NAKATULALA si Umi sa construction site sa harap niya, pero hindi ang nakakalat na hollowblocks, construction workers, engineers, at ang mismong ginagawang gusali ang kanyang nakikita.
Her mind was wandering off again to the scene where she danced with Alaude. Where he kissed her on the cheek.
Awtomatikong umangat ang kamay niya sa pisnging hinalikan ni Alaude. She could still feel Alaude's soft and warm lips on her cheek. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa simpleng halik na iyon pero hindi niya magawang alisin sa isip. Noong mga bata naman sila, madalas siyang halikan ni Alaude sa noo at sa pisngi kapag natutuwa sa kanya.
Pero ngayon, ibang-iba na ang epekto ng halik ni Alaude. Dahil ba babae na siya? O sadyang malisyosa lang?
"Architect Velarosa!"
Napapiksi si Umi nang may kung sinong sumigaw sa tapat ng kanyang tainga. Muntik na tuloy niyang maipalo sa ulo ni Engineer Vasquez ang hawak niyang nakarolyong blueprint. "What?"
Tinawanan lang siya ng engineer. "Kanina ka pa kasi nakatulala diyan. Mukha ka nang ewan."
Inirapan niya ito. "May iniisip lang ako."
Marahang ipinukpok ni Engineer Vasquez ang hawak na clipboard sa kanyang ulo. "Why don't you take a break?"
"Pinapaalis mo 'ko, gano'n?"
Natawa uli ito nang marahan. "Yeah. You're kinda unproductive today."
Pabiro niyang hinampas sa braso ang engineer. "I'll follow your suggestion. Magbe-break muna ako. Ikaw muna ang mag-supervise sa mga tauhan natin."
"Aye, aye, boss." Sumaludo pa sa kanya.
Habang naglalakad ay hinubad na ni Umi ang white gloves at hard hat. Siya ang head ng proyektong iyon. Isang condominium ang ipinapatayo ng kompanya nila ngayon.
She got into her car, started the engine and sped away immediately. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom. Sa isang convenience store lang siya dumeretso dahil may kinokolekta siyang laruan na doon lang mabibili.
Pagpasok sa convenience store ay dumeretso siya sa estante ng mga egg-shaped toys. Iyon ang kinokolekta niya ngayon. May maliliit na action figures kasi sa loob ng laruan. Nakakuha na siya ng princess, prince, and dragon figurines.
"But I want to get the fairy figurine." Kayang-kaya naman niyang bumili ng figurine, pero iba pa rin ang feeling na makuha iyon through luck. Nagiging isip-bata na naman siya. "Which one should I choose?" mahinang pagkausap niya sa sarili.
"I think you should get the red one."
Napalingon si Umi sa nagsalita. A handsome young man dressed simply in a black V-neck shirt, denim pants, and sneakers was looking back at her. His hair was messy and he looked like a bum, but his eyes and his aura told her otherwise. Malakas ang kutob niyang intelihente ang lalaki at may-sinasabi sa buhay.
Ngumiti ang lalaki. "Malakas ang pakiramdam kong nasa red egg 'yong hinahanap mo." He even winked at her.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Antipatiko! Kinuha niya ang red egg, at dumampot din ng tatlong malalaking junk food, saka dumeretso sa counter para magbayad.
Nasa kabilang counter naman ang lalaki at nagbabayad din. Sadyang maloko yata talaga dahil hanggang doon ay kinulit siya. "Hi, Miss. If that red egg doesn't have the one you're looking for, puwede bang magpalit tayo? 'Yong pamangkin ko kasi, nangongolekta rin niyan. Ah, by the way, I'm Zagg Alfonso."
Tiningnan lang ni Umi si Zagg at nang ngumiti ay inirapan niya. Naku-cute-an kasi siya sa lalaki. Kaya lang, hindi pa siya handang i-entertain ang ganoong feelings dahil katatapos lang niyang pumalpak nang magkasunod na beses kina Luke at Pete.
Nagmamadali niyang inilabas mula sa shoulder bag ang wallet, mabilis na nagbayad, at umalis ng counter after she purchased her food.
"Miss, wait!"
Hindi niya pinakinggan si Zagg. Mabilis siyang sumakay sa kotse at pinaharurot iyon.