CHAPTER 10

2557 Words
I heard from Bianca that the party theme is semi-formal. I wear a black cocktail dress na may slit sa bandang hita. Blackless din iyon at kita ng kaunti ang shadow ng cleavage dahil sa push up bra na suot ko. I made sure that my face look good tonight para naman kahit magtresspass ako sa party ay hindi halata. At siyempre, gusto ko makita ako ni Faven na maganda. I sighed while looking at the entrance. Bumuntong hininga ako. Nag-iisip ako ng paraan para makapasok. Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Like the hell! This is the first I'm going to tresspass a party. And I will blame Faven for this. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit dadalo siya dito at kung bakit close sila ni Ruby. Bago pa mahuli ang lahat, ang naisip kong paraan para makapasok ay makilinya sa maraming tao. Since the party just about to get started, marami pang mga nasa labas. Yumukod ako at nakisiksik sa tingin ko ay magbabarkadang kasing age ko sa pila. They were ask about their names. Habang kinakausap naman sila ng event staff, I grabbed the chance to enter but I failed to do it because another staff blocked my way. "Kayo po ma'am? Ano pong name niyo?" Napalunok ako ng mariin. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata. "Reishan Devon Santiago" sagot ko. May ni-type ang babae sa computer. She even asked about the spelling. Nakita ko na nakatatlong click siya bago tumingin sa akin. "Your name wasn't in the list" Busted. I tried to remain calm at this point. I desperately want to come in! "I know the birthday celebrant. She's close with my boyfriend so please let me in" I gave the staff a sweet smile. Baka madaan ko sa ngiti. I'm referring to Faven when I said my boyfriend by the way. "Pero wala po kayo sa list" ulit niya. "Please?" Pagmamakaawa ko pa. Umiling ang event organizer. I know she will not going to let me enter and I don't want to cause any commotion, so I was about to go home when a an arms wrapped around my shoulder. Kaagad akong napatingin sa gumawa no'n sa akin at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jefferson iyon. Gusto ko na umiwas at tanggalin ang akbay niya nang higpitan niya iyon. Sinamaan ko siya ng tingin. "What are you doing—" "You want to enter right? Sabayan mo ako" bulong niya. Hindi ko pa rin siya maintindihan hanggang sa magsalita ang event staff sa aming harapan. "Sir! Kasama mo?" Ngumisi siya sa akin bago nagtungo ang tingin sa babae. "Yes. She's with me." Mas lalo niya akong hinapit sa kaniya. Pinagtaasan ako ng balahibo sa ginawa niya. Bigla akong natakot at nandiri pero pinilit kong ngumiti sa event staff. "I'm talking about him earlier" "Oh. Sorry" she said apologetically. Tumingin siya sa akin. "Hindi mo naman sinabi na boyfriend mo pala si Sir Jefferson" Nanlaki ang mata ko at gusto ko kaagad magdeny pero nahila na ako ni Jefferson papasok. Pagkapasok namin sa loob ay kaagad akong kumawala sa kaniyang hawak. I'm not comfortable. "Don't do that again and I'm not your girlfriend" I hissed. Tinaas niya ang dalawang kamay. "Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa galit? Bakit ka ba takot na takot sa akin Ms. Tourism? Wala naman akong gagawin sa'yo masama" I rolled my eyes before roaming my eyes around the party. It was an elegant party. Sabi sa akin ni Jesica, my updated friend, anak daw ng isang gobernador si Ruby. No wonder na maganda ang party. Ang dami ding kilalang personality na naandito. "So what's your agenda today? I bet it was your bodyguard right?" Natigilan ako ng kaunti bago napatingin kay Jefferson. "How did you know" Nawala ang ngisi sa mga labi niya. "What do you think me and Ruby broke up?" Umawang ang bibig ko. "Is it because of my bodyguard?" "Yes" nakita ko ang pagtiim ng kaniyang bagang. "He's not cool and older. How Ruby like him?" "Hey! He doesn't look older. Ang pogi niya kaya and he's cool okay?" Pagtatanggol ko pa. Ayoko nga ng ni-ba-bad mouth siya. "But...is there really something going on with them?" "Kinda. Hindi mo ba napapansin ang bodyguard mo? They always talking to each other. Kaya nga nakipagbreak si Ruby sa akin" "Deserve mo naman mahiwalayan" sagot ko. "I mean, you were a jerk" "I know that and I'm late to realize that I really like her" Napatahimik na ako nang makita ang pagsisisi sa kaniyang mata. Akalain mo nga naman. This kind of people have heart too pala. "Don't worry, take her back" I'll steal Faven here anyway. "I will" he smiled. "And I'm sure you'll take your bodyguard" "Ofcouse. I like him" Tumingin siya sa entrance. "Speaking of..." "Ladies and gentlemen, distinguished guests, and esteemed participants. Today, we are gathered here to commemorate and honor a remarkable individual on the joyous occasion of their birthday. It is with great pleasure that I introduce to you the beautiful birthday celebrant. Give her a round of applause, Let's welcome, Ruby Jewel Bautista!" Napuno ng palakpak ang buong paligid. Dumilim rin dahil ang spotlight ay nasa entrance. Bumukas ang pinto at bumungad ang napakagandang red gown na suot ni Ruby. I know that Ruby is a beauty too. Napatingin ako kay Jefferson na nakaawang ang bibig sa aking tabi. Starstruck huh? Kaagad din namang nawala ang tingin ko kay Ruby nang makita ang aking bodyguard. He is dashing with his red tuxedo suit. This is the first time I saw him wearing another color besides black. Sabi niya hindi siya nagsusuot ng ibang kulay. Bakit ngayon, nagsuot siya ng color Red? Did Ruby convince him? Umawang naman ang bibig ko dahil nakataas ang lagi niyang bagsak na buhok pero nakahalf mask siya na kulay itim. But all in all, I think he look so good with his hair right now. Kaagad din nawala ang paghanga ko nang makitang inilahad niya ang kamay kay Ruby na kaagad namang tinanggap nito. Nag-apoy ang aking mga tingin sa kamay na iyon. Doon lang nagrehistro sa akin lahat. My Faven is her escort. Parang may bumara sa daluyan ng aking hingahan. Saktong may dumaan na waiter na may dalang wine. Kumuha ako ng dalawang baso. Hindi ako umiinom pero kaagad ako naattract dito dahil sa inis. Ininom ko kaagad iyon ng straight kahit pa hindi elegante iyong tingnan. Kung alam ko lang na magiging torture pala sa akin ang pagpunta sa akin dito, sana hindi na lang ako nagpunta. Well... Inasahan ko na pero hindi ako naging ready. "Enough. It's too early to drink" hinawakan ni Jefferson ang kamay at hinila ako kung saan. Kung ako lang naman iyon, aalis na lang ako pero hindi. Gusto pa ata talaga akong torture-rin ng malala dahil pumunta kami sa unahan habang naglalakad silang dalawa sa red carpet papunta sa kabilang dulo kung nasaan ang magandang trono ng birthday celebrant. The spotlight is on them. Nakahalukipkip ako habang nakatitig ng sobra kay Faven. I want him to feel my presence and I want him to know that I'm mad. I'm so so mad! Binabati sila ng iba't ibang kilalang personalidad at nang malapit na sila sa amin, mas pinili kong umatras. Hindi ko pala siya kayang harapin. Baka gumawa ako ng ka-immature-an. I know myself. Baka maaway ko bigla si Ruby. Aatras na sana ako nang bigla akong hinila ni Jefferson. He snaked his arms around my waist. I straighten my back because of his touch. Hindi ako komportable kaya dapat itutulak ko siya nang bigla