ANG SHOP-O-POP Market ay grocery store na pag-aari ni Kuya Melvin at doon namimili ngayon si Umi. Mayroon ding branch ang market sa Luna Ville pero dahil galing siya sa trabaho, sa ibang branch siya nagpunta.
Tumunog ang kanyang cell phone. Marahas siyang bumuga ng hangin nang makita ang caller. "Hello, Kuya?"
"Where are you, sis?" tanong ni Kuya Primo sa masiglang boses.
"Naggo-grocery ako sa Shop-o-pop. Bakit?"
"I just wanted to let you know I won't be coming home tonight, kaya 'wag mo na 'kong hintayin mamayang dinner, okay?"
Tumalim ang tingin ni Umi sa hawak na de-lata habang ini-imagine ang mukha ng kapatid niya roon. "Ingat ka, Kuya. Uso ang AIDS ngayon." Siguro ay sa sariling condo unit magpapalipas ng gabi ang kuya niya kasama ang kung sino na namang babae.
Narinig niyang tumawa si Kuya Primo. "See you tomorrow, Umi. 'Love you, sis."
"Whatever." Then, she hung up.
Noon pa man ay hindi na talaga maayos ang kanyang relasyon kay Kuya Primo. Wala naman kasing ibang mahalaga sa kanyang kapatid kundi ang mga babae nito. He had never been a brother to her; he was just a good provider. Si Kuya Primo kasi ang sumusuporta sa kanya mula nang maulila sila.
Gusto na niyang bumili ng sariling bahay kaya nag-iipon na siya. Kaga-graduate lang niya at baguhan siyang architect sa real state and land development company na pag-aari ng kanyang kuya.
She hated her brother Primo for being a womanizer. Manang-mana sa daddy nila, ang parehong dahilan kung bakit nag-suffer ang kanilang mommy noong nabubuhay pa ang dalawa.
Bata pa lang siya nang mamatay ang kanyang ina. Pero malinaw pa rin sa kanyang isip kung paano umiyak gabi-gabi ang kanyang mommy dahil sa pambababae ng kanyang ama. Just a few years ago, when she was in her second year of college, her father died because of heart attack. Bago mamatay, humingi ng tawad sa kanya ang kanyang daddy. Hindi niya alam kung nagawa ba niya itong patawarin nang buong puso.
"Eulanda Mikaela Velaroso!"
Napapiksi si Umi at muntik na niyang ihambalos ang hawak na bote ng ketchup sa gulat kay Alaude na bigla na lang sumulpot sa kanyang harap. Pinaghahampas niya sa dibdib ang lalaki. "Bakit ka ba nanggugulat?"
Ngumiwi si Alaude habang hinihimas-himas ang nasaktang dibdib. "Kanina pa kita tinatawag, 'no. Ikaw lang diyan ang lutang."
Umirap lang siya. "Don't talk to me, Mister." Huminto siya sa estante ng mga pancake, napabuntong-hininga nang makitang nasa mataas na bahagi ang paborito niyang brand, worse, nag-iisa na lang.
May promo kasi ang produktong iyon. May kasamang key chain na umiilaw sa loob ng box kaya mabenta. Apat ang inilabas na style ng key chain. Mayroon na siya ng tatlo kaya isa na lang ang hina-hunting niya.
Tumiyad si Umi upang maabot ang kahon. Pero maliit siya kaya hindi niya maabot. Natigilan naman siya nang maramdaman ang solidong katawan ng kung sino sa kanyang likod, napapikit pa nga siya nang masamyo ang panlalaking amoy. Alaude smelled so damn good. Marahan niyang ipinilig ang ulo para ibalik sa huwisyo ang sarili.
Pumihit siya para sana kagalitan ang lalaki pero mukhang wrong move iyon. Because when she turned around, she suddenly became face-to-face with Alaude. He was literally looking down at her with those dark piercing eyes that could somehow slice her heart in a pleasing way.
Bumilis at lumakas ang t***k ng kanyang puso habang nakatitig siya nang husto sa guwapong mukha. He was staring intently at her, and it was the same intense look that made her heart kneels in front of him years ago. Parang ninakaw tuloy ang kanyang hininga dahil sa init ng tingin ng lalaki.
"'Got it," sabi ni Alaude na gumising sa kanyang diwa, walang-kahirap-hirap na nakuha na pala nito ang box ng pancake. Pagkatapos ay umatras din palayo para magkaroon ng disenteng distansiya sa kanilang pagitan.
Napakurap si Umi at napahawak sa batok. God! What was that feeling? "Ahm... T-thank you, Alaude." Inilahad niya ang kamay para kunin ang pancake.
Pero tumaas lang ang isang kilay ng lalaki. "For what, little girl?"
Kumunot ang kanyang noo at dumako ang tingin sa hawak nitong kahon.
"Ah! I know. Iniisip mo bang kinuha ko ang pancake na 'to para sa 'yo?" Pumalatak si Alaude habang umiiling. "Well, sorry to disappoint you, pero akin 'to." Inilagay nito ang kahon sa sariling shopping cart, saka siya nilagpasan.
Umi followed him with her gaze in disbelief. "What the—" Nilingon niya ang unipormadong tauhan ng Shop-o-pop na kasalukuyang naglalabas ng mga de-lata sa kahon. "Kuya, meron pa ba kayong stock n'ong pancake na may promo?"
"Pasensiya na, Ma'am, pero huling batch na ho 'yong naka-display sa estante. Next week pa ho ang dating ng delivery."
"Thank you." Hindi na 'ko makakapaghintay ng next week! "Alaude!" Mabilis niyang itinulak ang shopping cart para makaagapay sa lalaki.
Nakakunot-noong nilingon siya ni Alaude. "Stop shouting, little girl. Maawa ka sa vocal chords mo."
"Ibalik mo sa 'kin ang pancake ko!"
"Pancake mo? Ako ang unang nakahawak do'n kaya akin 'yon."
"Pero ako ang unang nakakita n'on! Inunahan mo lang ako."
"So?" bale-walang tugon ng lalaki, saka patakbong itinulak ang shopping cart para makatakas.
"Bumalik ka rito, Alaude!" Hinabol ni Umi ang lalaki habang tulak-tulak din ang sariling shopping cart. Maluwang ang Shop-o-pop kaya malaya silang nakakagalaw nang ganoon kabilis nang walang naiistorbo.
Narinig ni Umi ang pagtawa ni Alaude na nangunguna sa habulan. Her childhood memories suddenly flashed before her eyes. Naalala niyang noong mga bata pa silang magkakaibigan ay naghahabulan din sila sa Shop-o-pop sa Luna Ville gaya ng ginagawa nila ngayon ni Alaude. Sakit sila sa ulo ng buong village noon dahil nabubunggo nila ang mga estante sa grocery store. It was one of the memories she would always treasure in her heart.
Napangiti na rin si Umi habang patuloy silang naghahabulan ni Alaude na patuloy rin sa pagtawa. Siguro ay naaalala rin ng lalaki ang kanilang kabataan.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman ang pagdulas ng kanyang paa. Nabitawan niya ang shopping cart at tumama sa nakaparadang shopping carts. Siya naman ay humalik sa madulas at makinis na sahig. "Aray..." daing niya habang umaayos ng upo.
"Hindi ka pa rin nagbabago," komento ni Alaude na nakatayo sa harap at nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip. At sa sobrang tuwa na nade-detect niya sa boses ni Alaude, parang tumatawa na rin ang lalaki.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Noon kasing mga bata pa sila, siya rin ang parating nadadapa kapag naghahabulan. "I hate you." Tinangka niyang tumayo pero nadulas uli kaya napaupo na naman siya.
She heard Alaude chuckle. Naglakad palapit ang lalaki. Hindi niya alam kung para pagtawanan lalo siya o para tulungan. Pero kung ano man ang balak ni Alaude, hindi na niya malalaman dahil may isang lalaki na ang lumapit at tinulungan siyang tumayo.
Parang nag-slow motion ang lahat habang inaalalayan siya ng guwapong lalaki, mestizo at dahil sa asul na mga mata, halatang may dugong banyaga.
"I hope you're not hurt, Miss," masuyong sabi ng lalaki. "But do you want me to bring you to the hospital?"
Napailing na lang si Umi. She still couldn't tear her eyes away from his ocean-like eyes. "I-I'm okay..."
Ngumiti ang lalaki. And he became more handsome! "By the way, I'm Luke Anderson."
Nakipagkamay siya kay Luke. "Umi Velaroso."
Luke smiled. "Would you like to have a cup of coffee with me, princess?"
She felt her cheeks burn. What a princely man!
This. Is. It!
She heard Alaude snort behind Luke. Pasimpleng tinapunan niya ng masamang tingin si Alaude at nang magtama ang kanilang mga mata, binelatan niya ang lalaki.