4

1634 Words
Maaga akong gumising para makatulong sa kusina sa paghanda ng almusal ng pamilya namin. Malaki ang pamilya ni Trevor kaya kailangan kong tumulong sa pagluto ng almusal para hindi rin masyadong mapagod ang mga kasambahay at tagaluto nila sa kusina. Kaysa nakatunganga ako sa kwarto, mas pinili ko na lang din ang tumulong sa mga gawaing bahay. Kaya nama malapit ako sa halos lahat ng kasambahay dito sa Mansion ng mga Vendalle. Umagang umaga ay tumawag sa akin si Mama. Kinukumusta niya kung anong nangyari sa naging date namin ni Trevor. Gusto niya talagang magkaroon ng update sa bawat kilos ko at ng aking asawa. "Just tell me, sweetie. What happened yesterday? Nag enjoy ba kayong dalawa ni Trevor? Ginamit niyo ba ang ticket na binigay ko sa inyo o ibang movie ang pinanood ninyo?" "We enjoyed the date, Ma. Don't worry. Natapos namin ang movie and we had the quality time that you are rooting for." I smiled. "We used your tickets. Hindi ako na inform na sexy romance pala iyon! Ma, hindi ko alam kung paano ko napanood iyon kasama si Trevor." Kung makikita lang ako ni Mama ngayon, makikita niya kung gaano kapula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan kagabi. Hindi ko naman kasi talaga inaasahan na ganoon kabastos ang panonoorin namin. Yung s*x scenes sa movie, nakakadala naman talaga. Akala ko nga doon pa aabutin si Trevor na mang aya ng s*x. Mabuti na lang ay nakapagtimpi pa ang asawa ko at hinintay niyang makauwi pa kami bago siya nang aya. Habang kausap ko si Mama, siyempre ay nakapokus ako sa pag prito ng bacon. Habang ang isang tagaluto naman dito sa kusina na kasama ko ay nakapokus doon sa pancake sa kabilang kalan naman siya, tahimik lang siyang nagluluto sa ngayon. May kausap pa kasi ako, mamaya kakausapin ko rin kapag tapos ko nang kausapin si Mama. Medyo close na kami niyang si Ligaya. "I'm glad you enjoyed your date. So anong nangyari kagabi? May something ba? May I know the improvement?" Naloka ako sa tanong ni Mama. Talagang hindi niya pinalalampas kahit na ganoong impormasyon. Hindi ko siya masagot dahil may kasama ako rito sa kusina. "Ma, I'm with someone. Hindi kita masasagot. I will text you later." "Sweetie, wala naman siyang pakialam. You just have to tell if something happened? Tutal asawa mo naman si Trevor there is no wrong if two of you had s*x yesterday." Napalingon ako kay Ligaya noong banggitin ni Mama ang malaswang salitang iyon. Bata pa rin kasi si Ligaya, magdadalaga palang siya and I'm concerned na hindi pa dapat sila napapasama sa mga ganitong usapan ng mga may edad at asawa na. Kaya naman hininaan ko na lang ang boses ko noong sinagot si Mama. "Yes, Ma. We had s*x. And I'm still waiting for the result. Hindi ko naman malalaman na buntis ako in just one night." Napatili si Mama. Dinig na dinig ko ang tili niya sa kabilang linya. Mukhang kinilig ang Lola, natawa ako sa aking naisip. Gustong gusto talaga ni Mama kapag sweet kami ni Trevor at kapag nasa maayos na sitwasyon ako sa asawa ko. Maybe ganoon lang talaga ang mga magulang, they want the best for their child. "Ayan ang sinasabi ko, darling! That's a good job. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting asawa mo kay Trevor. Sigurado akong masusuklian kayo ng mga cute na angels and babies. Sasabihin ko ito sa Papa mo, for sure matutuwa iyon sa progress mo anak. I'm so proud of you. Talagang ganap na may asawa ka na." I remained silent and focused sa niluluto ko. Mayamaya pa ay kinailangan nang tapusin ni Mama ang call dahil kailangan niya nang mag punta sa office niya. "Bakit parang mas marami yata ang niluluto natin ngayon, Ligaya? Anong meron? May handaan ba?" tanong ko kay Ligaya. Dinagdagan niya kasi ang putahe at ang iba pa naming lulutuin ngayong breakfast and I think magagahol kami sa oras dahil medyo late na rin kasi kaming nagising upang magluto kanina. Napasarap ako sa tulog dahil maaga na ako nakatulog kanina. Kulang pa rin nga ako sa tulog hanggang ngayon. Pinilit ko lang bumangon upang magluto ng almusal. "Yes po, Ate Dan." Ako ang nag presinta kay Ligaya na tawagin niya na lang ako sa pangalan ko o Ate Dan na lang for short. Dahil mababait naman sila rito kaya mabilis ko rin silang nakasundo halos lahat. "Darating kasi ang panganay na anak ni Don Tresiano, kaya inutos po ni Don na dagdagan ang lulutuin ngayong almusal." Dagdag pa niya sa sinasabi niya. Ngayon pala darating ang panganay na anak nila Don Tresiano? Hindi man lang ako nasabihan tungkol doon. Kahit ang asawa ko ay walang sinabi sa aking darating pala ang kanyang nakakatandang kapatid. "Ganoon ba?" "Oo, Ate Dan. Malamang ay pihikan iyon sa pagkain kaya marami at iba't ibang putahe