CHAPTER 4
Nangingiting nakatingin lang ako kay Warren habang naka patong ang mga paa ko sa dashboard ng kotse. Kasalukuyan siyang nag mamaktol at kanina pa reklamo ng reklamo habang nag da drive.
"Bakit kasi pati ako na damay? Hindi ko naman kasalanan na tumalon sa second floor ng bahay tong kutong lupa nato at hindi ko din kasalanan na hindi siya nakinig sakin na wag makialam at hindi ko kasalanan na hindi siya tumupad sa toss coin namin."
Kasalukuyan kaming papunta sa next mission namin at kaya nag rereklamo si warren dahil lower mission lang tong mission namin since iyon ang binigay ni daddy. Kahit kasi na si warren na ang pumalit kay daddy, kapag nakialam si daddy at may sinabi siya, syempre kailangan namin sumunod. Warren is not an exemption.
Napagalitan kasi kami ng malaman ni daddy yung tungkol sa pagtalon ko sa last mission. Ang katwiran ni warren ay may usapan na kami ang kaso hindi daw ako sumunod. Nag explain naman ako na nakita kong hindi mag wo-work out ang plan niya dahil unfortunately hindi tinablan ng charm niya si l Plina.
Kampi sakin si daddy since dapat ang mag partner daw ay nagtutulungan, kung hindi daw ako dinaya sa toss coin ni warren dapat ako ang unang kumilos at dahil ayaw niya akong pakilusin, i did something 'drastic'.
"Nang daya ka kasi."
"Kahit na. Ayoko ng lower mission."
"Beggars can't be choosers and cheaters never win daw."
"At bakit ikaw? Nangdadaya ka din ah."
"Favorite ako ni lucky angel, ikaw hindi."
Napangisi ako ng sumimangot siya. He looks like daddy kapag ganon ang ginagawa niya. Ang cute! Parang ang sarap niyang i-hug at i-kiss at...Maniac ka Sophie!
"Don't look at me."-warren
"I'm not."
Nang aktong lilingon siya sakin ay lumingon ako sa iba pagkatapos ay lumingon ako sa kaniya. "Ikaw ang nakatingin sakin eh."
"I'm not!"
"Yes you are."
"I'm not."
Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan papunta sa bahay ng mga Adams. Madali lang ang mission namin. Kailangan lang namin malaman kung sino ang pumatay kay Fin Adams. Actually may mga suspect na kami, his assistant, his close friend Olivia, his step daughter Haley, his wife and his daughter serene.
Out na sa suspect ang assistant niya since nakita siyang patay kinabukasan after nakitang patay si fin, a car accident. Ganon din sa close friend niyang si Olivia dahil natagpuan din siyang patay.
Matibay ang ebidensya laban sa asawa ni Fin na si Maricris dahil bigla na lang siyang nawala na parang bula dala-dala ang ilang alahas ng pag-aari ng dating asawa ni Fin. Si Haley at si Serene naman ay kasalukuyang nanatili sa dating bahay.
Anong ikinamatay ni Fin? Nasunog siya.
Paiimbistigahan sana namin ang bangkay kaso late na saming pinaimbestigahan to ni Serene. Siya kasi ang kumontak samin...she gave us all the details. Sabi ni Hurricane, wag daw kaming amg tiwala kay Serene dahil baka katulad lang daw siya ni Frances na anak ng isa sa mga mission nila dati. In the end kasi nalaman nila na si Frances ang pumatay sa sarili niyang ama.
Pero may hinala narin kami kay Haley since siya ang nag pa cremate kay Fin. Baka may gusto siyang itago na kung ano but still tama si Hurricane. We can't trust any of them. And we still need to find Maricris.
After an hour nakarating narin kami sa bahay ng mga Adams. Nang makababa kami ng sasakyan at pumunta kami sa main door ay sumalubong samin si Serene. Nakita kong napasinghap siya ng makita niya kami. Nakatitig siya sa amin, o mas tamang sabihin na kay Warren.
Nakasuot kami ng Fake Face pero pamatay parin ang gamit naming mukha."C-come in."
Pumasok na kami sa loob ni Warren. Naabutan namin don si Haley na mukang walang pakialam sa mundo. Busy siya sa kakalipat ng page ng magazine.
"H-Haley, sila ang mag iimbestiga."
Nangunot ang noo ko ng makita kong mas parang nag pa-panic si serene. Nanginginig ang mga kamay niya at mukang ayaw niya pa kaming papasukin sa loob. Para ngang gusto niyang sa labas na lang kami mag usap. She's definitely hiding something.
"San ba madalas nag iistay sa bahay na ito si Mr. Adams?" tanong ni Warren.
"S-Sa room niya." sagot ni Serene.
"May library ba sa bahay na to o office niya?"
"Y-Yes."
That doesn't make any sense. Ang isang katulad ni Fin na may bahay na may library, at isa pang businessman ay malamang mas nagiistay sa office niya kaysa sa kwarto nito. Nililigaw kami ni Serene. I'm sure of that.
"Doon muna kami mag hahanap."
"But..."
Hindi na namin siya pinansin ni Warren at nag tuloy-tuloy na kami sa library na madali lang naman hanapin kung saan. Hindi na kami nag abala na pumunta sa kwarto ni Fin dahil sigurado kaming nalinis na iyon.
Nang makapasok kami sa library ay kaagad naming sinarado ang pinto. "Something's wrong here." saad niya.
"I know. The way serene act and move, parang lagi siyang kinakabahan. Tama si Hurricane. We shouldn't trust her...or any of them."
"Magsimula na tayong maghanap."
Tumango ako. Hati kami sa library ng paghahanap. Hindi ko mapigilan na hindi pag masdan yung ibang gamit kasi ang ga-ganda. Lalo na yung isang table na square na ang ganda ng pagkakagawa. And the art, it looks fantastic..and weird. Parang gawa ng bata na ewan.
May pazigzag na arrow na design iyon na may siyam na pulang dots. Iisa lang ng dulo ng araw habang ang isa nito ay dot lang.
Maganda ang pag kakapaint though parang bagong pinta pa lang siya. "Professor si Fin bago siya nagkaroon ng business diba?" tanong ko.
"Yes."
Nakakita si Warren ng ilang crumpled paper na may sulat. May iba na tungkol sa problema ni Fin sa pamilya niya na hindi naman niya sinasabi kung ano. Marami kaming nakita na hindi naman nakatulong. Like few photos, video tapes, black cd's, a super big transparent laminated sheet na may word hunt, meaning maraming letters, a few notes, books na may mga sulat ni Fin and so much more.
Sa kakaikot namin hindi iilang beses na nag dikit kami ni Warren at ilang beses din siyang napa talon sa gulat at parang napapaso everytime na mag didikit kami.
"Ang kulit mo neptune."
Peptune is his agent name. "Hindi ako makulit."
"Makulit ka and you're so arte. Kanina ka pa igtad ng igtad diyan."
"Kasi dumidikit ka sakin."
"Not intentionally.
"Pero-"
"Nahawakan mo na nga iyong-"
"France!
*FLASHBACK*
Nandito ako sa kwarto ni Warren ngayon. MNalaman ko kasi na may date siya mamaya kaya sisiguraduhin ko na hindi iyon matutuloy. Naupo ako sa isang maliit na table na nasa tabi ng pinto. Nak patay din ang ilaw pero wala akong pakialam...basta hihintayin ko si warren dito.
Hindi pwedeng matuloy ang date niya. Napaatingin ako sa pinto ng bumukas yon...si warren. Umangat ang kamay niya papunta sakin para kapain yung ilaw pero iba ang na kapa niya at pinindot ng pinindot.
"Ano ba naman to. Bat sira ang ilaw ko?"
"Amm..."
Inabot ko iyong ilaw at binuksan. Nang bumukas iyon ay kitang kita ko na nanlaki ang mga mata ni warren especially ng tumingin sakin at sa... 'ilaw' na hawak parin niya ngayon na hindi naman talaga ilaw...its my...you know.
*FLASHBACK ENDS*
Napahagalpak ako ng tawa ng maalala ko. Tinignan ko si Warren na masama na ang pagkakatingin sakin. "What?"
"Stop remembering it. Sabi ng kalimutan mo na yon."
"I can't" natatawang sabi ko.
Napipikon na pinahawak sakin ni warren yung mga bagay na naukuha namin na hindi ko alam kung paano makakatulong. Nilagay ko sa tabi ang mga yon at hinawakan ko ang laminated transparent sheet na may word hunt dahil baka malukot pa. Well whatever, hindi naman maganda ang pagkakagawa ng word hunt na to dahil hindi pantay pantay. Parang tinamad yung ginagawa at basta na lang nag sulat-
"Oh s**t!"
Napalapit ako dun sa table na may arrow design. Inilagay ko doon ang hawak ko na malaking laminated sheet.
"Damn." narinig kong buong ni Warren.
Nang mailapat ko sa table ang transparent sheet may tumapat na letters sa dots na nasa zigzag na arrow, pabaligtad. It says..
IM NOT DEAD.