CHAPTER 10
Galing ako sa labas, kabibili ko lang ng ice cream. Out of stock ang ice cream sa HQ kaya lumabas na lang ako para bumili.
Dito na ako sa likod ng BHO dumaan dahil hindi naman ako gumamit ng kotse. Tinatamad akong magdrive at kasalukuyan pa lang inaayos ni Kael iyong sasakyan ko na pinagtripan atang butasin nila Ice. Ewan ko sa mga ‘yon.
Napatingin ako sa isang lalaking nakatalikod na kasalukuyang papasok din galing dito sa likod.
"Warren?" Lumingon siya sa’kin. Si Warren nga.
"Bakit ka dito dumaan?" Tanong niya.
"Bumili lang ako ng ice cream, eh tinatamad akong magdrive saka butas iyong gulong ng kotse ko. Eh ikaw? Bat dito ka dumadaan? Atsaka saan ka galing." Sunod sunod na tanog ko naman sa kanya.
"Nag-date ako." Napasimangot ako. Sino na naman kaya ang date niya? Tinignan ko iyong ayos ni Warren. Hindi naman siya mukhang nakipag-date. Atsaka wala din siyang dalang kotse meaning... anong ipangsusundo niya sa date niya? Ano ‘yon siya sinundo?
"Weh di nga?" Hindi na niya ako pinansin. Napangiti na ako.
Sure na ako ngayon na hindi siya nakipag-date. Warren would argue with me kung totoong nakipag-date siya. At saka imposible naman na nakipag-date na siya na hindi ko nalalaman.
Pumasok na kami sa loob. Tumuloy kami sa lab nila Rain kung saan naabutan namin sila na kumakain ng marshmallows at kasalukuyang nag-aagawan. Favorite talaga nila ‘yan—lalo na ng triplets.
Nang binaba ko iyong ice cream ay nagkaniya-kaniya na sila ng pagkuha ng magnum na dala-dala ko.
"Okay na ‘yang braso mo?" Tanong ni Warren
"Yup. Ikaw lang naman ‘tong OA."
"Sinong hindi mag aalala? Bigla ka nalang hinimatay."
"Ikaw ba naman harangin ng isang lalaki na kinukulit kang mag-debriefing ngayong may tama ka na at kailangan mo nang magamot kasi masakit na."
"Bakit kasi hindi mo sinabi kaagad!"
"Ako pang may kasalanan?"
"Yes."
"Sisihin mo si Autumn."
Nilingon namin si Autumn na nag-peace sign lang at walang habas na kinain ang ice cream niya. Pinalo niya pa si Wynd na katabi niya."Aray!"
"Umayos ka ng pagkain! Tutuluan mo na ako o! Para kang bata." Saway sa kanya ni Autumn.
"Tignan mo kaya ‘yang bibig mo! Ikaw ang mas mukhang bata!" Sagot naman ni Wynd.
"Ikaw!"
"Ikaw!"
"Suntukan nalang pare, gusto mo?" Hamon sa kanya ni Autumn. Napailing na lang si Wynd at binato ng tissue si Autumn na kaagad namang nagpunas ng bibig niya at pagkatapos ay ibinato pabalik kay Wynd.
"Yuck!"
Pasaway talaga ‘tong dalawang ‘to. Bilib ako sa mga nanay namin at napagtya-tiyagaan ang mga kabaliwan namin, na in the first place sa kanila na mana since sila ang ugat ng lahat-lahat.
Maya-maya nagsitayuan kami at pumunta sa parlor nila Ice, may malaki kasi na plasma TV doon.
"Eto gusto ko! 'The Notebook'!" Sabi ni Ice.
"Ayoko! Gusto ko Tomb Raider." Sabi naman ni Hurricane.
"Eto The Vow" Sabi naman ni Wynd.
"Uy maganda daw ‘tong Hanna, ‘to na lang panoorin natin." Singit naman ni Wynter.
"Gusto ko Saw para astig!" Pakikipagtalo naman ni Autumn.
Ilang minuto pa silang nagtalo. In the end...nanalo ako. Gusto ko kasi horror, at pumayag si Autumn. Pumayag din si Warren tapos si Reese and Hurricane. Si Wynter din na natatawa at napapatingin sa kuya niya. Wala silang choice. Majority wins eh. Insidious ang papanoorin namin. Kasalukuyang magkatabi na sila Ice at Wynd na may harang pang mga unan sa harapan nila. Kasalukuyan na nasa attic na si Dalton—iyong bida na bata sa Insidious.
"AHH!"
Napatingin kaming lahat kila Ice at Wynd. Napabunghalit ako ng tawa.
Grabe. Priceless ang itsura nila! Magkadikit na magkadikit sila at nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa TV. Ano pa kaya kapag sa bandang gitna na ang movie? Hindi kaya himatayin ‘yang dalawang ‘yan?
"Pahingi." Inabot sa’kin ni Warren ang hawak niyang Piatos. Nakangiting kumuha ako doon. Nilagay niya ‘yon sa gitna namin para share kami.Napapangiti ako everytime magkakasabay kami ng pagkuha ng chips.
Buong movie ata nagkakatinginan kami ni Warren tapos siya ang nag-iiwas ng tingin. Hindi naman kami pinapansin ng iba na busy sa panonood.
In Ice and Wynd's case, busy sila sa pagtatakip ng mukha.
Nakakabinging sigaw ang pumuno sa parlor nila Ice nang mag-end na ang movie. "Ang sakit talaga sa tenga ng sigaw niyo, Kuya."Reklamo ni Wynter.
"Nawiwiwi ako! S-samahan mo ako, Wynd." Sabi ni Ice sabay hila kay Wynd.
"Ayoko nga! M-mamaya may biglang humila sa’tin—"
"Wag ka nang manakot!"
Natatawa kami habang tinitignan ang dalawa na pumasok sa loob ng cr. Nang makapasok sila ay nagkatinginan kaming mga naiwan. Naka-tip toe na lumabas kami. Pagkatapos ay pinatay namin ang ilaw. Nang makalabas kami ay nag-stay muna kami sa pinto at iniintay sila Ice na lumabas galing comfort room.
1, 2, 3, 4, 5...
"AHHHHH!" Sabay na sigaw nung dalawa.
Nagsitakbuhan na kami at nagkahiwa-hiwalay. Naramdaman ko na may humila sakin. Si Warren. Nakarating kami sa rooftop." Grabe." natatawang sabi ko. "Ang duwag talaga ng mga ‘yon."
"Sinabi mo pa." Hinihingal pero natatawang ding sabi ni Warren.
Hinihingal na umupo kami sa bench doon. Pinatong ko ang hita ko kay Warren. "Alam mo namimihasa ka na talagang gawin akong tuntungan." Sabi niya na ikinatawa ko naman. "Nagrereklamo ka na ba niyang lagay na ‘yan?"
"Hindi naman." He smiled.
"WARREN!"
"What? Sophia, kailan ka ba matututong tawagin akong kuya?"
"Never. Anyway, ngumiti ka! Nakita ko ‘yon, ngumiti ka!" Masayang bulalas ko. Aba! Minsan lan ‘yon ‘no!
"Malamang. Anong akala mo sakin, robot?"
"Sometimes." Prenteng sagot ko naman. Tinignan lang niya ako pagkatapos ay binalik ang tingin sa kanina niya pang tinititigan na langit.
"Ano bang tinitignan mo diyan? Wala namang stars.” Usisa ko. Wala naman kasi talagang bituin ngayon.
"Don’t you think it’s calming?" sabi niya habang nakatingala sa mga bituin.
"No. Kasi walang stars." Sagot ko naman.
"Hindi naman ‘yon ang importante. Ang alam ko, hindi naman umaalis ang stars diyan. Minsan natatakpan lang sila ng ulap."
"Anong calming doon?"
"It’s like it’s telling you that even when it feels like there is no one else for you, you just need to look up in the sky and think about the fact na nandiyan lang siya lagi. Nasa likod lang siya ng mga ulap, kahit na hindi mo nakikita."
Napatitig ako kay Warren. "Bakit mukhang malungkot ka?"
"Hindi ako malungkot."
"You look sad."
"I'm not sad. Nag e-explain lang ako." Napangiti ako. Ang suplado talaga ng loves ko. Pero kahit ganyan ‘yan, love na love ko yan. Kahit na parang araw-araw naglilihi or nag p-PMS dahil pabago-bago ang mood swing.
"Sana bata nalang tayo ulit." sabi ko.
"Oo nga. Para hindi mo na ako pinagnanasaan."
Natawa naman ako doon sa sinabi niya. "Kahit noon pa man pinagnanasaan na kita."
"Inosente pa ‘yon. Hindi katulad ngayon."
"Oo nga. Na hawakan mo nga ‘yung—"
"SOPHIA!"
"Ginawa mo pang switch ng ilaw—" napatigil ako sa sasabihin ko. Wow. Kung ganto lang ang paraan lagi ng pangpapatahimik. Siguro never na akong mag-iingay.
A kiss.
Napatitig ako kay Warren nang maghiwalay ang labi namin. "I-I was just shutting you up, b-baka may makarinig."nauutal na paliwang ni Warren.
"Come on, you love my lips aminin mo na." Tukso ko naman sa kanya. Natawa ako nang hindi siya sumagot at tumayo nalang. Naglakad siya paalis. Narinig ko siyang bumulong.
"What?" Tanong ko.
"Maha—na kita sana ..kaso—....ka." Mahina at hindi ko maintindihang bulong ni Warren.
“Ha?”
"Wala! Sabi ko maganda ka na sana ang kaso bingi ka!"
Mali na naman ang pandinig ko. Akala ko kasi sinabi niya, 'Mahal na kita sana' kaso bingi ka’