ang pinahanda ni Don Tresiano, dapat nga ay may makakatulong pa tayo sa pagluluto. Si Tricia, kaso may lagnat siya ngayon kaya tayo pa rin ang nagluluto. Medyo gahol na nga tayo sa oras, ngunit wala namang iba pang available na makakasama natin dito dahil busy ang iba ss paglinis ng mansion." She was right. Marami nga ang naglilinis sa Mansion kanina noong paglabas ko pa lang ng kwarto namin ni Trevor. I thought that was just an ordinary day. Nagkakamali pala ako. Kaya pala marami ang naglilinis at busy ang lahat ng kasambahay ng Mansion ay darating na rito ang panganay na anak ni Don Tresiano. Matagal din atang nawala ang kapatid ni Trevor dahil wala rin iyon noong ikasal kaming dalawa. "Balita ko nga umuwi lang ang panganay na anak ni Don Tresiano para kunin ang mana nito. Iyon ang usap usapan dito sa buong lugar natin." "Nabalita na agad sa labas ng Mansion?" gulat kong tanong. Samantalang ako ay walang kaalam alam. Tumango siya sa naging tanong ko. "Oo, ate. Ano ka ba? Huli ka na naman sa balita." Natatawa niyang sabi sa akin. "Wag ka kasi panay si Sir Trevor. Wala ka nang ibang inatupag kundi iyang asawa mo Ate Dan." "Sorry. Wala lang talaga akong alam pagdating sa mga ganiyang bagay." "Sa bagay mas mabuti na rin yang mag focus ka lang kay Sir Trevor. Mahirap na at baka maagawan ka pa ng asawa. Uso pa naman iyon ngayon." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Ligaya. Uso naman talaga noon pa ang agawan ng asawa. Pero ang arrange marriage? Hindi ko akalaing uso pa pala iyon hanggang ngayon. Masyado nang naging old school ang mga pamilya namin para sa arrange marriage. "Hindi mo pa pala nakikita si Sir Travis, 'no, Ate Dan?" biglang tanong sa akin ni Ligaya. "Oo. Hindi ko pa siya nakikita." "Nako. Sobrang gwapo din daw non. Yung panganay na anak ni Don Tresiano, gwapo din yon tulad ni Sir Trevor. Magkapatid talaga sila. Pareho silang gwapo. Napakasuwerte ni Don Tresiano dahil mga gwapo ang kaniyang mga anak. Pero swerte ka kay Sir Trevor, kasi kung usapan ay ugali, di hamak na mas mabuti ang puso ni Sir Trevor kaysa kay Sir Travis. May pagkasa demonyo raw kasi yung Sir Travis." pagbibigay impormasyon sa akin ni Ligaya. Muntik nang mahulog ni Ligaya ang pancake na nilalagay niya sa plate noong biglang may sumulpot na lalaki sa kusina. Hindi ako pamilyar sa mukha nito kaya naman naalarma ako. Dumirecho ito sa refrigerator at kumuha ng tubig. Nanlaki ang mata ni Ligaya noong makita kung sino ito. "Si Sir Travis." She mouthed. Oh, so siya pala yung panganay na kapatid ni Trevor. Si Travis. "Hand me a glass." Utos nito sa akin. Nakatulala lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakagalaw at nakatitig lang ako sa mukha niya. Ang dami niyang piercing, mapa tenga, at sa mukha niya. Ito ba talaga ang panganay na anak ni Don Tresiano? Mukha siyang isang gang leader na naligaw dito sa isang malaking mansion. "Miss, bingi ka ba? Sabi ko abutan mo ako ng baso." Nagising ako sa katotohanan noong tumaas ang boses nito. Si Ligaya halos mangatog na dahil sa pagtaas ng boses nitong si Travis. Mabilis na kumilos si Ligaya at siya na mismo ang nag abot ng baso kay Travis ngunit hindi nito kinukuha ang inaabot ni Ligaya. "Sir ito na po ang baso ninyo, wag na po kayong magalit. Pasensya na po kayo." Hindi man lang pinag aksayahang tignan ni Travis si Ligaya. "Ikaw. Ano pang hinihintay mo? Baso." Talagang ako ang gusto niyang mag abot sa kaniya ng baso. "Nako, Sir Travis, hindi ho katulong dito si Ate-- Ma'am Danica." "If she's not a maid then why is she here?" "Siya ho ang asawa ni Sir Trevor. Ma'am, yung niluluto niyo po sunog na!" Ako naman ang nataranta sa sinabi ni Danica. Mabilis kong binalik ang buong atensyon sa bacon na kulay itim na sa pinagpiprituhan ko. Nakalimutan kong manipis nga lang pala ito at madaling masunog. Narinig ko ang pag tsk ni Travis. Kinuha niya na ang basong inabot ni Ligaya at uminom na siya. Ang gaspang nga ng ugali. Baso na lang hindi pa niya makuha. Pagkatapos uminom ay lumabas din agad ito ng kusina. Doon pa lang nakahinga ng maluwag si Ligaya. "Grabe si Sir Travis. Mas nakakaintimidate siya ngayon kumpara noon. Akala ko magigisa na naman ako." "Pasensya ka na sa akin, Ligaya. Nagulat lang ako sa hitsura niya." "Ang gwapo di ba?" Mukhang nakuha pang pagpantasyahan iyon ni Ligaya sa kabila ng pagiging jerk nito kanina. "Gwapo nga pero mukha namang adik. Ang daming piercing. Sa labi, sa tenga, sa ilong, kulang na lang ay buong mukha niya lagyan niya ng hikaw." Komento ko habang inaayos sa plate ang lahat ng bacon na niluto ko. "Ikaw talaga Ate Dan," natatawang sambit sa akin ni Ligaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD