Humilig ako sa balikat ni Nadine at niyakap ang sarili dahil sa lamig. Mabigat ang pakiramdam ko at mainit ang gilid ng mata ko. Habang pinapanood ko kung gaano kagaling si Nikko mag-three points ay kasabay din no'n ang sigawan ng mga estudyante. I didn't know na magaling pala siya magbasketball. Siguro marami pa akong dapat tuklasin kay Nikko, sa boyfriend ko. Kapag nakaka-three points siya ay sandali siyang tumitingin sa gawi namin and as a supportive girlfriend I was clapping at him, so proud. Smiling and cheering for him. "Grabe naman kagaling ng boyfriend mo, ang laki ng lamang natin." Bulong ni Nadine na walang humpay na pumapalakpak, gano'n din si Ella na kung minsan ay pilyong sumisilip sa'kin. "Kung ako iyan, nagsisigaw ako rito katulad no'ng sa She's Dating The Gangster ba