siyang magsalita. "Happy birthday Ruby" saad ni Jefferson habang nakatingin sa aming harap. My eyes immediately went to his direction and it automatically landed on my bodyguard who's also looking at me intently. Tumaas ang balahibo ko sa paraan ng pagkatitig niya lalo na nang bumaba iyon sa kamay ni Jefferson na nakapulupot sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata bago hinawakan ang kamay ni Jefferson para mas lalo iyong ipulupot iyon sa akin na halos umabot na sa pusod ko ang kamay niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya bago muling bumalik ang tingin sa akin. I glared at him before smiling at Ruby. "Happy Birthday Ruby. You're so gorgeous tonight" I said. Kita ko ang pagsimangot ni Ruby. "Why are you here? You're not invited" "She's with me" sabat ni Jefferson. "I invited her here. She's my date" "Oh" nanlaki ang mata ni Ruby bago ngumiti. "You look good together. Sorry for being a b*tch. It won't happen again. I realize that it's my ex fault for being a manwhore" tumingin si Ruby sa kaniyang ex, I mean Jefferson at nakita ko kung paano bumalatay ang kalamigan sa kaniyang titig. "Ruby.." Jefferson whispered beside me. "Anyway..." bumaling siya ulit sa akin. "Your bodyguard is hot. I like him" Pigil kong mag-react sa ginawa niya kahit gustong gusto ko na siya sabunutan. "Oh.." tumaas ang kilay ko at sinilip ang titig ni Faven na kanina pa pala nanunusok. "Kaya pala hindi niya ako nasundo at naihatid. I guess he wants another girl to protect and it's not me." Mapait akong ngumiti. Why I'm so hard to myself? Feeling ko tuloy sobrang nakakaawa ako. "I'm so willing to be protected by your bodyguard" ngumisi si Ruby. I don't know if that smirk is to pissed me off but it's working. "Edi magsama kayong dalawa" sinamaan ko ulit ng tingin si Faven na hindi inaalis ang tingin bago ko tinulak palayo sa akin si Jefferson at umalis doon. I was so pissed! I want to shout but I keep it in myself. I won't cause any commotion in someone else birthday party. Kaya naman humanap ako ng pwedeng magpakalma sa akin. Sakto may dumaan ulit na waiter na nagseserve ng alcoholic drinks. Kaagad akong kumuha ng isa at nilagok iyon. Masakit at mainit iyon sa lalamunan pero mas mapait pa ang nararamdaman ko. Aish! Dapat hindi na lang ako pumunta dito. As the program start, naghahanap lang ako ng maiinom. I keep finding waiters who serves drinks. Ni-hindi ko na mabilang kung ilan ang ininom ko hanggang sa mahilo na ako. The heck! Am I drunk? Lagot ako kay Kuya nito. I tried my hardest to walk straight but I always bumped into people. "Ingat ka Miss. Were you alone? You're beautiful. What is your name?" Ani pa ng isang lalaking nakabangga ko. Pagtingin ko sa kaniya ay kaagad akong na-attract sa kapogian. He's goodlooking and matured like Faven. "I know I'm beautiful" I said while flipping my hair before pushing him away. He's hot but he's not Faven so I don't care about him. I feel dizzy. Omg. I don't like this kind of feeling. I was about to walk again when a warm and familiar scent of jacket put on my shoulders. Gumewang ako kaya sumalo ang matikas na braso sa aking bewang. "Go home now" Kahit may tama ng alak, alam kong si Faven ang nagsalita. "Why?" I asked. "Ayaw mong makita ko kung paano ka nag-che-cheat sa akin?" Hindi ako kumawala sa braso niya bagkus ay umikot ako paharap sa kaniya para makita siya. Sumimangot ako bago ko tinuro ang sarili ko. "I'm not happy Faven. Can you see that?" "Why are you here?" Malamig niyang tanong. "What do you think? Tingin mo hindi kita mahuhuli?" Dinuro ko siya. "You're so insensitive. Alam mo namang gusto kita hindi