"THESE signs are way too impossible!" nanggigigil na sigaw ni Umi kina Alaude at Kuya Melvin na kasalukuyang nagwa-one-on-one basketball match sa basketball court ng Luna Ville. Alas-singko pa lang ng umaga nang sugurin niya ang dalawa. Nagulantang kasi siya sa note na iniwan ni Kuya Primo sa kanyang bedside table. Kaya imbes na mag-jogging, heto siya at kinokompronta ang mga lalaking ito na una niyang nakita.
Huminto sa paglalaro sina Alaude at Kuya Melvin at sabay na napatingin sa kanya. Kumunot ang noo ni Alaude samantalang natawa lang si Kuya Melvin. Na lalo niyang ikinairita, hindi dahil sa reaksiyong nakita niya kundi dahil sa nakabalandrang katawan ng dalawa. Dang, they both had gorgeous bodies! The beads of sweat on their bodies only made them look ten times hotter!
Pero mas na-distract siya kay Alaude. Especially his broad shoulders, wide chest, sturdy-looking arms and washboard abs. Chef ba talaga si Alaude o modelo?
"Umi?" pukaw ni Alaude.
Ipinilig ni Umi ang ulo para bumalik sa tamang takbo ang kanyang isip. "Ito ang dapat kong sunding signs?!" Binasa niya nang malakas ang nakasulat sa papel. "Kailangang may SpongeBob hankie siya! Hello? He's a grown man! Second, kailangang makakita kami ng tatlong black cats at isang uwak. Ano 'yon, masamang pamahiin?! Lastly, it has to rain! Ridiculous!"
"C'mon, Umi. If you're really meant to be together, sisiw lang ang signs na 'yan," natatawang sabi ni Kuya Melvin. "Right, Alaude?"
Tumango si Alaude. "Bakit, Umi? Hindi ka ba naniniwalang si Zaggy boy ang prinsipe mo?"
Naumid yata ang dila ni Umi dahil hindi niya mabara si Alaude. Hindi ba gusto niyang malaman kung si Zagg na nga ba ang kanyang prinsipe? Magkakaalaman na dahil sa mga impossible signs na ginawa ng mga luku-luko niyang kaibigan.
Inirapan ni Umi ang dalawa. "Fine! Makikita n'yo. Mangyayari ang lahat ng nakakalokang signs na ginawa n'yo."
"Good luck, Umi!" nakangiting sabi ni Kuya Melvin na hindi niya alam kung nang-aasar ba o ano.
"Hmp! Aalis na ako."
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Kuya Melvin.
"Niyaya akong mag-coffee ni Zagg," sagot ni Umi habang naglalakad palayo, pero nakakailang hakbang pa lang ay may narinig na siyang malakas na kalabog. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng ingay, napasinghap siya nang malakas nang makitang nakaupo si Alaude habang nakahawak sa balikat. Inaalalayan itong tumayo ni Kuya Melvin. Binalikan niya ang dalawa.
"What happened, Alaude?" nag-aalalang tanong ni Umi. "Nasaktan ka ba?"
"Hindi—"
"Yes, I think he's hurt," biglang singit ni Kuya Melvin. "Napalakas yata ang pagsupalpal ko kaya siya natumba. Tsk, tsk."
Nakakunot-noong bumaling si Alaude kay Kuya Melvin. "What?"
Inakbayan ni Kuya Melvin si Alaude. "Oo, dude. Injured ka. Injured. Umi, si Lord Primo, may kasamang babae, o!"
Marahas na nilingon ni Umi ang itinuro ni Kuya Melvin pero wala naman siyang nakita ni anino ng kanyang kapatid. Nang humarap uli siya sa dalawang lalaki, sumisigaw na sa sakit si Alaude habang nakahawak sa binti. Lalo siyang nag-alala. Talaga yatang nasaktan ang lalaki. "Alaude, you're really hurt. Kuya Melvin, dalhin natin siya sa clinic."
"Ah, sorry, Umi. Bibigyan ko pa si Genna my labs ng good morning kiss, eh." Tumawa pa si Kuya Melvin, pagkuwa'y naglakad na palayo habang nagsusuot ng T-shirt. "Dalhin mo na lang siya kay Sley. Bye!"
Hinarap ni Umi si Alaude. "Let's go. Sasamahan kita kay Kuya Sley."
"I'm not a dog."
Natawa siya. "Kahit vet si Kuya Sley, marunong pa rin siya ng first-aid." Bumaba ang mahaharot niyang mata sa katawan ng lalaki, at nag-iwas agad siya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "Ahm, magbihis ka muna."
Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Kinuha niya ang T-shirt ni Alaude at iniabot sa lalaki nang hindi ito tinitingnan. Bukod kasi sa nagugustuhan niya ang "view," parang sasabog na rin ang kanyang puso sa lakas at bilis ng t***k. And she felt like a freakin' p*****t.
"You can look now," sabi ni Alaude at mayamaya ay pasalampak na umupo sa bench.
"Tayo diyan." Hinawakan ni Umi sa kamay ang lalaki. "C'mon." Siya ang hinila ni Alaude. At dahil mas malakas si Alaude, napaupo siya sa tabi nito. Bago siya makapalag ay humiga na ang lalaki sa kanyang mga hita. Parang nakalimutan na niyang huminga.
"I just need to rest. Can I use your lap as a pillow for a while?" naglalambing na tanong ni Alaude.
Of course, she had a hard time refusing those puppy dog eyes, even though she suddenly felt awkward and self-conscious. "S-sige na nga. I-injured ka naman."
Masuyo nitong pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Thank you." Then, he put his hands on his tummy and closed his eyes.
Napatitig na lang si Umi sa guwapong mukha ni Alaude. Kahit bihira lang itong ngumiti, napakaguwapo pa rin. Hindi nakakasawang titigan. Naghintay siya nang ilang sandali at nang maramdamang mahimbing na ang pagtulog ng lalaki, she gently traced her finger along his pointed nose, down to his jaw and to his cheek. His skin was white, soft, and smooth.
Then, she gently ran her hand along his hair. His hair was silky, and it smelled good.
She sighed. She guessed she had to cancel her coffee date with Zagg. She would choose this sleeping angel over a cup of coffee, anytime.