CHAPTER 3
Palingon lingon ako sa hallway dahil baka may makakita na naman sakin at isumbong ako kaila daddy at mommy. May mission kasi kami mamayang madaling araw kaya may dalawang oras pa kaming matulog. Pero dahil katutulog ko lang kanina kaya hyper pa ako ngayon.
Pinasadahan ko ng tingin yung suot ko na parang pang harem na outfit. May nakatabing pa sa muka ko ng bahagya though wa epek din dahil kitang kita naman ang mukha ko.
Nakangiting tumakbo na ako ng mabilis. Nang nasa tapat na ako ng kwarto na pakay ko ay pinindot ko na ang password na duda ako kung yon parin. Gaya ng inaasahan ko ay iba na iyon. Kinuha ko ang BH Phone ko at pinag pipindot ko iyon ng ilang sandali hanggang makapasok ako sa surveillance room. Nang nag appear ang mga videos sa surveillance room ay hinanap ko yung mga ilang minutes bago ako nakarating dito. Ini-zoom ko iyon at kitang kita don ang combination na ginamit ni...Warren.
Pinindot ko na lahat ng nakita kong pinindot niya. Napangiti ako ng makarinig ako ng mahinang click. "Yes!"
Nagmamadaling pumasok ako sa loob at hinayaang naka patay ang ilaw. Bahala na si batman, kita ko pa naman ang dinadaanan ko. Sinalang ko sa maliit na stereo yang CD na dala ko pagkatapos ay binuksan ko ang dalawang lamp shade na parehong naka dim.
Kiniliti ko si Warren sa paa habang sumasayaw sayaw ako. Nang hindi magising ay tumalon ako sa kama.
Dahan-dahan akong gumapang papunta kay Warren na ngayon ay kumukurap na habang nakatitig sakin na parang iniisip kung totoo ba ang nakikita niya. Iba ata ang pumasok sa isip niya dahil bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas.
Napahagalpak ako ng tawa. "Damn! Best reaction ever warren."
"Sophia! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?"
"Nag be-belly dancing."
"Not again."
Ngumisi lang ako. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pag gapang habang si Warren ay hinihila ang kumot niya papunta sa katawan niya na parang re-reypin ko siya. Sabagay, pwede.
"Stop being weird. I just want to sleep." sabi ko.
"May sarili kang kwarto."
"Gusto ko dito."
"Hindi nga-"
Napatakip ako sa tenga ko. Kahit kailan talaga ang lakas parin tumunog ng alarm clock ni warren. Mahirap kasi siyang gisingin.
"Naman!"
"Pahamak ka talaga. Sana nakatulog pa ako." sabi niya.
"Whatever. Dalian mo na."
Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko. Madali lang naman ang mission namin ngayon, kailangan lang namin makuha ang isang ancient gold clamp na pag aari pa ng kanunununuan ng mga Segismundo. Kumbaga nanakawin namin ang isang bagay na ninakaw din.We need to get it and bring them to their rightful owner.
Madali lang kasi kukunin lang naman namin tapos aalis na kami. Si daddy lang naman ang makulit kaya pinapasama pa niya si warren sa lahat ng mission na pinupuntahan ko. Dapat nga si summer ang pinababantayan niya.
Ang kaso ang sabi niya sa akin si Summer daw masunurin, ako hindi at kadalasan ako din ang napapahamak kapag hindi ako sumusunod sa mga utos sakin.
Nang matapos akong mag bihis ng pang party na dress ay inilugay ko na ang buhok ko at lumabas. Nagtungo ako sa parking lot ng headquarters kung saan naabutan ko si Warren na kasalukuyang nasa driver's seat na. Wala kaming eyes sa ngayon dahil busy sila Rain kaya si Warren muna ang look out ko. O ako nag magiging look out niya?
"Sinong magbabantay?" tanong ko.
"Ikaw."
"No way."
"Ikaw nga."
"Toss coin na lang."
Napabuntong hininga siya. Kailan pa ba naman kasi siya nanalo sa toss coin sa akin? Kadalasan kasi natatalo ko siya kasi nandadaya ako. Hinagis ko yung coin na inabot niya sakin. Sa pagkagulat ko ay hindi umayon sa akin ngayon ang kapalaran.
Tinignan ko si warren na ngayon ay naka ngisi na at mukang proud na proud sa sarili niyaa. Kung hindi lang kita mahal baka sinagasaan na kita.
"Fine, fine. Wala din namang masyadong thrill."
Nag kibit-balikat siya, obviously masaya parin dahil nanalo siya sa toss coin namin.
"Here, we are."
Pinarada na niya ang sasakyan pagkatapos ay bumaba na kami. Nag lakad na kami papasok at doon namin na abutan na marami na palang taong nauna. Mga party people.
"Hiwalay tayo."
Bago pa ako makasagot ay umalis na siya. Fine...tignan ko lang kung makuha niya ang clamp. Sa pagkakaalam ko nasa 30's na yung babaing nag panakaw non na si Plina. May nakakabata siyang kapatid na si Harryson na nasa late twenties nito. Para sa akin mas madling imanipulate ang lalaki kesa sa babae. Pero dahil talo ako sa toss coin hahayaan ko muna siya.
Nakita kong pasimpleng lumapit si warren kay Plina na mukhang walang balak pansinin siya. Which is new dahil halos mag kandarapa lahat ng kababaihan kay Warren.
Hindi magtatagumpay si warren dito kaya we need a back up plan. Inikot ko ang paningin ko hanggang makita ko ang hinahanap ko. Pasimple na pinatay k ang mic para hindi ako marinig ni warren kapag nag salita ako.
Kumuha ako ng champagne sa waiter habang hindi inaalis ang tingin sa isang lalaki di kalayuan sa kinatatayuan ko. I licked the rim of the glass. I have his attention now. Harryson.
Hindi ako lumapit sa kaniya at nag tuloy-tuloy lang ako sa isang upuan at dumikwatro habang patuloy na sumisimsim sa champagne na hawak ko. Hindi ko siya nilingon ng maramdaman ko na umupo siya sa tabi ko.
"Enjoying yourself, beautiful?"
I finally look at him and smiled. Pinigilan kong matawa kasi naririnig kong napapamura sa kabilang listening device si Warren dahil pinalayas siya ni Plina sa harap nito.
"Yes...very much."
"I can hear a but."
"Medyo sumasakit na kasi ang ulo ko sa ingay. I to go to a quiet place."
Pinigilan ko ang sarili ko na sampalin si Harryson ng dumapo ang kamay niya sa hita ko pagkatapos ay dumikit ang mga labi sa likod ng tenga ako. Kinalma ko ang sarili ko at binuksan na ang sarili kong micro mic. Mukhang nakita narin naman ako ni Warren.
"I know a quiet place.."
"It would really make me happy kung dadalin mo ako don. I'll surely repay you, not with money but maybe something you would really like."
Tumayo na kami at lumiko sa isang pasilyo. Nang makarating kami don ay may hagdanan kaming inakyatan. Palingon-lingon ako at tinitignan kung sakaling nasa tabi tabi lang nilagay ang clamp. Papasok na sana kami sa isang kwarto kaso hindi mabuksan iyon.
"Ooops, lagi nga palang sarado yan."
"Why?"
"Ewan ko kay ate Plina. May tinatago daw siya diyan na galing sa isang lalaki na kinabitan niya dati."
"Mistress?"
"Yeh she doest need the money, ginawa niya lang yon for fun. Pero nainis ata siya at may kinuha."
"That's cool."
Tumawa siya pagkatapos ay hinila ako papunta sa kabilang kwarto. kaso hindi ako nag pahila at tumayo lang ako ron.
"Harryson."
"Yes-"
Bumulagta siya sa sahig ng tumama sa kaniya ang kamao ko. Bahagya kong sinipa ang kamay niya na nakahawak pa sa paa ko at pagkatapos ay pumunta ako sa tapat ng pintuan. May tinaggal akong pin na na nasa buhok ko at ginamit iyon para mabuksan ang pintuan.
Nagmamadaling pumasok ako sa loob at nag simulang mag hanap. Madali lang naman dahil kitang kita iyoon. Maingat na nilagay ko iyon sa isang pouch at inilagay sa shoulder bag na dala ko. Tatalikod na sana ako ng naki face-to-face ako sa isang malamig na baril.
Tanga naman nito. Ganon kalapit? Ang daling i-deflect. "Get that off my face."
"Ibalik mo sakin yan."
Plina. Nginitian ko siya. "Hindi naman tayo close kaya hindi ko to ibibigay sayo and its not yours in the first place."
"Sino ka ba?"
"Makasigaw wagas? Sino ako? Bagong mistress ng-"
Napasinghap ako ng biglang umigkas ang kamay niya at tumama iyon sa mukha ko."France? Anong nangyari? Hindi ko na nakita si Plina dahil dumiretso na ako dito sa likod. I can see you from here."
"I'm fine." sagot ko.
"Hindi ko tinatanong."
"Sinabi ko bang ikaw ang kausap ko?"
Susuntukin niya sana ako ulit pero napigilan ko na yung kamay niya this time. Itututok na naman niya sana yung baril pero mabilis na umigkas ang paa ko kaya tumilapon kung saan yon.
"Bitawan mo ko!"
"Ano ako sira? Eh di sinuntok mo na naman ako. Tell you what old maid mas malakas akong sumuntok kaya kung ayaw mong maranasan ang suntok ko pababayaan mo akong makaalis."
"Over my dead body-"
"Okay."
Nag bow pa ako at bigla ko na lang siyang sinuntok. Bumagsak siya sa harapan ko ng wala ng malay.
Napatingin ako sa pintuan ng may naririnig akong paparating na yabag. Sumilip ako sa pinto at napa 'yikes' ng makita kong may limang guwardiya na paakyat at nawawala narin si Harryson na malamang ang tumawag ng gwardiya.
No choice. Sana lang hindi ako mabalian. Binuksan ko ang bintana at tumalon. Wag sanang may mabali sa buto ko . Second floor pa naman ang pinanggalingan ko. Pero bakit naman si Jacob Black ng twilight tumatalon sa bintana? Kaya ko din to!
"Hindi ka si Superman para tumalon na lang ng basta basta."
Dahan-dahan kong minulat yung mata ko. And there he is. My warren...sinalo ako.
"Lets get out of here." sabi niya
"Catch me, I'm falling for you!" Pinindot ko pa ang pisngi niya at pinagpatuloy ang pag kanta. Look, o, nangingiti siya.
Point for Sophie!