NAPATINGIN si Umi kay Alaude. Katulad ng ibang mga lalaki, pulang-pula na rin ang mukha ni Alaude dala ng kalasingan. Hindi na rin matatag ang pagkakatayo. "Alaude, are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Hinarap siya ng lalaki at nagtangkang lumapit, pero agad nabuwal na agad niyang nasalo. Hindi naman siya nadala ng bigat dahil naitukod ni Alaude ang kamay sa mesa. "Bakit ba naglasing kayong lahat?" "It's Alaude's fault that we all got drunk. Umi, please bring that moron to the guest room. Pasensiya na kung hindi na kita matutulungan dahil nahihilo na rin ako," utos ni Kuya Primo, saka yumukyok sa mesa. "All right. Alaude, kumapit ka sa 'kin." Isinampay ni Umi ang isang braso ni Alaude sa kanyang balikat at ipinulupot naman ang isa niyang kamay sa baywang ng lalaki. "Matulog ka na nga

