"IT'S BORING! I want to sing!" "Stop! Stop! Stop!" Pinanood lang ni Umi nang yakapin ni Ate Charly si Ate Melou para pigilan sa pagkanta, samantalang inagaw naman ni Ate Genna ang mikropono at itinago sa kung saan. Mababasag ang lahat ng eardrums nila kapag si Ate Melou ang kumanta. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Ate Melou para mag-bonding. Pero hindi niya magawang mag-relax dahil sa dami ng iniisip. It was a Friday night, and the boys in their group went to Partee-Partee Club to relax. Zagg indirectly proposed to her. Dahil sa sinabi ni Zagg na gusto nitong makilala ng mga magulang ang babaeng nais nitong pakasalan, para na ring sinabi ni Zagg na pakakasalan siya. Napakabago pa ng kanilang relasyon para humantong sa usaping kasalan. Lalo na kung ngayon pa lang ay naguguluhan na siya

