19th Chapter: The Second Sign

653 Words
HAWAK-HAWAK ni Alaude ang pangang nasuntok ni Ate Charly kanina. Napigilan ng magkakaibigan na ibato ni Ate Charly ang silya, pero hindi naman napigilan ang panununtok ng babae kay Alaude. Si Umi ang naatasang ilayo si Alaude sa "crime scene." Kaya ngayon ay naglalakad-lakad sila sa Red Lux Mall na pag-aari ni Kuya Melvin. Napapalatak si Umi. "Ikaw naman kasi, Alaude. Alam mo namang forbidden na tawagin si Ate Charly sa second name niya." "Screw that. Ang sabihin niya, hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya kaya hanggang ngayon, hindi pa rin niya maatim na marinig ang endearment n'on sa kanya noon," asar na sabi ng lalaki at napasinghap nang dumako ang kamay sa pasa. "s**t!" Hinawakan niya sa braso si Alaude para pakalmahin. "Gusto mo ng ice cream?" "Did I hear someone mention ice cream?" Sabay silang napatingin kay Zagg na kasama rin nila sa mall. Nagpaalam si Zagg kanina na may pupuntahan lang saglit at ngayon ay may dala nang tatlong malalaking cone ng ice cream. "Here." Iniabot sa kanya ni Zagg ang strawberry ice cream at chocolate naman kay Alaude. "Thanks," mahinang sabi ni Alaude, pagkatapos ay tiningnan siya. "Gusto mo bang magpalit tayo ng ice cream?" Hindi na hinintay ng lalaki ang kanyang sagot, pinagpalit na ang ice creams nila at saka bumaling kay Zagg. "I hope you don't mind. Allergic kasi sa strawberry si Umi." Ngumiti lang si Zagg, halatang hindi naman na-offend. "Nah, it's fine." Bumaling sa kanya. "I'm sorry, Umi. I should have asked first. Hindi ko alam na allergic ka pala sa strawberry." She smiled. "It's fine. Let's go." Habang naglalakad ay napansin ni Umi na pumuwesto si Alaude sa likuran nila ni Zagg. Nang lingunin niya si Alaude, napansin din niyang hindi ito nakatingin sa kanya at sa halip ay sa ibang direksiyon nakapaling habang kumakain ng ice cream. Nag-aalala siya at gusto sana niyang maglakad sa tabi ni Alaude. Pero dahil patuloy sa pagkukuwento si Zagg, natuon kay Zagg ang kanyang atensiyon. Mayamaya ay napadaan sila sa isang jewelry store. Huminto si Umi sa paglalakad at namamanghang tinitigan ang mga nakahilerang kuwintas mula sa glass wall ng shop. Napapagitnaan ng dalawang hugis-pusong kuwintas ang isang necklace with a butterfly pendant. It was made of diamonds. It looked so pretty. The butterfly resembled a fairy's wings. Beautiful... Mayamaya lang, naramdaman ni Umi ang pagtabi sa magkabilang gilid niya nina Zagg at Alaude, they both looked at the array of diamonds, and then they looked at her at the same time. "Do you want it?" sabay na tanong ng mga lalaki, pagkatapos ay nagkatinginan. Their little "staring contest" was anything but friendly. Kinabahan si Umi sa animosity na biglang namuo sa dalawa kaya pinigilan niya. "No, wala akong nagustuhan. Let's go." Isinubo niya ang natirang cone ng ice cream, saka umangkla sa braso nina Zagg at Alaude at inakay palabas ng mall. Naglalakad na sila papunta sa parking lot nang basagin ni Alaude ang katahimikang namuo kanina sa kanilang tatlo. "Pare, I hope you don't mind, pero ako na ang maghahatid kay Umi," sabi ni Alaude. "Since we live in the same village." "I would like to say I don't mind, but unfortunately, I already asked Umi to join me for dinner. May plano na kami so, back off, dude." "What?" Alaude growled. "Hey, stop it," saway ni Umi. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang nag-away ang dalawa. "Kapag hindi kayo nag-usap nang maa—" Natigilan siya nang may marinig na huni ng ibon. Nang hanapin niya ang pinanggalingan ng ingay, nakita niya ang isang itim na uwak sa bubong ng isang kotse. Napasinghap siya nang malakas. Lalo niyang ikinawindang nang may dumaang tatlong itim na pusa sa harap niya. The second sign! "Hey, Uno, Dos, Tres, come back here! Dadalhin ko pa kayo sa vet n'yo!" sigaw ng isang may-edad na lalaki habang hinahabol ang tatlong itim na pusa. Ito siguro ang nagmamay-ari sa mga iyon. Pagkaalis ng matanda ay isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo. "Umi, Alaude, are you okay? Bakit parang namumutla kayo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD