Chapter 6

1254 Words
CHAPTER 6 Kanina pa kami nakarating sa BHO. Si Serene pumunta sa Papa niya at si Haley ay kasalukuyang nasa interrogating room ngayon. Though hindi na naman namin siya kailangang interrogatin since may ebidensya na laban sa kaniya pero minabuti ni mommy Bree na kausapin si Haley. Nag a-ala psychologist na naman si mommy.   Nilingon ko si daddy na kasalukuyang iniinspeksyon ang braso ko at kung ano-ano pa habang naglalaro ako sa laptop ni Warren.   "Dad naman eh, nag lalaro ako ng farmville."   "Pa-gift mamaya ha?"   NIlingon ako ni Warren. "Stop playing. Kapag may nabura kang file sa laptop ko lagot ka sakin."   "Akala mo sakin, bata?"   "Yeah."   "Ang sama mo talaga! Big girl na ako ‘no! ‘Di ba, Daddy?"   Napa 'huh?' lang si Daddy pagkatapos ay sunod-sunod na tumango then pinagpatuloy na niya ang pag iinspeksiyon sa mga braso at hita ko. Si Warren naman ay umupo sa tapat ko at pinatong ang paa niya sa coffee table.   "Big girl? Let's see. Una dati ginamit mo ang dating laptop ko at nakipagkwentuhan ka sa lab habang kasalukuyang may ginagawang experiment si Kael. Then dahil makulit ka, nabuhusan ng chemicals ang laptop ko at sumabog. Erasing all my files there."   "Kasalanan ni Kael ‘yon."   "Ikaw ang may kasalanan non. At isa pa, pinaglalaruan mo din iyong laptop ko na kabibili ko lang 4 months ago. Ginamit mo sa loob ng laundry area habang kinukulit mo sila Manang. At dahil nga 'big girl' ka na, nagpumilit kang maglaba. In the end pinaapaw mo lahat ng bula sa washing machine at sumabog na naman ang laptop ko."   Grabe lang. Tandang tanda talaga ang mga kasalanan ko.n"O sige na, sige na. Hindi ko na sisirain this time. Promise, cross my heart, mamatay man ang alaga mong hamster sa bahay!”   "Leave my hamsters alone."   Napahagikhik ako. Ang macho-macho ni Warren pero ang alaga, hamster. Ako binilan ako ni Daddy ng Persian cat kaya kadalasan nahuhuli namin yung cat ko na sinusungkit ang lock ng hamsters niya.   "Ang sungit mo kasi eh. Kaya laging pinagtitripan ni White Widow ang mga daga mo."   "Hindi sila daga, hamsters sila. Kasalanan niyang pusa mo dahil gusto niyang kainin si Tweety saka si Sylvestre."   Look at that. Tweety and Sylvestre. Parang bata eh, ‘no? "Hindi gustong kainin ni White Widow ang mga alaga mo. Sinabihan ko na siya. Sabi ko, 'Baby kitty ‘wag mong kakainin sila Tweety and Sylvestre dahil may rabbies sila.' Sabi niya sakin wala naman daw siyang balak kainin ang mga daga mo dahil sosyal siya. Hindi siya kumakain ng hindi luto. We hate rare."   "Whatever."   Napatingin kami sa glass wall. Naririnig namin si Haley na kasalukuyang nagsisigaw. Binato niya pa ng folder si Mommy Bree na relax na relax lang. Tumayo si Mommy pagkatapos ay...   "Woah!"   Sinampal ni Mommy si Haley na ngayon ay tahimik nang umiiyak. "Nakakatakot si mommy." sabi ko.   "I know right." Si Daddy naman dumikit pa sa glass wall at mukhang amaze na amaze kay Mommy na kasalukuyang nakatanghod kay Haley na iyak nang iyak. Pagkaraan ay lumabas na si mommy.   "What happened, mom?"   "Of course she's very guilty right now. But every time na babanggitin ko ang pangalan ni Fin bumabalik lang sa umpisa at sinasabi niya na tama lang ang ginawa niya. Right now pa iba-iba ang iniisip niya. I don’t think makukulong siya. She'll be—"   "Ilalagay siya sa mental institution?" Tumango si mommy sa sinabi ko.   Napatingin kami kay daddy nang bigla siyang umakbay kay mommy. "Ang cool mo talaga. Bagay tayo. Ikaw ang Wonder Woman ko."   "At sino ka naman?"   "Si superman—" Napa-aray si daddy nang bigla siyang binatukan ni mommy. "Hindi mag ka-partner si Superman at Wonderwoman. Si Superman at Louise Jane yon."   "Sabi ko nga! Ang cool cool mo talaga Louise, my heart, my tweety weety, my love, my bebe, my baby cakes, my sweet cakes—"   "Ay nako. Halika na nga!" Hinila na ni mommy si daddy paalis. Nilingon ko si Warren na kasalukuyang may kinakalikot sa laptop. Nakakunot noo akong lumapit sa kaniya. Nang makita ko ‘yung ginagawa niya nanlaki ang mga mata ko.   "BENJAMIN WARREN!"   "What?"   "Bakit ‘yan ang itinanim mo? Mahal yan! Saka ba’t tinaggal mo iyong iba?!" Naiinis na kinuha ko ang laptop kung saan pinakialaman niya ang mga pananim ko. Nakasimangot na inayos ko.   Nilingon ko si Warren nang kinalabit niya ko. "What?!"   "Sorry na."   "Bahala ka sa buhay mo!"   "Sorry na nga."   Tumaas ang balahibo ko nang bigla niya akong inakbayan. Woooo! Shet! Kinikilig ako! Naka-pout na tumingin ako sa kaniya. "Maglaro ka din mamaya ng farmville sa sss mo. Dapat araw-araw bibigyan mo ako ng gift."   "Hindi ako marunong—"   "Basta!"   "Okay."   Satisfied na nagsimula na naman akong maglaro. Dati talaga hindi ako nagfa-farmville. Ang kaso tinuruan ako ni Reese saka ni Autumn kaya na-adik ako.   Tinignan ko si Haley na ngayon ay sinedate na. Buhat buhat siya ng dalawang agents. Naka-blindfold din siya. Malamang dadalin siya sa infinity room.   Kami naman ni Warren ay tumayo na at pumunta si 'Bomb Food' na restaurant ni Reese na hanggang ngayon ay hindi parin marunong magluto. Wala epek ang culinary arts niya. Dala-dala ko parin ang laptop.   Maraming tao sa loob. Nandoon din si Hurricane. At kung maraming tao ibig sabihin no’n wala si Reese. Minsan nag i-stay din ‘ang mga tao kapag nandito si Reese. Maliban na lang kapag tumapak na si Reese sa kusina. Dahil kapag papunta si Reese sa kusina at tumapak ang paa niya doon, mabilis pa sa alas kwatro na nawawala ang mga tao sa loob ng 'Bomb Food' maliban kay Hurricane na love na love talaga ang luto ng asawa niya kahit na naipanganak na ang mga babies nila.   "Hey, people!”   Kumaway ako sa kanila. Umupo kami sa pwesto ni Hurricane na kasalukuyang pinaglalaruan zng mga babies niya, especially si Skylee na iyak nang iyak. May pa-sweet at begging siya parang, 'Anak please wag na iyak.' Merong pagalit 'Sky, stop crying!' at merong nananakot. Katulad ngayon.   "Gusto mong mahulog ang mata mo sa kakaiyak? Sige ka!"   “’Wag mong takutin ang inaanak ko.” Kinuha ko si Skylee pagkatapos ay inabot ko kay Warren. Napangiti ako nang napatitig si Skylee kay Warren at maya-maya ay tumahan narin.   Ganiyan yan eh. Basta gwapo ang may karga sa kaniya ‘di umiiyak. Gwapo din sila Daddy pero gusto ni Skylee yung medyo bata-bata pa. Ewan ko ba sa baby na ‘yan. Parang magiging play girl siya in the future.   "Bakit hindi mo na lang kasi inabot sa ibang agents dito?" Tinuro ko ang mga gwapong agent na nakaupo sa ibang lamesa.   "Dahil lahat sila busy sa ka-date nila. At tignan mo nga, ang sweet ng mga ‘yan. Maiistorbo lang sila ni Skylee. Maliban na lang siguro kay Zane na ‘yon na kasalukuyang binubugbog ni Amhie."   Nilingon ko ang tinuro niya. Andon nga si Amhie at Zane na kasalukuyang nagbubugbugan. Weird. Pero bagay sila in fairness.   Nagpaluto na kami ng food. Ilang sandali lang ay inihain na ‘yon sa harapan namin. Napatingin kami ni Warren sa pinto nang biglang tumahimik ang mga tao.   "Makapagluto nga."   Si Reese!   Nagtakbuhan palabas ang mga tao. ‘Yung mga nagvolunteer magluto sa loob nagsilayasan narin. Kami ni Warren hindi na umalis. Since hindi pa namin nakakain ang food namin.   "Honey, pahingi ha?" sabi ni Hurricane dito.   "Sure, hon."   Ang sweet lang. Tinignan ko si Hurricane na kasalukuyan ay nakatitig din sa’kin. Pagkatapos ay tumingin siya kay Warren. Then sakin ulit. Then she mouthed 'magpakasal na kasi kayo' umiling lang ako. She mouthed something again. 'pikutin mo na'   " I already tried."   "Huh?" tanong ni Warren na nilingon ako.   "Wala. ‘Wag ka ngang tsismoso."   "Ikaw naman baliw."   "Oo. Baliw ako. I'm crazy...crazy in love with you." Sinundot ko siya sa tagiliran "Uy! Nagba-blush siya."   "Hindi ako nag ba-blush!"   "Ayan o."   "Naiinitan lang ako."   "Palusot nito! Crazy love, crazy love oh this crazy love, crazy love!"   Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. Pagkatapos ay kinurot niya ako sa pisngi. Nakita kong napatigil siya ng magkatitigan kami. "I love you."   OMG! Paypayan niyo ako dali!   "I-I love you, sis."   Ouch. Paking tape!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD