16th Chapter: The (Impossible) Signs

748 Words
Kahit Saan Fast-Food Restaurant "I MEAN, who the f**k is that f*****g Zandro Gregory Alfonso?" pagsesentimyento ni Alaude habang nanggigigil na nilalamukos ang balat ng burger. "f**k-ialam ko naman kung sino siya," natatawang sagot ni Melvin. "Hey, watch your language—" "Don't get me started on your f*****g preaching, Sley," nagbabantang sabi ni Alaude. Kilala kasi si Sley bilang "Mr. Nice Guy" sa kanila. Sley raised his hands in surrender. "I f*****g apologize, Alaude. Mapapatawad mo pa ba ako?" Natahimik sila, mayamaya ay nagtawanan nang marahan. "Sorry, seriously." Napakamot sa kilay si Alaude. "I'm just... worried about Umi." "Kami rin naman, Alaude," seryosong sabi ni Primo na noon lang nagsalita. "Lalo na ko. I'm her big brother." Alaude scoffed. "You don't act like one, my lord." "I know." Bumuntong-hininga si Primo. "Pero noon 'yon. Kapatid ko siya, at mahal ko siya." Natahimik sila. Bihira lang magpahayag ng affection si Primo para sa kapatid, kaya wala ni isa sa kanila ang nagtangkang mang-asar. "It's only natural that I care for Umi since she's my sister," pagpapatuloy ni Primo para basagin ang katahimikan. Mayamaya ay tumingin nang deretso kay Alaude. "Eh, ikaw? Bakit masyado kang apektado?" Natigilan si Alaude sa pagsubo ng fries. The question caught him off guard. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig kaya biglang nawala ang init ng kanyang ulo. Sabay-sabay na tumingin sa kanya sina Primo, Sley, Melvin at maging si Stein na kanina ay tahimik lang na kumakain. They were obviously waiting for his answer. Tumikhim si Alaude. "Masama ba 'yon?" Pinasadahan niya ng tingin sina Melvin, Sley, at Stein. "Hindi ba kayo nag-aalala para kay Umi?" Isang nakalolokong ngiti ang isinagot nina Melvin at Sley. Maging si Stein nga ay bahagya ring tumaas ang sulok ng mga labi. "Siyempre, nag-aalala rin kami para kay Umi. She's the youngest in our group, and she's like a baby sister to me... Well, at least to us." Kumunot ang noo ni Alaude. "I don't like the implication, Sley." "Bakit? Do you see Umi as a sister?" "Of course not," mabilis na sagot ni Alaude at huli na para bawiin ang kanyang sinabi. Primo snorted. Stein shook his head but he caught his smile. Nag-high-five naman sina Melvin at Sley. Obviously, napag-trip-an na naman siya. Pero ano ang magagawa niya? Siguro nga, pinipilit niya ang sarili na isiping bata pa si Umi, pero kahit kailan ay hindi niya ito nakita bilang isang kapatid. He saw her as a... Woman. Shit. "But what if Umi falls in love with Alfonso?" tanong ni Melvin. Alaude glared at Melvin. "What?" Nagkibit-balikat si Melvin. "Sa tingin ko kasi, interesado talaga si Umi kay Alfonso." Napahigpit ang hawak ni Alaude sa plastic cup. It was obvious that Umi was attracted to that guy. Sarili lang naman niya ang hindi maintindihan kung bakit nagre-react nang ganoon. Isipin pa lang na mahal na ni Umi ang lalaking iyon ay gusto na niyang pumatay. And it was ironic since he promised her he would help her find her f*****g prince. "What is love anyway?" biglang tanong niya. Halatang nagulat ang mga kaibigan niya pero sumagot pa rin. "Ah, love..." pagsisimula ni Primo na animo'y nangangarap. "Romantic love is something so sacred that if I touched it, I'd only get burnt. Kaya dapat ko iyong layuan dahil mahal ang maintenance ng skin ko." Natawa nang marahan si Melvin. "Love is a beautiful thing. But love and I are like star-crossed lovers. We're meant to meet, but never destined to be together." "Love is..." Natigilan si Stein at napaisip. "Ite-text ko na lang kayo kapag alam ko na." "Love is saving wildlife," parang proud na sagot naman ni Sley. They all looked at Sley in disbelief. "Hindi na ako magtataka kung magpakasal ka sa unggoy, Sley," naiiling na sabi ni Alaude na ikinatawa lang ng mga kaibigan niya. "Alaude, for you, love is...?" tanong ni Primo. Suddenly, an image of Umi flashed in Alaude's head. She had a serene expression on her beautiful face. Her tiny hands were folded in prayer as she silently prayed in front of the water fountain. Then it changed into the scene where she was talking about that Alfonso. Parang may pumiga sa kanyang puso. "Painful," nakangiwing bulong niya sa sarili. Biglang tumahimik. Nang tingnan ni Alaude ang mga kaibigan, napansin niyang naging seryoso ang mga mukha ng mga ito. "s**t, dude. I'll help you out," biglang alok ni Melvin. "Hindi talaga dapat magkatuluyan sina Umi at ang Alfonso na 'yon." "Oo nga," sang-ayon ni Sley. "Hindi sila bagay." "Signs," biglang bulalas ni Stein. They all looked at him in question. "Bakit hindi tayo ang gumawa n'on?" "Brilliant, Stein, brilliant," nakangiting sabi ni Primo. "Let's make impossible signs." Nagkatinginan silang lima. Then, they all smiled sadistically.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD