"ANG KAPAL ng mukha mong saktan sina Umi at Genna!" Buong lakas na sinuntok ni Stein sa sikmura si Zagg na mukha nang lantang gulay dahil puno na ng pasa at bugbog ang mukha. "Nobody hurts our friends and gets away with it!" "T-tama na..." pagmamakaawa ni Zagg. Melvin laughed sarcastically and kicked Zagg in the face. "Tama na? Sana nag-isip ka muna bago mo sinaktan ang labs ko!" Hindi pa rin nababawasan ang galit ni Alaude habang pinapanood sina Stein at Melvin na ginugulpi si Zagg dahil sa ginawang p*******t kina Umi at Genna na mga walang-kalaban-laban. They were neither cruel nor violent. That bastard deserved it. Anong klaseng lalaki ang nananakit ng babae? At anong malay nila sa maaaring nagawa ng gagong iyon kay Umi kung hindi siya dumating sa tamang oras? Mabuti na lang at tinaw