ba? And now you're flirting with another gir—" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang itapat ang ilong sa aking leeg. My body stilled in a split second. "You're drunk. Have you been drunk before? Are you allowed to drink?" I gritted my teeth in annoyance. "Stop ignoring me Faven! Stop ignoring what I'm saying!" He only tsked before dragging me out of the venue. "Let me go! I hate you!" Maluha-luha kong sambit. "I hate you. Mag-resign ka na. I don't want to see your face anymore. Why you resurface again huh? Edi sana I'm not hurting like this—" He covered my mouth with his hands "Don't cause any commotion here" "Iddgowfcareeooe" I don't care. "Ihargogtyou" I hate you! I shouted on top of my lungs even if's not clear. May iilang sumulyap sa amin dahil nga sa pagiging immature ko pero wala akong pake. Is this because I'm drunk? Panay ang pagpupumiglas ko sa kaniya pero para lang akong isang magaang bagay na madali niyang nadadala. I keep fighting and escaping but in the end, napagod lang ako. Sinasamaan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad kami. Dinala niya ako sa lugar kung nasaan ang motor niya. Nang makarating ay doon niya lang ako binitawan. "Let's go home" aniya sa mahinahong boses bago kinuha ang kaniyang helmet. Akmang isusuot niya iyon sa akin nang umiwas ako. "I don't want to go home" pagmamatigas ko. "Ms. Red" mariin niyang sambit. "Ayoko" pinagkrus ko ang mga braso bago sumandal sa motor niya. "Bakit mo ako pinapauwi? Oh because you don't want me to see you flirting with her huh?" Nameywang ako. Huminga siya ng malalim. "Go.Home" madiin niyang sambit. "No. I'm invited. I have a date. Anyway, where is he? Bakit ikaw ang kasama ko? Hindi ba escort ka ng babaeng 'yon?" I pushed him. "Doon ka na" "Ms. Red" giit niya ulit. "Leave this place" "I don't want to" "It's dangerous" "Dangerous?" I scoffed. "It just a birthday party. Pero sa akin? Yes. It is dangerous. Ikaw! You are danger in my heart!" Sinapo ko ang dibdib ko. "You know that? Kaya huwag mo na akong pakielaman!" Pinaghahampas ko siya sa kaniyang matigas na dibdib and I realize that I'm crying so loud. I'm having a tantrums! Parang bata! Nakakainis! I can't control my emotions. Naghahalo-halo na iyon sa loob ko. "I hate you Faven. I hate you!!! Magsama kayo ng Ruby na iyon!" "Stop being stubborn" kalmado pa rin niyang saad. "You said you can handle me? Handle this stubborn me Faven! What you're gonna do huh?!" Pinaghahampas ko pa rin siya. Tinanggap niya lang iyon lahat ngunit patagal ng patagal ay nakita kung paano naubos ang kaniyang pasensiya and I don't really care! Ayokong lagi na lang siyang kalmado! Ayokong lagi niya na lang akong tinitingnan ng blanko. "Stop" "I hate you! I hate you! You are not handsome. Why I even like you? Mukha kang emo at lagi ka pang blanko" "One" pagbabanta niya. "Binabantaan mo na ako ngayon?" I pushed him but he's hard as rock. "Two" umigting ang panga niya. "Hindi ka ba naturuan ng mama mo gumamit ng iba't ibang emosyon? You are like a dead body with a soul. Zombie ka ba?" Sinapo ko ang pisngi niya at pinisil iyon. "I really hate you Faven! Bakit hindi ka na-attract sa akin h—" I stopped crying when he caught my arms. He wrapped it on his neck and the next thing I knew, he scooped me to sit on his motorcycle, he closed our distance and slammed his lips against me. Nanlaki ang aking mata.Tila binuhusan ako ng tubig at nahulasan habang nakatingin kay Faven na madidiin at agresibong dinadama ang aking labi. Omg! Faven, my cold bodyguard is kissing me aggresively. What the hell?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD