13

1059 Words

"Mukhang ang ganda ng umaga natin, ah? Mukhang nadiligan na naman tayo kagabi." Sabi ni Susan. Sinundan niya pala ako dito sa office ko at nakita niyang malawak ang aking ngiti pagpasok pa lang ng aming boutique. Hindi lang iyon, binati ko rin lahat ng empleyadong nadaanan ko kanina. Ganoon naman ang ginagawa ko simula pa noon pero iba lang talaga yata ang ngiti ko ngayon dahil nagkaayos na kami ni Trevor. "Baliw." Sabi ko. Hindi pa rin mawala sa labi ko ang ngiti. Ganoon din siya. "Ikaw ba naman makapangasawa ng isang Vendalle. Lahi pa lang ay hindi ka na lugi. Baka kung ako rin ang makapangasawa ng katulad ni Trevor, kulang ang isang gabi para sa akin." Pang aasar pa niya sa akin. Nang makaupo ako sa table ko ay umupo naman siya sa harap ko at hindi pa rin ako tinigilan. Talagang i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD