HINAHANAP ni Umi sa shoulder bag ang susi ng kotse habang naglalakad siya sa hardin ng kanilang mansiyon. But instead of the car key, she found an egg-shaped toy. Biglang rumehistro sa kanyang isip si Zagg Alfonso.
"Ang antipatikong lalaki," nangingiting bulong niya sa sarili. Pasakay na sana siya sa kotse nang mapansing may silver Volvo na nakaparada sa tapat ng gate. Nakatalikod ang lalaking nakasandal sa kotse kaya hindi niya makilala. Nilabas niya ang lalaki. "Excuse me..." Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang humarap ang estranghero. Kilala niya ang guwapong mukha at maangas na ngisi. "Zagg?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti si Zagg. "Good morning, Miss Eulanda Mikaela Velaroso."
"'Umi' is fine, thank you." Kumunot ang kanyang noo. "Ano'ng ginagawa mo rito? Paano mo nalang dito ako nakatira?"
Inilabas ni Zagg mula sa itim na amerikanang suot sa ibabaw ng puting T-shirt ang isang pamilyar na maliit na notebook. "This is yours, right?"
Sa kanya nga iyon! "Paano napunta 'yan sa 'yo?"
"Nahulog mo 'to nang nagmamadali kang umalis ng convenience store. Nakasulat diyan ang pangalan at address mo. Hinintay kita nang isang buong araw sa convenience store, hoping that you would come back for this. Since you didn't, nagmagandang-loob na akong ibalik sa 'yo 'to."
Nakangiting tinanggap ni Umi ang notebook. Mahalaga iyon sa kanya dahil doon niya isinusulat ang mga random thoughts and ideas niya na nagagamit sa kanyang mga proyekto. "Thank you, Zagg. I haven't properly introduced myself to you yet." Inilahad niya ang kamay. "I'm Eulanda Mikaela Velaroso. You can call me 'Umi.'"
Nakangiting tinanggap ni Zagg ang pakikipagkamay. "Zandro Gregory Alfonso. 'Zagg' na lang para cool."
Pareho silang natawa sa biro. But she felt a bit disappointed that she did not feel anything special when he squeezed her hand. Walang sparks. But after hearing Alaude's opinion about love and romantic relationships, naisip niyang maaaring sa mga libro lang talaga nangyayari ang sparks.
"By the way, what happened to the egg?"
Napaisip si Umi. "Hindi ko pa nabubuksan, eh. Balak mo bang makipagpalit para sa pamangkin mo?"
Lumuwang ang ngiti ni Zagg. "Ah, you still remember. Sana. Pero dahil hindi mo pa nabubuksan, next time na lang siguro," anito na animo'y siguradong may next time pa sila. "What if we make a deal?"
Kumunot ang kanyang noo. "Anong deal?" Inabutan siya ni Zagg ng isang card. A calling card. Nagtataka man ay tinanggap pa rin niya. "Para sa'n 'to?"
"I heard you say you wanted to get the Tinkerbell model, right?" Tumango siya. "Then, kapag tama ako na si Tinkerbell nga ang nasa loob ng egg toy na pinili ko para sa 'yo, you'll call me. If not, then, this is good-bye."
Napangiti si Umi. Parang nagustuhan niya ang suhestiyon ni Zagg. "It's like a game of destiny."
"Exactly. So, game?"
Nakangiti siyang tumango. Hindi ordinaryo ang paraan ng pagkakalapit nila ni Zagg, kaya maaaring ito na ang hinihintay niyang prinsipe. "Game."
"All right. As much as I'd love to invite you for coffee, dahil sa kasunduan natin, maghihintay na lang ako. Anyway, it was nice meeting you again."
"Same here."
He smiled and got in his car. Hindi pa nakakalayo ang kotse ay nakita niyang inilabas ni Zagg ang isang kamay mula sa bintana para lang kumaway sa kanya.
Umi laughed and waved back at him. Nang mawala na si Zagg sa kanyang paningin, saka niya naisipang buksan ang red egg-shaped toy sa bag. And she was greeted by a Tinkerbell figurine!