Chapter 2

1109 Words
CHAPTER 2 Nangingiti ako habang inosenteng kumakain ng ice cream sa office ni Warren. Kasalukuyan siyang nagpapabalik balik sa paglalakad habang nasa kabilang sofa si daddy poseidon at mommy bree na mukang nahihirapan mag focus sa kaniya dahil busy sila sa pag lalambingan.   "Listen dad! Mom! You really need to lock Sophie at the infinity room. Wala na siyang ginawa kundi guluhin ang love life ko. Wala na kong tumatagal na girlfriend. I don't want to be celibate!"   Napatawa ako ng mahina pero kaagad ko ding inayos ang muka ko dahil binigyan ako ng matalim na tingin ni Warren. Sila mommy din umayos na dahil mukang nauubusan na ng pasensya si Warren samin.   "We can't do that. Gagawin mo yon sa kapatid mo?"   "Whatever mom. Pero can't we just lock her on some far far away land?"   Suminit ako sa usapan habang nakatingin sa nakapilantic kong kamay. Mukhang kailangan ko ng magpaayos mamaya. "Sige. Pero gusto ko sa neverland. So Warren..."   "What?"   "Can you be my peter pan?"   Nag 'ayie' sila mommy at daddy. Si Warren naman mas lalong nangunot ang noo. Sus, mamaya lang niyan bati na kami ulit. Hindi naman ako matitiis niyan.   "Be serious Sophie. You can't keep on interrupting my dates and messing with my girlfriends. Paano ako makakapag asawa niyan?"   "Madali lang yan. The best solution is to marry me. Dali di ba?"   "You're out of the list."   "Why?"   "Cause your my sister."   Napasimangot na lang ako. Lumang tugtugin na yan. Yes, we grew up together, mag kasama sa iisang bahay, mag kalaro ng maliliit pa kami, nag aral sa iisang school at sa iisang university pero I'm not his sister. Duh? Hindi kami magkaano-ano.   I'm not even carrying their surname. "I'm not your sister and you're engaged to me."   "No."   "Sinabi ko na sayo dati, engaged ka na sa akin four years old pa lang ako. And a promise is a promise, right mom?"   Tumango si mommy at ngumiti. Si Warren naman ay pabagsak na napa upo sa tabi ko t dahil natural na sakin ang pagiging pilya ay nakangiti na itinaas ko ang mga paa ko at ipinatong sa kandungan niya. Inalis niya iyon pero binalik ko lang ulit.   Napangiti ako ng mapatingin siya sa legs ko na kitang kita dahil umakyat ang maikling skirt na suot ko.   "Ano ba naman yan Sophia? Ang ikli-ikli ng suot mo. Kung ganiyan lang susuotin mo wag ka na lang mag damit."   "Okay. Sabi mo yan ha?"   Namutla siya. Last time kasi he said na iklian ko pa yung suot ko. Sarcastic siya of course. Pero dahil pasaway ako mas kinontian ko nga ang suot ko. Naka bikini top at maong shorts lang ako buong araw.   "Forget that I said that."   "Ano ba talaga ang problema? Ayusin na nati at ng makapaglambingan na kami ng mapayapa ng mommy ninyo."   "Si Sophie dad! Lagi niyang ginugulo ang date ko. At ang mga girlfriend ko dahil sa kaniya na kikipagbreak ka-agad sakin."   "Kung matino kasi iyang mga nagiging girlfriend mo baka wala ka ng problema." Napalingon si daddy sa akin at napangiwi. "On the other hand wag ka na kasing maghanap sa malao, anak."   "I don't want to be celibate."   "O eh nandito naman ako."   "Sophia!" magkasabay na saway sa akin ni mommy at daddy.   Natawa ako. "Joke lang po!"   Maya-maya lang ay nag paalam na sila mommy at daddy. Si warren naman ay nanatili lang sa kinauupuan niya dahil hindi siya makaalis."Pwede na ba akong tumayo?"   Nakangiting umiling ako. "No."   Sumimangot siya at tinulak ang mga paa ko. Palabas na sana siya pero tumili ako habang hawak-hawak ang paa ko na kunway nasaktan.   And as expected, patakbong lumapit sakin si Warren. "W-What happened?"   "Nagtatanong ka pa? Naipitan ako ng ugat! Tulak ka kasi ng tulak!"   "Ha? Halika dadalin kita kay mommy-"   "No. Gutom na ko. Ayos din naman to mamaya. Basta gusto kong kumain!"   "Dadalan na lang kita."   "Ayoko. Gusto ko dining hall!"   "Eh pano..."   "Kargahin mo ko."   Aangal pa sana siya pero pinanlakihan ko siya ng mga mata. Bumuntong-hininga na lang siya at kinarga ako palabas ng room habang ako naman ay lihim na napapangiti. Napapatingin samin lahat ng nakakasalubong namin. Meron pang iba na nag ta-thumbs up pa ng makita ako.   "What are you doing?"   "Nothing."   "You're sniffing me."   "Bango eh."   Napailing nalang siya at bahagyang nilayo ako sa katawan niya pero kumapit lang ako sa balikat niya at ipinulupot don ang braso ko.   "Oy,oy ano yan?"   Nginitian ko si Hurricane na nakaupo sa isang pwesto kasama si Reese habang ang mga babies nila ay nasa gigantic stroller nila at puro tulog. Pati si wynter at rain ay nandon kasama ang babies nila.   Inupo ako ni Warren sa pwesto nila Hurricane tapos aalis na sana pero hinila ko sng damit niya.   "San ka pupunta?"   "Kukuha ng pagkain mo."   Hinayaan ko na lang siyang umalis habang kinikilig na napapangiti ako. Natatawang napailing si Hurricane. "Malala ka na Sophie. Para iyon lang kinikilig ka na?"   "Wag ka nang eksena diyan. Hayaan mo na ako sa love life ko."   "Na wala naman in the first place.   "Ugh! Reese itali mo nga to sa puno!"   "Ayaw."   "That's why I love you so much honey."   "I love you too."   Pag untugin ko kaya ang mag asawang to? Nang iinggit lang? "Wag nga kayo ditong mag tukaan. Maymga batang present o."   "Hindi pa naman nila alam yan." katwiran ni Reese.   "At tulog sila." sabi ni Hurricane.   "At sila hindi pa polluted ang utak."si Rain naman iyan. Syempre dinugtungan ng asawa niya. "Oo nga, hindi katulad sayo."   Simangot na simangot ako pero kaagad na nawala iyon ng makita ko si Warren na hindi mag kandadala sa tray na hawak niya dahil puno ng pagkain. Lumapit siya samin at inilagay sa tapat ko ang tray.   "Hindi ko mauubos lahat yan saka diet ako."   "Akin yung iba diyan at saka diet? Tignan mo nga mukha ka ng saranggola. Hindi ko maintindihan sa inyong mga babae kung bakit kailangan "   "Opo na po."   Kumuha ako ng pagkain at sunod sunod na sumubo. Pagkatapos ay paminsan minsan ay tinitignan ko si warren na tahimik na kumakain. Nang maubos na ang pasensya niya ay tumingin siya sakin.   "What?"   "Ang gwapo mo talaga!"   "Alam ko."   "Pero may alam ako na hindi mo alam." sabi ko sa kaniya.   "Ano yon?"   "Gusto mo talagang malaman?"   "Ano nga ?"   "Kiss muna tapos sasabihin ko sayo."   Sumimangot lang siya pagkatapos ay binalik na ang paningin sa kinakain niya. Pero dahil makulit ako kinalabit ko siya hanggang tumingin siya sa akin ulit. "What?"   "Dali na. Isang kiss lang, sasabihin ko sayo-"   Napuol ang sasabihin ko ng bigla siyang dumukwang at hinalikan ako. Sa noo. Anong akala niya sa akin, lola? bigla kasi siyang dumukwang.   "Ano ba namang kiss yan! Wala mang pagnanasa? Isa pa nga ulit."   "Wala ka naman kasing sinabi kung anong halik."   "Whatever."   "Ano na yung sasabihin mo?"   Napangisi ako ng may maisip na naman ako. "Sasabihin ko lang sana na..."   "What?" kunot na kunot ang noo na tanong niya ng bigla kong pinutol ang sasabihin ko na parang isa akong telepono at nawlan ng signal.   "Depende kasi sa kiss yan, kumabaga parang load. At dahil sa noo mo lang ako hinalikan, hindi ko din makukumpleto ang sasabihin ko sayo dahil kaunti lang ng load mo."   "SOPHIA!"   Napahagikhik ako habang yung mga kasama namin sa lamesa ay natatawa na lang sa ginagawa ko. Pagdating talaga sakin nawawalan ng pasensya si Warren.   "Ikaw naman. Para kang matimtimang virgin. Samantalang nahawakan mo na nga-"   "SOPHIA CARINA COLE!"   "Fine. I won't say anything."   Wala pa naman akong balak ipagkalat iyon. Nagagamit ko pa na pangblock mail sa kaniya eh. Next time na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD