Chapter 9

411 Words
CHAPTER 9 *****************  "Sa tingin mo hindi sila mahihirapan sa ginagawa nila na ‘yan? Bakit hindi na lang niya kasi sabihin sa kaniya?"   "Matagal na ‘tong itinago at ‘yon ang kagustuhan niya."   "Nasasaktan lang sila pareho."   "Wala tayong magagawa. We could only trust fate... and what it want to lead them to. Sa ngayon mabuti na ’yon, mas mabuti nang wala siyang alam."   "Siya naman ang mapapahamak?"   "Would you risk two lives or one? Trust...that's what we need to do. They can handle it." *****************      Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o ano. Basta may narinig akong nag-uusap...bago ito pinutol ng naaalarmang boses ni Warren na tinatawag ang pansin ng mga tao para gamutin ako.   "Sophie? Sophie? Wake up! Damn it! Sinabi ko na kasi sa’yong mag-iingat ka. Hindi ka kasi nakikinig sa’kin. Don’t you dare leave me! Hindi kita mapapatawad—"   Si Warren? Nagmulat ako ng mga mata. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa clinic ako at nandoon din si Tito Adrian pati na ang parents namin ni Warren. Sila ba ang naririnig kong nag-uusap kanina?   "Ah eh, hijo, saglit lang tumabi ka muna at hindi ko siya magamot at baka nga maubusan na ng dugo si Sophie—" Pag awat sa kanya ni Tito Adrian.   "Maubos ang dugo? SOPHIE! GUMISING KA SOPHIE!"   Napa-ngiwi ako nang bahagya sa lakas ng boses ni Warren. Naaalala ko tuloy nung bata pa kami nang pumunta kami sa isang falls pagkatapos ay tinawag ko siya habang nasa dulo ako. Ganiyang ganiyan ang pagkakasigaw niyan sa’kin eh.   "WAG KANG MAMATAY! HINDI PWEDE! Marami pa akong hindi nasasabi sayo! Masyado ka kasing nagmamadali. Hindi ba pwedeng mag intay ka muna kasi?!" Sigaw ulit ni Warren.   "Warren, hindi ko magagamot si Sophie kung nakaharang ka. At hindi siya mamamatay dahil na daplisan siya." Pagpapakalma sa kanya ni Tito Adrian.   "Pero hinimatay siya. Baka tumalsik pabalik iyong bala at tinamaan siya sa puso!"   "Hindi ko talaga gawaing manuntok lalo na at anak ng boss ko dati pero kapag hindi ka tumahimik patutulugin talaga kita."   May narinig akong natawa. Si mommy ata. "Pero Tito Adrian!"   "Hindi nga siya mamamatay dahil daplis lang. Hinimatay lang siya dahil sa sakit ng tama."   "Baka nga po tumalsik tapos tinamaan siya sa puso, pagkatapos sa lungs, sa kidney sa—"   "Warren, hindi umiikot ang bala sa katawan kapag tinamaan ka."   "Pano kung na butas ng bala ang skull niya—"   Napadilat ako ng biglang may kumalabog. Kasalukuyang tulog na si Warren sa sahig at si Tito Adrian ay hinihilot ang kamay niya.   "Wow Tito, magaling ka pala manuntok?" sabi ko.   "Minsan kapag kailangan. Mana ata sa tatay niya ‘tong batang ‘to. Hindi pa lang nagre-resurface masyado."   "I agree."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD