Bea's POV Habang kumakain ako, napansin ko ang pananahimik ni Nadine na tulalang nakahalukipkip. Unlike Stephen na tahimik lang talaga at minsan lang magsalita. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero they were distant to each other. Minsan lang din sila mag-usap na parang may mali. I just hope na hindi ito tungkol sa pagkagusto sa'kin ni Stephen. Hindi ako sanay sa pananahimik ni Nadine at tingin ko ay napapansin din iyon ni Ella. Ano kaya nangyari rito? She's talkative like Ella kaya nakakapanibago lang. Well, unlike Ella na minsan walang filter ang bibig. "Kanina pa iyang dalawa na iyan," bulong sa'kin ni Ella habang kumakain ng chichirya. "May gusto pa rin ba sa'yo si Stephen?" Napatingin ako sakanya. "H-hindi ko alam, baka hindi na?" hindi siguradong sagot ko. "We actu

