"Sino iyang ka-chat mo? Kung makangiti ka parang wala nang bukas ah. May benta ka na ba?" tanong ko kay Susan. Lumabas ako sa opisina ko pagkatapos kong mabasa ang monthly report. Tapos nahuli kong may ka-chat itong si Susan tapos ang lapad pa ng ngiti sa kaniyang labi. Parang in love ata itong kaibigan ko ngayon at kanino naman kaya? Wala pa siyang naikukuwento sa akin. "Wala ito. Saka may benta na ako kanina kaya hayaan mo na ako." "Sino ba iyan? Wala ka namang nakukuwento sa akin. Umamin ka, Susan. May boyfriend ka na ba?" "Boyfriend? Wala pa akong boyfriend, ano ka ba? Chatmate ko lang ito. Natutuwa lang ako sa kaniya dahil persistent siya at panganay din siya sa pamilya nila. Siya rin ang tumutulong, we both understand each other." "And both of you can relate to each other. Kay

