"DAMN signs!" Alaude growled at the same time the thunder boomed.
It was the night of Umi's birthday celebration in Moon Garden. Kaninang umaga ay maganda ang sikat ng araw. Pero nang dumating ang hapon ay biglang nagbago ang panahon. Kasisimula pa lang ng selebrasyon ay nagbabanta na ang pag-ulan. Idagdag pa ang panaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Nag-aalala na nga rin ang mga bisita dahil open area ang lugar.
"Walang kuwenta ang signs na ginawa n'yo!" paninisi ni Alaude sa mga kaibigan. Sa likuran ng mansiyon sila nagmi-meeting kaya walang ibang makakarinig sa kanila.
"Relax. Gumagawa na kami ng paraan para hindi umulan," depensa ni Melvin.
Namaywang si Alaude. "At anong paraan naman 'yan?"
"I brought eggs," pakantang sabi ni Primo na ipinakita pa ang dalang isang tray ng itlog. "Iaalay natin 'to kay Sta. Clara para hindi umulan."
"Gumawa na rin kami ng rain dolls ni Stein," pagbibida naman ni Sley at ipinakita pa ang puting manika. Telang puti lang iyon na ginuhitan ng mukha. "Isasabit namin 'to nang pabaligtad para hindi umulan."
"Like this." Itinuro pa ni Stein ang mga manikang nakasabit nang pabaligtad sa alambre na ginawang sampayan.
Alaude rolled his eyes. "That had better be effective." Pasalampak siyang umupo sa baitang ng hagdan sa tapat ng back door. Hindi pa rin siya makapaniwalang mabilis na natupad ang dalawang signs na inimbento nila para sana pahirapan si Zaggy boy.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ang reaksiyon ni Umi. She looked so happy that she finally found her f*****g prince. He did not have the heart to break her heart by threatening Zagg and telling to stay away from her. Wala rin iyon sa kanyang pagkatao.
Inaamin niya. Sumang-ayon siya sa paggawa ng impossible signs dahil ayaw niyang magkatuluyan sina Zagg at Umi. Dahil nagseselos siya!
Inihilamos ni Alaude ang mga kamay sa mukha. "s**t! I should not have offered to help her find her f*****g prince! Sana no'ng una pa lang, ako na ang nagpakaprinsipe para sa kanya!"
Napansin niyang natahimik ang mga kasamahan. Siguro ay nagulat sa mga ipinagtapat niya. Ngayon lang naman kasi siya naging vocal sa nararamdaman para kay Umi.
Tumikhim si Primo na unang nakabawi. "Are you in love with my sister, Alaude Voux Sarmiento?" seryosong tanong nito.
Bumuga ng hangin si Alaude. "Yes, milord."
"Then, bakit mo siya tinanggihan noon?"
"Don't remind me of the biggest mistake I've ever made in my life." Sinabunutan ni Alaude ang sarili. "s**t! I have my reasons, my lord. Na si Umi lang ang dapat makarinig."
Naramdaman ni Alaude ang pagtapik ni Primo sa kanyang balikat. "We've got your back, Alaude."
Pinagdaop ni Alaude ang mga kamay. "Don't rain, please," pagmamakaawa niya sa Maykapal. He would not give up without putting up a fight first. Pero hindi niya alam kung magagawa niyang makipagsabayan sa lalaking itinakda kay Umi, kung sakali mang magkatotoo ang huling senyales.
"s**t, I'm moved!" Tumayo si Melvin mula sa pagkakaupo sa damuhan, pinagpag ang pantalon, at nagsimulang sumayaw—ibinubukas-sara ang mga kamay at nakatayo gamit lang ang isang paa habang umiindak.
Kumunot ang noo ni Alaude. "What the hell are you doing, Melvin?"
"This is called a 'sun dance.' Don't look at me like that, ginagawa ko 'to para sa 'yo." Ipinagpatuloy ni Melvin ang pagsasayaw. "Puwede n'yo 'kong sabayan. Nakakahiya naman sa inyo, eh."
"Fine. For my sister." Ginaya ni Primo ang sayaw ni Melvin.
Nagkatinginan sina Sley at Stein, bumuntong-hininga, pero sa huli ay sumayaw rin.
Dahil sa ginawa ng mga kaibigan, napilitan na ring mag-sun dance ni Alaude. Hindi niya alam kung matatawa o mapapakunot-noo siya sa kanilang ginagawa. They looked funny. But one thing was for sure, he was grateful to his friends.
"This is stupid." But Alaude still did it for Umi. Kumulog na naman. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. "Screw this sun dance! I'm going to confess to Umi!" Tumakbo siya pabalik sa garden.
Tumaas-baba ang dibdib ni Alaude sa hingal nang makarating sa hardin. There, he saw Umi. She looked so beautiful in her red dress, and her graceful moves only made her more tempting. Kasayaw ng babae si Zagg, gaya ng pagsayaw nila noon. Parang sinasaksak ang kanyang puso tuwing magtatawanan ang dalawa. He never felt so murderous in his life.
"Go and get your woman, Alaude," udyok ni Charly na napadaan sa harap niya.
"I will." With his fist clenched, he walked towards the dancing couple.
Habang naglalakad ay nahawi ang dinaraanan ni Alaude. Sa muling pag-ikot ni Umi, sa halip na hayaang umikot pabalik kay Zagg, hinila niya ang kamay ng babae. Being the graceful dancer she was, she did not stumble. Ngumiti pa nga. She managed to elegantly spin around him and grabbed his shoulder when she returned. He was holding her hand tight and his other arm was wrapped around her thin waist.
Natawa nang marahan si Umi. "Nice, Alaude. As your dance instructor, I'm proud of you."
He smiled. Ah, he did not know he had loved this woman all his life, but he did. "Umi..."
"Hmm?" She innocently waited for what he was about to say.
Humugot siya ng malalim na hininga. "I love—"
The rain started pouring.
"The third sign!" masayang sigaw ni Umi.
His eyes stung, the same time he felt the agonizing clutch in his heart. He hated the rain, but at the same time, nagpapasalamat sa pagkubli niyon sa tunay niyang nararamdaman.
"I love you," Alaude whispered but what he said was left unheard because the f*****g rain was pouring. His words would never reach Umi.