VIOLET Cloud. Iyon ang pangalan ng isa sa mga restaurant na pag-aari ni Alaude. Doon naghapunan si Umi. Sinaluhan siya ng lalaki. Pagkatapos kumain ay naisipan nilang maglakad-lakad muna sa parke na malapit doon para magpahangin at magpababa ng kinain.
Binuksan ni Umi ang Pocky na balak niyang gawing panghimagas habang namamasyal. "I thought magki-click kami. Pero nang makita kong mainitin ang ulo niya, I changed my mind." Ang palpak na blind date noong nakaraang linggo ang ikinukuwento niya kay Alaude. "A man should be kind, patient, and gentle." Bumaling siya sa lalaking kaagapay sa paglalakad at pinaningkitan ng mga mata. "Hindi lang naman dogs ang gano'n."
Napaisip si Alaude, pagkuwa'y nag-iwas ng tingin. "Hindi ka pa rin maka-get-over sa mga sinabi ko sa 'yo no'ng gabing nagtalo tayo? I'm really sorry about that."
Natawa siya nang marahan. "Nagbibiro lang ako." Nag-isip siya ng bagong topic para hindi na mapag-usapan ang nakaraan. "Nagka-girlfriend ka na ba before?"
"I went out on dates. 'Didn't work out."
"Bakit?"
Hindi sumagot ang lalaki.
Napapalatak si Umi at napansing iba yata ang mood ni Alaude ngayon. Umupo siya sa bench na nadaanan nila. "Sayang. Guwapo ka pa naman."
Ipinatong ng lalaki ang isang paa sa bench at sinimulang ayusin ang sintas ng sneakers. "Alam mo ba kung bakit nagge-girlfriend ang isang lalaki?" tanong nito na nilingon siya.
Umiling si Umi. Ewan ba niya pero parang nag-iba ang aura ni Alaude. He looked vulnerable dahil bigla itong nag-open up ng ganoong topic.
Yumuko si Alaude habang patuloy sa pagsisintas. "Hindi 'yon dahil sa guwapo sila. Pumapasok sila sa isang relasyon dahil may kapasidad sila bilang lalaki na umintindi, mag-alaga, at magmahal ng babae. I still lack that capability, kaya umiiwas ako sa mga seryosong relasyon. Ayokong makasakit ng damdamin ng mga babae. Romantic relationships aren't made for men to satisfy their needs. It's meant for two people so they could love and take care of each other."
Natigilan si Umi at napatitig na lang kay Alaude. Dahil nakayuko, nakaharang ang bangs ng lalaki sa mga mata kaya hindi niya makita kung anong emosyon ang naglalaro sa mga iyon. His sincere words were slowly melting her heart for some reason. Ang alam lang niya, gusto niya ang mga naririnig. His voice was too gentle, too honest, and too innocent.
"I chose to be single because I want to prepare myself for her, whoever she is," pagpapatuloy ni Alaude. "I want to enjoy my time alone, because I want to feel the difference the moment she walks beside me. I want to be on my own for now, because I want to wonder what it would feel like to have someone to mess up my life. I want to continue my monotonous life, because I want to notice the change in me immediately once she starts to turn my world upside down. Kapag naramdaman kong ayoko nang bumalik sa dati kong 'routine,' malalaman kong handa na akong mahalin at alagaan ang babaeng 'yon. Hangga't hindi ko pa 'yon nararamdaman, I'd rather be alone, than end up hurting women."
Umi's eyes turned misty. Alaude's beautiful words touched her heart. Sa tanang buhay, ngayon lang niya narinig na naging ganoon ka-gentle si Alaude. Nakaramdam din siya ng panliliit sa sarili. Mas marami pa pala itong alam tungkol sa pakikipagrelasyon kompara sa kanya na wala nang ibang inatupag kundi ang paghahanap ng prinsipe.
She suddenly realized that she would not mind if a man did not fit her idea of a prince, just as long as he would treat her the way Alaude would treat his woman. Bigla rin siyang nakaramdam ng selos sa babaeng mamahalin ni Alaude balang-araw.
Bumuntong-hininga siya. "She's so lucky."
Ang kabilang paa naman ang itinaas ni Alaude para ayusin ang sintas. "Then, consider yourself lucky."
That casual comment made her heart beat fast and loud. Gulat na napatingin siya sa lalaki. "Ha?"
Napansin niyang natigilan si Alaude, pero nang makabawi ay nilinga siya. His blank look did not give anything away. "I mean, you want your prince to think that way, right? So, kung pareho kami ng pananaw sa pag-ibig, then consider yourself lucky."
Napatango si Umi. Nabigla siya sa sinabi ni Alaude. Ang akala niya, sinabi nitong suwerte siya dahil siya ang babaeng tinutukoy nito. Pero hindi niya aamining umasa at natuwa siya dahil doon.
"Ano ba 'yang kinakain mo? Mukhang masarap," pag-iiba ni Alaude ng usapan.
Medyo na-distract si Umi sa pag-iiba ng topic kaya medyo kumalma na siya at kinalimutan na ang panghihinayang na naramdaman kanina. Itinapat niya sa lalaki ang isang stick ng Pocky. "Chocolate Pocky. Tikman mo."
Ang akala niya, kukunin ni Alaude ang Pocky. Kaya naman nawindang siya nang dumukwang ang lalaki at walang kaabog-abog na isinubo ang Pocky stick. Dahil nakayuko ito mula sa pagsisintas ng sapatos, naging magkalapit nang husto ang kanilang mga mukha.
Hindi inalis ni Alaude ang tingin sa kanya habang nakaipit sa pagitan ng mga labi ang Pocky stick. Siya lang ba o habang tumatagal ay painit nang painit ang paraan ng pagkakatitig ni Alaude? She felt herself melting under his intense and warm stare. Hindi rin nakatulong ang pagwawala ng kanyang puso.
Only the cracking sound she heard snapped her out of her trance.
Alaude bit the Pocky stick, saka umiwas ng tingin at dumeretso ng tayo. "Mmm. It's good," kaswal nitong komento. "Let's go. Palalim na ang gabi, baka mahamugan ka, bata."
Umi thought she heard a bubble pop somewhere. Parang ginising siya niyon mula sa "moment" nila ni Alaude. And since he was back to his usual self, na bata ang trato sa kanya, napaisip siya kung talaga bang nangyari iyon kanina o sadyang malakas lang ang imagination niya dahil sa kababasa ng fairy-tale books.
"Si Alaude 'yan kaya hindi totoo, 'no," pabulong niyang kondena sa sarili habang umaagapay ng lakad sa lalaki.
His intense stare, her abnormal heart beat, the sparks, na-imagine lang ba niya talaga ang mga iyon?