In the end, I choose what is appropriate in a casual dinner. Baka mapansin nina mommy na masiyado akong nagpapaganda kay Faven.
Nag-suot ako ng black fitted shirt dress na hanggang itaas ng aking tuhod. Inilugay ko ang aking buhok pero nagsuot ako ng headbad that matches my dress tonight.
Nag-make up din ako ng light dahil ayaw ko namang maputlang haharap sa kaniya ano.
Habang naglilipstick ay naalala ko na naman ang pag-iwas niya.
Parang may kumurot na naman sa dibdib ko.
He looks uninterested at me.
Wala talaga siyang gusto?
Gusto ko na namang umiyak sa inis pero pinigilan ko ang sarili.
Crying won't help me. I need to do something so that I could make him fall in love with me.
But how could I melt his coldness? Bakit kasi sa lahat ng magugustuhan ko, katulad pa niya na parang walang emosyong nararamdaman.
Does he even know what love is?
I stop my thoughts for a while to get ready. Ayaw ko silang paghintayin ng matagal.
After my lipstick, nagpabango muna ako bago ako umalis ng kwarto at bumababa papuntang dining hall.
"Bakit ang tagal mo? Nakakahiya kay Faven" Iyon ang bungad sa akin ni mom pagpasok ko.
Hinalikan ko lang siya sa pisngi. "Where's Dad?"
"Preparing our dinner"
Lumingon ako kay Faven na sobrang straight ng pagkakaupo.
Very disciplined.
"May pupuntahan ka pa ba huh?" Tanong ni Mommy bago inamoy ang leeg ko. "Nagpabango ka pa"
"Duh! I just want to look beautiful. Masama ba 'yon?" Umikot ako sa mismong harapan ni Mommy pero pasimple rin akong nagpapansin kay Faven na walang pake kaya tinigil ko na din.
Tss. Suplado talaga.
"Hindi ka man mag-ayos anak, maganda ka pa rin. Mana ka sa nanay mong maganda"
Napalingon kami kay Daddy na kakalabas lang ng kusina. May dala itong tray. Sa mga nakahain pa lang doon, alam ko na kaagad na masarap.
Daddy is a chef. My Kuya Rev is also a chef. Silang dalawa talaga ang tiga-luto sa bahay.
Madalas, ang ginagawa lang namin ni mommy is kumain ng mga masasarap nilang luto.
"Hey Daddy!" Hinalikan ko siya sa pisngi bago ko siya tinulungan maghain sa mesa. "Amoy masarap ang mga putahe. Daddy naman e. I'm on a diet!"
"Cheat day mo ngayon anak" natatawa niyang sambit bago siya tumabi sa aking ina pagkahain ng mga ulam.
I just pouted before sitting next to Faven.
Mommy clasped her hand. "Let's pray first!" Bumaling siya kay Faven. "Can you lead the prayer?"
"Prayer?" He uttered. Tinuro niya ang sarili. "Lead?"
Mommy slightly nodded. "Yes"
And Faven as Faven, malamig na titig na may iisang tono siyang nagsalita.
"I don't know how to pray"
Silence engulf the whole dining hall until mommy cleared her throat.
"Oh. Sorry. I should ask you first" mommy blinked twice.
Faven only bowed out of respect.
Si Mommy ang nag-lead ng prayer. Siniko ko ng kaunti si Faven nang hindi man lang pumikit o kahit pagsiklupin ang mga kamay nang magsimula ng magdasal si Mommy.
Mukhang nakuha naman niya ang ibig ko sabihin dahil pumikit siya.
I smiled a little.
After the short prayer, nagsimula na kaming kumain. Inasikaso ni Mommy si Faven. Tango lang ng tango si Faven sa mga inaabot nitong pagkain sa kaniya.
He still stiff beside me.
Inoobserbahan ko siya kanina pa at halatang hindi siya komportable.
Kawawang Faven. Mukhang hindi siya sanay sa ganito.
"How's my daughter so far Faven? Hindi ka naman binibigyan ng sakit ng ulo?" Tanong ni Daddy sa aking bodyguard na maganang kumain.
"Daddy naman" para naman akong sobrang sama ah.
I'm very considerate kaya.
Well....sometimes?
"I can handle her Mr. Santiago" magalang na sagot ni Faven sa aking ama.
Tumawa si Daddy. "It looks like he gives you a hard time"
I pouted more while looking at Faven who's only eating in silence beside me.
"Sa lahat ng bodyguard, sa kaniya ako pinakakomportable. Good thing we already choose the right bogyguard for our daughter Mav" Ani ni mommy na inaabutan pa din ng pagkain si Faven na tinatanggap lang naman niya.
Ngayong araw, may nadiskubre ako. Malakas siya kumain.
Kung pwede lang siyang pagmasdan habang kumakain ginawa ko na kaso baka sobrang halata naman ako.
"Thank you for saving my girl Faven"
"It's my job"
"I know but you did your job well." Bumaling naman si Daddy sa akin. "How's your bodyguard?"
"Excellent. I want to keep him. Can I keep him?" I wrapped my hands around Faven's hard biceps.
Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero ngumiti lang ako sa aking ama.
"We can't keep him anak but he's doing good so don't do anything okay?"
"Masama ba talaga ako?" I pouted.
"No. But you are wicked. Don't do anything with Faven okay?"
Oh, it's too late. I'm gonna do something with him.
Inalis ni Faven ang braso ko sa kaniya bago nagpatuloy lang sa pagkain.
Tss. So suplado.
"How's the food?" Si mommy naman ang nagtanong ngayon.
"It's good" matipid na sagot ni Faven na mabilis naubos ang nasa pinggan niya.
"I know you'll like it. Kumain ka pa"
"Okay" sumilip siya sa masarap na grilled back ribs marinated by my chef Dad with a special sauce.
I could see that he wants that so I took the initiative to give him a piece.
"Eat" bossy kong ani bago ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya na kaagad namang kinain niya.
"Looks like he enjoyed your dishes" natatawang sambit ni Mommy kay Daddy.
"Ofcourse. I'm a chef. It's expected" tumawa si Daddy.
Hindi naging boring o tahimik ang dinner. I enjoyed it a lot. Hindi ako masiyadong kumain pero busog na ako dahil busog akong pagmasdan siya.
Doon ko lang din na-realize na ang onti lang pala ng oras na nagsasama kami. Usually, ihahatid niya ako from school tapos hindi na siya magpapakita. Kapag may ipapadala lang ako o kaya iuutos tsaka ko siya nakikita then after that susunduin niya ako.
We haven't spend so much time together.
Maagang umuwi si Faven pagkatapos niyang kumain. Magalang siyang nagpaalam sa aking mga magulang bago siya umalis.
Hindi ko na siya nasamahan palabas dahil bigla na lang siyang nawala no'ng naghuhugas ako ng kamay.
Pumasok na lang ako sa kwarto. I did my skincare then I study for two hours before I fall for a deep slumber.
Kinabukasan ay maaga ako nagising para mag-prepare sa pagpasok. As usual, Faven is already outside, waiting for me.
I greeted him and he greeted back formally. Hinatid niya ako papuntang school bago nawala na siya sa paningin ko.
"Bakit ang busy mo naman Shan?" tanong ni Bianca habang nag-aaral kami sa library.
"I'm searching about how I'll seduce a cold hearted person"
"Oh? So you're stop being broken na?"
"Yes" I sighed. "Na-realize ko na kahit magmukmok ako, walang mangyayari. I need to do something"
"That's my girl" she tapped my cheeks.
"Paano ko ba palalambutin ang isang tulad ng bodyguard ko?"
"Well? May ginawa ka na ba?"
"Hmm.." I crossed my arms over my chest and think deeply. "Well I confessed and made a bold move"
"Bold move? What kind of bold move?"
Namula ang pisngi ko bago ako sumagot. "Kissing him"
Umirit ng malakas si Bianca kaya naman nasita kaming dalawa at napalayas sa library.
"I'm sorry we got kick out! Hindi ko akalaing ganoon ka katapang!" Tumitili pa rin si Bianca sa kilig kaya naman hinampas ko siya at dinala sa field para makapag-usap kami.
Sayang at wala si Jesica. Busy dahil isang officer ng department namin.
"Tell me the details please!" Ganang gana makinig si Bianca kaya kinwento ko 'yong mga nangyari.
"You're so advance Shan. Nagmumukha kang desperada" komento niya after ko magkwento.
I even tell her what I did last night.
I pouted. "Really?"
"Yes! Baka isipin niya uhaw na uhaw ka sa halik dahil bigla bigla mo siyang hinalikan"
She has a point. Kinagat ko ang labi nang mapagtanto ang ginawa ko.
Yeah. I really look like an easy to get woman. A desperate woman!
"Then what should I do?" Nangalumbaba ako. "Hindi siya mabilis magkakagusto ano. You know him! Ang cold-cold!"
Umarte si Bianca na nag-iisip. I patiently wait for what she wants to say.
"Hmm...I think you need to know him deeper first so he could get connection from you"
"Knowing him deeper..." I uttered.
Kaagad naglaro ang isip ko kung paano ko iyon gagawin. I mean, hindi naman siya 'yong tipong palakwento. Madalas siyang tahimik at napakatipid.
Paano ko siya makaka-heart to heart talk niyan?
"This is hard than I expected" I sighed. Sinandal ko ang ulo sa kaniyang balikat.
"Goodluck sissy!"
Buong araw kong iniisip kung paano ko makikilala ng mas malalim si Faven.
Ano bang alam ko sa kaniya?
Well...he's good at fighting. He is a responsible bodyguard and handsome.
Besides that, wala na akong ala—
ICE CREAM!
HE LIKES ICE CREAM!
Natandaan ko na!
Naalala ko no'ng nag-mall kami. Nakita ko siyang kumakain ng ice cream at nakangiti pa siya no'n.
So the first thing I need to do is to buy him an ice cream.
An Ice cream date!
After class, nagpaalam na ako kina Bianca at Jesica agad. I'm so excited to go out!
Nag-iisip na kaagad ako ng lugar kung saan kami mag-i-ice cream date. Ayoko ng sweets but for Faven, I'll skip my diet for him.
I'm humming while walking to the parking lot.
I'm so happy today because we will be having a date!
Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko si Faven. I was about to wave at him when I saw him talking to Ruby again.
And what's worst is....
He is smiling at Ruby.
My smile and excitement immediately vanished in my face. Napaltan iyon ng matinding pagseselos at galit.
If a stare could kill, maybe Faven is already dead.
What is happening? Bakit parang close sila ngayon? Tatlong beses ko na silang nakikitang magkausap.
Am I missing something?!
Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang aking cellphone. I dialed Faven's number.
Pinagmasdan ko siyang kuhanin ang kaniyang cellphone. Napasinghal pa ako nang makitang nawala ang ngiti sa labi niya nang mabasa ang caller sa cellphone.
What the hell?!
He is so brutal huh?
"Hmm?" Muntikan na ako mapatalon sa kinatatayuan nang bigla kong narinig ang boses niya.
"Ready the car. Tapos na ang school hours"
"K" matipid nitong sagot bago pinatay ang tawag ay humarap muli kay Ruby.
I'm determined to know what are they talking about kaya naman lumapit ako ng kaunti at nagtago sa mga kotse na malapit sa kanila.
"I need to go"
"Ow" rinig ko ang dismaya sa boses ni Ruby. "Anyway, I want to invite you"
"Hm? Where?"
"At my birthday party. Here's the address of my place. Make sure to be there"
"I will. Nice to meet you Ruby"
"Nice to meet you too Ven"
Ven? What the hell? May tawag na agad?
Kaagad akong umalis sa parking nang masama ang loob. My eyes were teary. I feel like a loser again.
Hindi ko pa rin maisip kung paano sila naging close. I'm so mad!
So habang hindi kami nagkikita sa campus ay nakikipaglandian na siya?
How did it start?
Naghintay ako sa labas ng Campus. Sobrang nafu-frustrate ako ngayon.
Nang tumigil ang sasakyan sa harapan ko, automatikong sumama ang tingin ko sa kaniya paglabas niya ng kotse.
Tumingin lang siya sa akin ng blanko at pinagbuksan ako ng pinto.
Padabog akong pumasok at malakas ko ring sinalampak ang pinto.
"What's the problem Ms. Red?" Malumanay niyang sambit nang mapansin ang pagdadabog ko.
"You! You are my problem. I hate you. Okay? Remember that!" I snapped and he only give me a scowl.
Arrgh! Lagi na lang siyang ganiyan!
Masamang masama ang loob ko. Yes, alam ko sa sarili ko na medyo may moodswing ako.
"By the way Ms. Red, magpapaalam ako sa inyo"
"No. You can't go. I need my bodyguard tommorow" pagtanggi ko kaagad.
Alam na alam ko na agad kung bakit siya magpapaalam.
Panigurado dahil 'yon kay Ruby.
"Sir Rev will fetch you. I already asked him and he agreed—"
"Why? Where are you going?" Nilumanay ko ang boses.
"I'm going to do something"
As usual. Hindi siya nagsasabi. "What is it?"
Tumingin siya sa rear mirror. Sinalubong ko siya sa reflection niyang iyon.
"It's none of your business Ms. Red"
I sighed. Alam kong wala siyang sasabihin.
"Fine. Ingat ka"
He nodded before he started driving.
At that time, I remain silent until we got home. Tuluyan ko ng nakalimutan ang dapat na ice cream date namin instead, I immediately contact Bianca and Jesica.
"Girls, alam niyo ba ang address ng party ni Ruby?" I direct to the point.
At hindi ako binigo ng mga kaibigan ko.
Jesica send me the address of the party.
This is the perk of having an updated friends. Lagi talaga sila ang tagapamalita sa akin ng mga nangyayari sa loob ng campus.
I smirked.
As if I'll let them two alone. I need to see why Faven is friendly with her. Hindi ako makakapayag na wala ako do'n.
Babakudan ko si Faven.