Ang kwentong ito ay tungkol kay Madison na sobrang inlove sa kanyang nobyo na si Steve. Isang araw, nagkaroon ng malaking problema at dagok sa buhay si Steve na nagudyok sa kanya na pakasalan ang isang byuda at mayamang negosyanteng si Christine. Si Christine ay may nag iisang anak sa kanyang unang asawa na nasa New York ngayon, at yun ay si Clark, Si Christine din ngayon ang nagpapatakbo ng kanilang kompanya. Ginamit ni Steve ang kayamanan ni Christine upang maresolba ang kanyang mga problema at pansariling kapakanan, hindi ito alam ni Christine dahil nabulag siya sa pagmamahal niya kay Steve dahil nakikita niya ang ugali ng kanyang yumaong asawa dito. Magkalayo ang edad nila Christine at Steve kaya naman tutol ang anak nito sa kanilang kasalan. Habang si Madison naman ay walang nagawa sa desisyong ito ni Steve, mahal parin ni Steve si Madison at ganun din si Madison kay Steve kaya naman pinagpatuloy parin nila ang kanilang relasyon kahit na kasal na si Steve kay Christine. Lumilipas ang mga araw at nagbabago na rin ang lahat kanila Christine, Steve, Madison at pati na rin kay Clark, umuwi si Clark upang bantayan ang kanyang ina at naging magkaklase sila ni Madison. Habang si Steve naman ay nasilaw na sa kayamanan ni Christine at nagbago na rin ang pakikitungo niya kay Madison, katawan na lang ni Madison ang habol niya dito kahit na sobrang mahal parin siya ng kanyang nobya at pera naman ang habol niya kay Christine.Malaman kaya ni Clark ang sikreto nila Madison at Steve? May magagawa kaya si Clark para sa kanyang ina na si Christine? Kung sa bandang huli ay mahuhulog din ang puso niya kay Madison?