CHAPTER 8
Nandito ako ngayon sa dining hall. Trip kong mag food trip since wala naman akong ginagawa. Pero mamaya meron na since may bago na naman akong mission.
"Oy Ate pahingi!"
Umupo si Autumn sa harap ko na may dala ding pagkain. Kumuha ako sa tray niya at kinain at ganon din siya sa pagkain ko. Sunod-sunod ang kain namin na parang wala nang bukas. Napahinto lang ako nang huminto si Autumn bigla at may tinitignan. Si...Wynd? Nangunot ang noo ko. What's happening to the world?
Tinignan ko ulit si Autumn na nakatingin parin kay Wynd na may dalang attaché case at naka-three piece suit pa at mukhang kagagaling lang sa office. Umupo siya sa isang upuan at pagkatapos ay tuloy lang ang pagkikipag-usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya.
Kinuha ko ang ubas na nasa plato ko at ibinato kay Autumn. "Ano ba, pre? Kahapon ka pa namamato."
"Hindi kita maintindihan Autumn, sino ba talaga ang gusto mo? Si Wynd o si Re—"
"SHHHH!"
"Whatever. Sino nga?"
"Alam mo naman kung sino eh."
"Eh bakit nakatingin ka kay Wynd?"
"Hindi ako nakatingin sa kaniya."
"Weh?”
"Hindi nga sabi."
"Weh? Nakita kita eh."
Nilukutan niya ako ng ilong at hindi na nagsalita. Ako naman ay ganun na lang din ang ginawa since busy ako sa pagkain nitong happy birthday.
"Parang gusto ko ng ice cream." sabi ni Autumn.
"Tama. ‘Yan ang pagkain ng bigo."
"Ewan ko sayo. Saglit nga kukuha muna ako."
"Oy kuha mo din ako!" Nag lakad na siya paalis.
Sunod-sunod kong sinubo ang happy birthday nang biglang nag-ring ang BH Phone ko. Nakasimangot na kinuha ko iyon sa bulsa ko at sinagot.
"Hewo?"
"Sophia, ang mission mo." sabi ni Rain na nasa kabilang linya.
Yup. Mission ko lang. Since may inaasahang mission si Warren na dadating ngayon kaya hindi siya makaalis kaagad. "Okaypupuntanaakodiyan."
"Ha?" Kahit ako hindi ko naintindihan ang sarili ko. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "Ang sabi ko, okay pupunta na ako diyan."
"Okay."
Tumayo na ako. Nilapitan ko si Autumn na may dalang dalawang cone ng ice cream inabot ko iyong isang hawak niya."Saan ka pupunta?" Tanong ni Autumn.
"May mission ako."
"Ikaw lang?"
"Oo. May iniintay daw si Warren na isa pang mission kaya hindi daw siya maka-alis."
"Sama ko."
"Di pwede."
"Sige na." pamimilit ni Autumn. Bumuntong hininga ako pagkatapos ay tumango. Sabay na naglakad na kami papunta sa office ni Warren habang kumakain ng ice cream. Naabutan namin siya doon na kasalukuyang may ginagawa sa latop niya.
"Hey, loves." Pambungad ko.
"Bakit kasama si Autumn?"
"Gusto daw niyang sumama sa mission."
Nag peace sign si Autumn. Nagkibit balikat lang si Warren. Madali lang ang mission namin ngayon. Kailangan lang namin hulihin sa akto si Chester Ford, isang batang batang negosyante na naging mabilis ang pag-unlad.
His business is about Powder, tissue paper and pencils. Hindi ko lang alam kung anong connection ng powder at tissue sa pencil. Anyway, kailangan lang namin makakuha ng ebidensya na may ginagawa siyang kakaiba sa factory niya katulad ng sabi sa source namin.
Kinuha namin ni Autumn iyong file at sabay naming binasa."Aba masaya ‘to."
"Right. Madali lang. Wala nang emplayado sa gabi, of course maliban sa 15 na guards. Sa tingin mo bakit?"
"May tinatago sila."
"At ‘yon ang aalamin natin." Nag-apir na naman kami.
Nilingon ko si Warren na nakatingin lang sa’min. Mukhang nagbabago na ang isip niya na pasamahin si Autumn at siya na lang ang sasama. Dahil kung ako pasaway sa mission, mas lalo naman si Autumn,
"Sige, bye na." Nginitian ko si Warren. Mukhang may sasabihin pa sana siya pero hinila ko na si Autumn palabas. Naghiwalay lang kami ng magpapalit na kami ng damit. At dahil gabi na, naka-suit kami. Chameleon black suit to be exact.
Nag tuloy-tuloy ako sa lab nila Rain dahil doon kami magkikita ni Autumn. Naabutan ko siya doin na naka-suot din ng suit pero nakasuot parin ng bull cap. "Hindi pwede ang bull cap."
"Pwede ‘yan."
"Psh! Bahala ka." Ngumiti lang siya.
Kinuha ko ang Strike gun at kinabit sa holster sa may hita ko, sa kabila naman ay iyong Mist. Tapos sinuot ko ang Vision lenses. Si Autumn naman namili narin ng kaniya. Kumuha siya ng dalawang ordinary na sharp knives. Tapos kumuha din siya ng Vision at Strike gun.
"Bantayan mo si Autumn, Sophie. Mapapatay tayo ni Tito Ethan kapag may nangyari diyan" paalala sakin ni Rain.
"I know."
"And si Warren daw muna ang magbabantay sa inyo habang iniintay niya ang mission na dadating."
Good. Para inspired ako.
Nagpaalam na kami ni Autumn kila Rain at tumuloy na kami sa parking. "Gamitin na lang natin ang kotse ko."Alok ni Autumn. Tumango ako. Mas maganda na iyon since wala sa kondisyon ang Bugatti Veyron Super Sport ko.
"My henny, I miss you!" niyakap pa ni Autumn ang hood ng sasakyan niya.
Ang weird ‘no? Pero sabagay, kahit ako may pangalan din ang Bugatti ko. Si Bratz. Sige kami na weird.
Si Autumn ang nagdrive of course. Nanlaki ‘yung mga mata ko nang pina-andar iyon ni Autumn. "Hindi ka naman masyadong nagmamadali niyan?"
"Come on, I know you hate driving slow too."
Tama. Halos lahat naman ata kami.
"Sa tingin mo Fall, ano’ng connect ng powder at tissue sa pencil?"
"Hindi ko din alam. Baka alien yung si... sino ba ‘yon? Si Chestnut?"
Natawa ako sa kanya. "Chester." Pagtatama ko.
"Whatever." Narinig kong natatawa si Kael at Rain na naririnig namin sa listening device. Chestnut daw.
Nang makarating kami doon sa factory ay pinark namin ‘yon sa labas. Napailing pa ako ng makita ko gamit ng Vision na maraming gwardiya sa loob.
"Uy, paano tayo papasok? Patulugin natin ang mga iyan?" Takang tanong ni Autumn.
"Tatagal pa eh. Akyatin na lang natin ang pader."
"Ang taas niyan eh. Hindi tayo nakapagdala ng sticky."
Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng kotse. Pagkatapos ay isinampa ko iyon sa gutter ng kalsada at inilapit ko doon sa pader. Pagkatapos ay lumabas na ako.
"Tapos?"
"Sasampa tayo sa sasakyan."
"Hindi abot."
"Bubuhatin mo ako."
"Ano?!"
"Mas magaan ako kesa sayo." Nakasimangot na tumango siya. Konti na lang naman abot ko na iyong pader. Nag-squat si Autumn habang nasa harap niya ang dalawang kamay. Nang makaapak ako doon ay tinulak niya ako pataas. Luckily, naabot ko iyong taas ng pader. I just need to hoist myself up na ginawa ko naman. I gritted my teeth then I pulled myself up.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Rain.
"Umaakyat sa pader. Wala kaming dalang sticky."
Inabot ko iyong kamay ko kay Autumn, pagkatapos ay hinila ko siya pataas.
"Aray! Ilang kabang kanin ba ang kinakain mo Fall?" Tanong ko kay Autumn.
"I dun't kip tabs." sagot niya na iniba pa ang too ng boses niya.
Palibahasa nag i-stay lang ang katawan ni Autumn kahit anong gawin niyang kain. Sa totoo lang, sexy ‘yang si Autumn. Hindi katulad ng ibang babae n a 'Anorexic beauty'
Halos lahat ata ng BHO girls walang pakialam sa timbang. Though si Wynter meron dahil model siya. Pero hindi siya payat tulad ng ibang modelo. Hindi kaya magandang tignan ‘pag wala nang kalaman-laman. Ako naman natural na petite.
Napahinga ako nang maluwag ng maiakyat ko na siya.
"Bakit kayo nagpapakahirap?" tanong ni Rain sa kabila ng LD.
"Alangan namang sa mismong pintuan kami pumasok."
"Actually, may dala kayong Rapel 101. If I'm not mistaken nandiyan iyon nakakabit sa gilid ng suit niyo."
Napahawak kami sa gilid ng suit namin. Meron nga."Damn it."
Nagkibit balikat ako. Past is past ika nga. Kinabit ko na lang iyong rappel cord dahil kailangan naming bumaba Tinanggal ko lang ‘yon nang makababa na kami at ikinabit ko ulit ‘yon sa suit ko.
Tumakba na kami papunta sa main na factory. You can’t hear our footsteps kahit na mag-focus ka pa. It's like the whisper of the wind. Hindi din namin alintana na madilim na at konti lang ang ilaw. Una dahil suot namin iyong Vision. Pangalawa sanay kami sa dilim dahil sa training namin sa BHO.
"So hahanapin lang natin si Chestnut?"
"No, kahit wala siya."
"Ang sabi sa file, kailangan hulihin sa akto."
"But what’s important is the evidence. Kahit anong ebidensya na makikita natin na nagsasabi na may illegal drugs diyan sa loob." Tumango si Autumn sa sinabi ko.
Nang makarating kami sa mismong factory ay naghanap kami ng entry. Nang makita namin na may parating na guard ay in-on ko ang mask ko at dumikit sa wall, ganoon din ang ginawa ni Autumn. Buti na lang na cover pa ng hood at ng mask iyong bull cap niya. Nang makalagpas na sila ay umayos kami ng tayo.
"Not good. Wala tayong ibang madadaanan." Wika ni Autumn habang nag masid-masid sa paligid. Umatras ako at tinignan ang factory.
We can go up to the roof then enter through the huge chimney. Delikado lang dahil hindi namin alam ang babagsakan namin. Tumingin ako sa baba ng factory.
Air vent
"Thunder?”
"Yes?"
"Saan nag le-lead ang air vent dito?”
"Wait, titignan ko." Nag-intay ako ng ilang saglit. Maya-maya may nagsalita, a different voice. But a very familiar one. Warren.
"Nasa baba lang din ang lusutan ng air vent. Be careful. May mga guard pa sa loob. Sampu lang ang nasa labas, may lima sa loob." Paliwanag ni Warren.
"Got it, My loves."
"France, be careful."
"Syempre, mag-aalala ka sakin eh."
"You’re my sister."
Naka-pout na binuksan ko ang air vent at pumasok. Nakasunod pa sakin si Autumn na ngayon ay nakababa na naman ang mask at kasalukuyang kumakanta ng kung ano-ano.
"When the time comes, forget the wrong that i've done, na na na na na na reason to be missed! Don’t resent me, and when you’re feeling empty, keep me in your memory, leave out all the rest."
"Baliw."
"She was a girl, he was a boy, can I make it any more obvious?"
"He was a punk, she did ballet, what more can I explain?" Dugtong ko naman sa kanta niya. Nag he-head bang pa kami habang gumagapang.
Narinig ko sa listening device si Warren na napabuntong hininga na lang sa ginagawa naming dalawa ni Autumn na pagkanta ng salit-salitan sa 'Leave out all the rest' at ‘Skater boy'.
Huminto ako. "Aray! Yuck! Kailangan lang face to face kami ng puwit mo?" Reklamo ni Autumn nang bigla akong huminto.
"Masyado ka kasing malapit. ‘Di bale, maganda naman ‘yan. Kasing ganda ko."
"Psh! Saan ka kaya nagmana ng kayabangan?"
"Malay ko. Ikaw, saan ka nagmana?"
"Malay ko din.” O ‘di ba. Baliw lang talaga. Alam ko na. Namana namin lahat ng kabaliwan ng mga original elites.
Lumabas na kami. Naabutan namin doon ang dalawang guard na kasalukuyang naglalaro ng chess. ‘Yung iba baka nasa taas.
"Diyan ka na lang. Kukunin ko lang ang makukuha ko." Tumakbo na ako paakyat sa second floor. Naabutan ko iyong tatlong guard na may inaayos na mga kahon. May iba na maliliit lang. Kumuha ako ng tatlo at inalog ko isa-isa. May tunog na malakas. Meaning iyong powder. May mahina ibig sabihin tissue at matunong, ang pencils.
Tinali ko ang tatlong box pagkatapos ay sinukbit ko sa likod ko. Magaan lang naman. Bumalik ako sa baba at nakita ko si Autumn na nakapalumbaba pa na nasa likod ng isang lalake at nakikitingin sa chess tapos umiiling-iling pa. Tumakbo ako palapit sa kaniya at hinila ko siya papasok sa air vent.
"Sira ka talaga."
"Ang engots ng lalaking ‘yon, hindi marunong sa chess." Binatukan ko siya at nagpatuloy na ako sa paggapang. Nang makalabas kami ay mabilis kaming tumakbo. Ang kaso...
"Merong tao!"
Nakita kami sa taas. Anak ng tupa naman! Nagmamadaling itinulak ko si Autumn. Nang makarating kami sa wall kung saan kami umakyat ay kinabit ko ulit iyong rapel 101. Pinauna ko na si Autumn.
"Ikaw na." Pagpapauna sa’kin ni Autumn.
"Ikaw na dali."
"Ikaw na."
"FALL! MAPAPATAY AKO NG TATAY MO KAPAG MAY NANGYARI SAYO!" Nakasimangot na sumunod na siya at umakyat. Napatingin ako sa likod ko nang maramdaman ko ang humahagibis na bala sa gilid ng tenga ko . Napatingin ako kay Autumn nang may isang lalaking tumumba. Tinamaan ng kutsilyo na dala niya Kinuha ko narin ang Strike gun ko at nag paputok. s**t! Napasinghap ako.
"France! Halika na dali."
Ipinilig ko ang ulo ko. Pagkatapos ay umakyat na ako. Napasinghap na naman ako nang nakababa na kami. Nagmamadling kinuha ko ang rapel 101 at pumasok na kami sa sasakyan.
Relax, Sophie. Inhale, exhale. "Dalian mong mag drive." Utos ko kay Autumn.
"Opo."
Tinanggal ko na iyong listening device sa tenga ko at inilagay sa maliit na box. Pagkatapos ay umayos na ako ng upo.
Nang makarating kami sa HQ ay hindi ko na inintay si Autumn at nagmamadaling bumaba na ako. Pagpasok ko sa loob, nakasalubong ko si Warren. "Ayos ka lang? Si Autumn?" Tanong sa’kin ni Warren.
"I'm fine. Nasaan si mommy?"
"Nasa clinic. Halika muna sa lab nila Rain, debriefing muna—"
"Pupunta muna ako kay mommy."
"Sophie—damn it! Sophie!"
Hindi na ako nakasagot. Naramdaman ko na sinalo ako ni Warren bago pa ako matumba at tumama sa sahig. I was shot.
"Sophie!"
Hey, whatever. If I'm going to die anyway, at least mukha ni Warren ang huli kong nakita.