Chapter 5

1602 Words
CHAPTER 5 Nagkatinginan kami ni Warren. Ilang sandali na walang umiimik samin at nakatingin lang kami sa lamesa at sa mga letrang nabuo roon.   'IM NOT DEAD'   "A coincidence?" tanong ko.   "Possible pero look at the chances. Saktong-sakto at ang mga hindi pantay, parang sinadya."   Tama si warren and also, it seems weird na yon pa ang mga letrang tumapat. "Maybe a prank?"   "No."   "Right. Pero kung yan na ang hinahanap natin, san naman natin hahanapin si Fin? Sino ang namatay? At ano na ang next nating gagawin?"   "Mag focus muna tayo sa next, sa tingin mo nasaan ang next clue?"   "Look at this table. Nakakapagtaka lang na ang isa ay may dulo na arrow at ang isa dot lang. Meaning the dot symbolizes the end and the other-"   "Symbolizes a way?" tanong niya.   "Yes."   Tumingin kami sa dulo ng arrow. Nakaturo iyon sa east na parte ng library kung saan mayroong mga libro.   Sumimangot ako. "Wag mong sabihin na iisa-isahin natin yan."   "We don't have any other choice."   Dinivide sa 11 kaya napakataas at halos buong room ay napapalibutan ng mga libro. Lumapit na kami ni Warren don at sinimulan mag hanap mula sa taas. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nananatili don pero kahit anong gawin naming buklat sa mga libro ay wala na kaming ibang nakita pa ron. Sa inis ko napatayo ako.   "Wala naman eh!"   "Be patient."   Naiinis na pinabayaan ko na siya sa paghahanap. Inikot ko ang mga mata ko sa shelf na tintitignan namin..   "Look at this."   Hinila ko pa tayo si Warren at tinuro sa kaniya ang isang shelf. Pang nine na shelf.   "Anong meron?"   "Hindi maayos ang pagkakalagay. Parang dinivide. Apat dito sa side na ito at apat din dito at sa pinakadulo, isa na lang." sabi ko sa kaniya habang tinuturo ang mga libro.   "At?"   "Mayroong 9 na dots...a red dot. Usually itim ang ginagamit diba? Why red? Sa HQ para saan ang red na dot?"   "A target?"   "Yes. So meaning ang siyam na dots ay simbolo ng target or to be exact tinuturo niya satin ang clue. Tinuturo ng arrow na iyon ang shelf na ito. Kung bibilangin mo mula doon sa may pinto pang nine to na shelf. Then, dinivide itong pangsiyam na shelf sa 11 pero tong mga weird na pagkakaayos ay ang pangsiyam sa mga dinivide at mayroon ding siyam na libro rito."   "Isa-isahin na natin-"   Pinutol ko ang sasabihin niya. "No, meron pa. Sa tingin mo bakit hindi na lang mismo sa table nilagay yung mensahe? Bakit kailangan pang sekreto?"   "Para walang maka alam."   "Right and I have a hunch na walang note yang mga libro na yan."   "Let's find out."   Nag simula na kami. Inisa-isa namin ang mga libro at pagkatapos ay binabalik namin sa kung pano namin kinuha. Ilang beses naming bunuklat ang mga libro pero wala parin.   "Damn it."   Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa mga libro at binasa ang mga tittle non. I squinted my eyes.   Night Murder   The Long Goodbye   Eye Of The Needy   The Orient Express   The Daughter Of Time   The Big Sleep   Dance Hall Of The Dead   A Farewell   Kinilabutan ako sa tittle. Parang lahat ang creepy. Kinuha ko ang ballpen ko at isang piraso ng papel. Binilang ko lahat ng pang nine na letters sa mga tittle ng libro at sinulat sa papel. Nang matapos ako ay nagkatinginan kami.   Night Murder   The Long Goodbye   Eye Of The Needy   The Orient Express   The Daughter Of Time   The Big Sleep   Dance Hall Of The Dead   A Farewell   DONT TELL   That's what it spelled out. Pero may mali. "Eight books. Kulang pa ng isa."   "Yes and this one is left and I guess we already found the killer." ipinakita niya sakin ang libro.   It's not a book actually. It's Haley's Photo Album. Don't tell Haley. Iyon ang ibig sabihin ng mensahe.   "I don't understand. Alam ni Fin na may maghahanap sa kaniya.Sinabi niya rin na hindi siya patay at itinuro niya si haley. Pero bakit huli na tayong kinontak ni Serene? Bakit kinakabahan siya at ayaw tayong papuntahin dito?" sabi ko.   "At ayaw niyang malaman ni haley na buhay siya. 'I'm Not Dead, Don't Tell Haley' meaning wag muna nating sasabihin kay Haley hanggang hindi tayo nakakahanap ng ebidensya laban sa kaniya?"   "Yes. Ang tanong san tayo maghahanap next?"   "Tignan muna natin ang mga tittle. The first one, nahanap natin yung pang nine na letter sa satitang 'Murder' at alam na natin ngayon kung sino, Goodbye' nag papaalam siya maybe sa kaibigan niya at sa assistant niyang namatay"   Tumango ako at tumingin sa ibang libro."'Needy', need? A need to kill. She need to kill for a reason, she need to do it and 'orient' it means direction. Nalaman ni Fin ang way, who to blame. And that lead him to his 'Daughter' step daughter to be exact and 'Sleep' another death, hall and farewell na lang ang natitira. Maybe he run to the hall and bid his farewell?"   "Or Maybe he put something on the hall and then he said his farewell."   Nagmamadaling inalis ko yung transparent laminated sheet at tinago sa likod ng shelf. Pagkatapos ay lumabas kami sa hall. Nag simula kaming maghanap ni Warren. Nag hahanap kami sa mga flower vase na magkakasunod, sa pang nine. Pero wala.   Sinubukan din namin na maghanap sa pang nine na figurine pero wala din. "I think mali ang ginagawa natin." sabi ko kay Warren.   "Why?"   "Before natin na hanap yung last clue, ang clue natin ay 9. Sa ngayon ang clue natin ay si.."   Si Haley. Tumakbo kami ni warren hanggang makarating kami sa malaking frame na may picture ni Haley. Kinapa namin yung likod noon at may nakita kaming maliit na envelope.   Bubuksan ko na sana pero pinigilan ako ni Warren at hinila ako pabalik sa library. Nang makarating kami don ay sabay naming binuksan ang envelope. It's an adress. I guess eto na ang last clue.   Sabay kaming tumingin ni warren sa pintuan. Dali-dali kong tinago ang envelope sa bulsa ng jacket ko. "Serene?"   "Shhh!"   Sinarado niya ang pinto at lumapit samin. "Wag niyo ng hanapin si Papa. Ligtas na siya kung saan siyan nandoon. Hindi pwedeng mahanap ni Haley si Papa. Mali ang gustong mangyari ni haley."   "Anong ibig mong sabihin?"   "May gusto si Haley kay Papa. She's obssed with him. Pinatay niya ang assistant at kaibigan ni Papa pati na si tita Maricris. Umalis si Papa dito pero nag iwan siya ng trail na alam kong nahanap niyo na. Iniwan niya iyon para mahanap ko siya incase na hindi niya ako makontak. At nagawa ko na iyon. Ako ang unang nakaalam ng mga clue ni Papa. inapasunod niya ako sa kaniya dahil alam niyang dito ako pupunta pag kagaling ko sa Paris. Wala siyang makuhang ebidensya laban kay Haley kaya gusto niyang tumakas na lang kami dahil hindi din namin siya maipapakulong. Ilang beses siyang kumontak sakin pero huli ko ng nalaman yon. Nakita ko na lang ng makabalik ako dito, si Haley ang sumundo sakin na ipinagtataka ko. Pag dating ko dito saka ko nalaman ang lahat."   "Ang alin?"   "Lahat ng nangyari, kinuha niya sakin ang phone ko at tinawagan si Papa. Narinig ko silang nag tatalo. And I heard haley said na mahahanap din niya daw si papa. Ako daw ang makakahanap at pag nangyari yon, papatayin niya ako at pupuntahan niya si papa. Kaya hindi pwedeng malaman ni Haley lahat ng to. Mapapahamak ako pati si Papa."   "Kaya ka late kumontak samin? Dahil ayaw mong mahanap ang papa mo? kaya ayaw mo kaming papuntahin dito sa library?"   Tumango siya. Hinawakan ko ang nanlalamig na kamay niya. "Kailangan natin ng ebidensya ng mga ginawa ni Haley. Walang patutunguhan lahat ng to kung magtatago lang kayo and sooner or later Haley will kill you"   "Nasakin lahat ng ng ebidensya, kinuha ko iyon kay haley dahil siya ang may hawak non-"   "Wait!"   Nanlaki ang mga mata ko ng may maaalala ako sa sinabi niya. "You said pati si Maricris. Patay na siya? How? Diba siya ang nagnakaw ng mga jewelries ng mama mo?"   "No. She died. Siya iyong nasunog, kaya siya pina crimate agad. Para hindi malaman na siya ang namatay. Hindi ko talaga balak kumontak sa kahit na sino. Pero inutusan ako ni Haley na mag hire ng investigator dahil sinabi ko sa kaniyang wala akong nakita. At sinabi niya na si papa ang namatay at nag papa investigate siya kung sino ang pumatay pero ang totoo ginawa niya lang yon para mahanap kung nasaan si papa. Dahil baka mismo kayo ang makahanap."   "Bakit hindi mo na lang ipinakulong kaagad si haley kung hawak mo na pala ang ebidensya?" tanong ni Warren sa kaniya.   "Kinuha ko lahat kay Haley ang ebidensya. Nakita ko ang diary niya kung saan nakalagay kung anong ginawa niya at mga gagawin niya. Kayang-kaya ko siyang isumplong pero hindi ko magawa. Ang sama niya. Khit ang sarili niyang ina pinatay niya."   Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi ka na lang umalis at pumunta sa papa mo?   "Because she can't."   Napatingin kami sa pinto. Haley. Nakatingin siya samin...and now that I'm looking at her straight in the eyes. Its like I'm looking the the eyes of a murderer. Her eyes looks...vacant.   "She can."   "Walang lalabas sa inyo, katulad ng babaeng yan hindi na rin kayo makakalabas dito. Poor Fin, nag-iintay siya sa wala dahil hindi na niya makikita ang anak niya. Or maybe he can, when she's dead."   Hinila ko si Serene at itinulak papunta kay Warren. Humarap ako kay Haley. "Gusto mong mabalian? Pagbibigyan kita. Hindi ko nga alam kung bakit natatakot sila sayo, killing you will be a lot easier than finding a damn evidence."   "Matapang ka. Pero ewan ko na lang kung tatapang ka pa dito."   Narinig kong napa singhap si Serene ng nag labas ng baril si Haley at tinutok sakin. "Minsan hindi ko talaga maintindihan ang mga tao. They think that they're untouchable just by holding a stupid gun."   "b***h!"   "Maybe at least I don't kill innocent people especially if that person is my mother."   May dumaan sa mga mata niya. Guilt. Nilingon ko si warren...he knows what to do. The exact moment I reach for the chair near me, dumapa siya kasama si Serene. Inihagis ko ang upuan kay Haley at dali-dali akong lumapit sa kaniya. I kick her hand dahilan para tumilapon ang baril pero nahablot niya ang buhok ko.   "You b***h!" sigaw niya.   Kahit anong hatak ko ay ayaw niyang pakawalan ng mahaba kong buhok. Nahiyaw siya sa sakit ng walang sabi-sabing inuuntog ko ang ulo ko sa kaniya. Pasensiyahan na lang kami. Mas matigas ang ulo ko kesa sa kaniya.   Basta ko na lang siya binatawan sa sahig ng mawalan siya ng malay. Pagkatapos ay may kinuha ako na tali na nakita ko kanina at tinalian siya sa paa at kamay. "Mas mahirap pang mag hanap ng ebidensya kesa sa hulihin tong baliw na to."   "Mission accomplished."   Nilingon ko siya at ngumiti. "Mission accomplished, loves."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD