After ko masahihin si Trevor ay nakaidlip siya. Siguradong pag naalimpungatan iyon mamaya ay magugutom siya kaya naman pumanhik ako sa kusina para mag ready ng kakainin namin ng asawa ko. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Hindi pa ako kumakain simula kanina. Hinintay ko kasi kanin si Trevor para sabay kaming mag dinner. Buti nga hindi napansin ni Trevor ang pag kulo ng tiyan ko kanina habang minamasahe ko siya. "Ikaw ulit?" Natatawang tanong ni Travis nang maabutan ako sa kusina. "Preparing foods for your brother. Hindi pa siya nag di-dinner." I don't why I am explaining myself to him. Hindi naman siguro ako required na magpaliwanag sa kaniya kung ano ang ginagawa ko rito sa kusina nang ganitong oras. But I find him intimidating as well kaya naman napapasagot ako agad sa kaniya ka

