client na si Mrs. Walters.   "Bakit naman kasi tayo pa ang maghahanap?" Inis na tanong ko.   "Kasi nga, ilang buwan na daw nawawala si Mrs Camilla Walters. Kaya nagbabakasakali na baka may naiwang clue dito kung nasaan man siya." Sagot naman ni Warren sa akin.   "Ako nakakahalata na ah. Hakit puro lower mission ang ibinibigay sa’tin?” Usisa ko . "Pasaway ka kasi."   "Wala naman akong ginawa ah! Ban na naman ako sa higher missions?"   "Sort of." Sagot ni Warren. Bakit naman kaya?   Tinignan ko si Autumn at Wynd na kasalukuyang masama ang tingin sa isa’t isa habang naghahanap ng mga clues.   "Easy lang kayo. Mamaya magkasuntukan na kayo niyan." Pag aawat ko sa dalawa.   "Eto kasing baliw na’to tingin nang tingin." Asar na paliwanag ni Autumn. "Ako pa may kasalanan? Ikaw nga dito’ yung halatang nagnanasa sa’kin kanina pa. Maniac!" singit naman ni Wynd. Eto na naman po sila.   "Ikaw ang maniac!"   "Babae lang ang mina-maniac ko!"   "Abat!" Itinulak ko ang noo ng dalawa gamit ang dalawa kong hintuturo nang mukhang magsusuntukan na nga sila. Nakita kong hinawakan nila ang nasaktan nilang noo.   "Aray naman." Reklamo ni Autumn.   Hindi ko na sila pinansin at nakitingin narin ako sa mga gamit ni Mrs. Walters. Ang kapatid niya na si Lourdes ang nagpapahanap sa kaniya. At ang asawa naman ni Camilla na si Anthony ay kasalukuyan ng nasa ibang bansa. Ayon sa source ay hindi na daw talaga magkasundo ang mag asawa kaya nagpasya na silang maghiwalay. Iyon daw ang nakalagay sa sulat ni Camilla sabi ni Lourdes.   Mukhang umalis si Lourdes para makalimot. Ang problema, 2 months na ang lumilipas pero hindi parin bumabalik si Camilla. Kaya nagpasya si Lourdes na humanap ng paraan. May kakilala siya na tumulong sa kaniya para ma-contact ang BHO.   "Sa bedroom ako." Paalam ko. Tumango sila.   Umakyat na ako sa bedroom. Malinis naman iyon. Medyo magulo lang ang tokador at basag ang salamin. Bukod doon, wala na naman akong nakitang kakaiba.   Binuksan ko ang mga cabinet... may papel. A piece of a notebook I guess. Inilagay ko iyon sa bulsa ko pagkatapos ay lumabas ako at pumunta sa kusina kung saan naabutan ko sila Autumn na kasalukuyang kumakain ng Piatos.   "Oy, saan niyo nakuha ‘yan?” Tanong ko.   "Dito." Sagot ni Autumn at tinuro nila ‘yung kitchen cabinet na may isa pang Piatos na natitira.   "Bitawan niyo nga ‘yan at ilagay niyo sa bulsa niyo. Mamaya ma-trace pa tayo dahil diyan."   "Paranoid ka na naman."   "Mabuti na ang nag-iingat. At isa pa, mamaya expired na yan." Nanlaki ‘yung mga mata nila at napatingin sa kinakain nila. Pagkatapos ay nagmamadali nilang tinignan ang expiration date.   "Ano?"   "Hindi naman." sagot ni Autumn.   "Fine. Basta ‘wag niyong itatapon dito ang balat at ‘wag kayong hahawak ng kahit ano na may cheese pa ang kamay niyo." Paalala ko. Tumango silang dalawa at sumaludo.   Nilagpasan ko na sila at nagsimula na akong maghalughog sa kitchen cabinets pero wala na akong nakitang iba doon. Napatingin ako sa gilid ng ref nang may nakita na naman akong sulat. Nilagay ko ulit iyon sa bulsa ko. Binuksan ko ang refrigerator. May mga pagkain doon. Sa taas ng refrigerator may bill ng kuryente.   "What is it?"   Hinila ko na sila papunta sa living room. Nang hindi ko matagpuan doon si Warren ay hinila ko sila papunta sa isang entertainment room kung saan may naririnig akong kaluskos. Naabutan namin doon si Warren.   "May nahanap ka?"   "Yes, a piece of paper." Pinakita niya sa’kin ang nakasulat. Nilabas ko din ‘ang dalawa na nasa akin at ipinakita sa kanila iyon. Binasa namin ang first note.   “Masaya kami ni Anthony, pero dahil kay Ate Lourdes ay nagulo ang lahat.”   Nagkatinginan kami nila Warren, then binasa namin ang second note.   “Umalis na si Anthony, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Kasalanan to ni Ate Lourdes. Kahapon sinaktan niya ako, sinaktan ako ni Ate. Gusto niyang hiwalayan ko si Anthony. Pinagbantaan niya ako!”   Damn. Mukhang may kinalaman si Lourdes sa lahat. Pero bakit niya pinapahanap si Camilla? Binasa na namin ‘ang last note.   “Wala na akong magagawa. Nakakulong na ako dito sa bahay. Papatayin niya ako...papatayin niya ako!”   "Anak ng tupa! Hulihin na natin ang Lourdes na ‘yon." Biglang bulalas ni Wynd.   "Saglit." Napatingin silang lahat sa’kin.   "Bakit?" tanong ni Autumn.   "Sa tingin niyo bakit masyadong obvious ang mga note? Parang sinasadya."   "Meaning?"   "I'm not sure yet, but it’s too obvious. Nakalagay ang mga note sa mga lugar kung saan madaling hanapin."   "Right, at saka bakit ipapahanap ni Lourdes si Camilla kung may ginawa siyang masama?"   "Ang mga pagkain. Ang sabi ni Lourdes, 2 months nang nawawala si Camilla. At hindi ginagamit ‘tong bahay na’to. Pero ang mga pagkain hindi pa expired. At may mga pagkain na halatang kabibili lang at may kumuha ng bill. Dahil kung walang tao dito, dapat nasa mailbox ang bill. Pero nakita ko kanina ang date ng bill at para ‘yon last month.”   Natahimik kaming lahat. Pare-parehong nag-iisip. Naglibot libot ako ng tingin sa entertainment room. Wala namang kakaiba doon maliban na lang sa glass chess board na nakadikit sa isang table. Lumapit ako doon. Naramdaman ko na lumapit sa’kin si Autumn na nakatingin din doon sa chess board na lahat naman ay nakaayos. Kaso mali mali ang kinalalagyan.   "Ang tanga naman ng nag ayos niyan." sabi niya.   "Oo nga."   Inayos ni Autumn ang pagkakalagay. Inangat niya ang horse na nasa pwesto ng rook at pinagpalit iyon. Pati na ‘yung bishop na nasa pwesto ng queen. And last, ang king na nasa kabilang dulo at nagkapalit sa isa pang rook. Tumalikod na ako at babalik na sana kila Warren nang may marinig ako.   "Oh shit." bulalas ni Autumn.   Nakatingin kami doon sa isang bahagi ng wall na ngayon ay nakabukas na. Pero..   "Paano niyo nabuksan?” Tanong ni Warren.   "Si Fall ang nakabukas." Sagot ko naman.   "Ha? Ako?"   Binalik ko sa dati ang ayos sa chess. Nanlaki ang mga mata namin. Biglang sumarado ang wall. Nang inayos ko ulit iyon sa tamang ayos, bumukas na naman.   Lahat kami na-aamaze na nakatingin doon sa pader. Nang mahulasan na kami ay pumasok na kami roon. Nauna na kami ni Warren. Madilim sa loob at pababa ang daan pero unti-unting bumukas ang mga ilaw sa baba.   Ang daming mga gamit. Parang normal na bahay lang. Ang naiiba lang ay isang malaking rectangle na table na semento na nasa gitna. Parang out of place sa lugar.   "What the hell is this?" Bulalas ni Warren. Hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sa rectangular table, may kape sa ibabaw nito.   At mainit pa. It means may tao dito kanina.   "May tao dito kanina, mainit pa ang kape." Saad ko.   "Pero kanina pa tayo dito."   Kanina pa nga kami dito. dapat nakita namin kung nasaan ang tao dito kung umalis man siya.   "s**t, s**t, s**t!"   "Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Warren. Tinuro ko sa kaniya ang sementadong bagay na mukhang table, may nakasulat doon na ngayon ko lang napansin.   "Oh, God." Napasabi nalang ni Warren.   Lumapit na sila Wynd at tinignan ang tinitignan namin. Narinig kong napasinghap sila nang makita ‘yung sulat na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD